In Your Eyes

1.8K 62 4
                                    

Rhian

After work sa Cafeteria nag iisa at nag eemote 😁😂..
Haaaayy nilamon na ng sistema si Jason, start na ng kabusyhan nya sa work gawa ng naglevel up na sya and I'm happy naman for him kasi deserve nya yun. Once in a while kahit wala sya sa tabi ko lately ramdam ko efforts nya to make me feel na di ako nawawala sa priorities nya sa buhay.
Siguro tama na rin to, yung feeling na unti unti kong nararamdaman na nabubuo na mga pangarap nya pero somehow may gap na unlike ng dati naming pangarap na kasama nya ko sa paraang pinapangarap namin dati
well everything has changed.
I'll give sometime para sabihin sa kanya 😞😞😞..yung feeling na to na unting unting dunudurog sa puso ko tuwing naaalala ko kung ano ba balak ko gawin sa kanya..sa amin 💔
Ang unfair ko ba? ayaw ko syang saktan 😥
pero kailangan eh, I knew it all this time pero di ko lang tinatanggap sa isip at puso ko pero yung katotohanang sumasambulat na sa buong sistema ko at di ko na nakokontrol sarili ko 😥
I have to do something bago pa ko makapanakit ng sobra 😥..
Rhian Jade ayusin mo please!!!
Naging mabuti sya sayong kaibigan at kasintahan so please be gentle 😥
Haaaayy, change venue..need ko pumunta somewhere alone kung saan mas makakapag isip ako kahit maraming tao at maingay haha
hmmm
Sa party place ni Patty!!!! Ok gora na run ng makapag chill rin whew
goodluck hahaha
teka party or muni?
HAHAHA
moments passed by at andun lang ako sa isang sulok ng bar lagok pa more haha
may mga manaka nakang lumalapit pero deadmakels yung isip ko literal na lutang na!!!
Until may isang pamilyar na boses na pumaimbabaw sa ere

"IN YOUR EYES, I CAN SEE MY DREAMS REFLECTIONS IN YOUR EYES.
FINALLY FOUND THE ANSWERS TO MY QUESTIONS IN YOUR EYES 🎶🎶🎶 "

Yung feeling na hinila ako ng kung anong pwersa para tumititig sa stage, yung mukha na bigla bigla na lang lumilitaw sa hinagap ko 😥😍
GLAIZA?!?!
yan ang natandaan kong pangalan nya..
yung boses nya yung mukha nya bakit parang may magnet 😍
HALA!!!! nabubuhay yung rainbow heart ko hahaha
but yeah I know di naman nawala eh nagkaron lang ng sudden outburst kaya parang bothering..awwww
lakas ng dating..lakas ng kabog ng puso ko
Oo aminado ako na hindi naman nawala attraction ko sa girls all this time pero iba to eh di ko maexplain
parang di ito pangalawang pagkakita ko sa kanya somewhere.
Yung first time sa Cafeteria, right?
pero hindi eh, I can feel deep in my heart nameet ko na sya kung saan man. Halaaaaaa..
I need to see maya sina Patty at Mike para makakilala ko na talaga si Glaiza!!! di ko na palalampasin to!!!
Natapos na ang set ni Glaiza at ng banda nya.
Sinundan ko sila ng tingin haaayyy mamimiss ko sya hmmm mukang mapapadalas ako dito hoping makita sya madalas, kung madalas nga sya dito
and ayun magstalk ako sa possible ways na possible haha
Buti na lang andyan sina Patty and Mike hahaha
Teka!!! ano ba tong ginagawa ko 😂
kanina lang depress ako thinking yung sitwasyon namin ni Jason tapos eto ko ngayon!!!! ano ba yan!!! Rhian Jade umayos ka!!!!
Pero bakit ba SELF? eh nagagalingan at humanga lang naman ako sa tao bilang galing nya kumanta ah? masama ba yun? hahaha
makikipagkaibigan lang naman ako sa tao walang masama run
Hahahaha..sounds defensive nakakainis ka na SELF!!! nyahahahaha
Matapos magpacool down sa CR ayun direcho kung nasan si Patty sa backstage. Sana lang andun pa si Glaiza sana di pa sya umalis
Boom bigla dumagundong yung mundo ko pagkakita sa room na andun si Patty kausap si Glaiza!!!!
para akong tinatambol ng sampung beses sa lakas ng kabog ng dibdib ko
halaaaa parang teenager na nakikita ang crush ng sobrang lapit!!!!
Watda!!! Please SELF compose yourself please 😥 kasi mukang ewan ka hahaha
I can't imagine na nagkakaganito ako lalo na sa babae hahaha
All of my life di pa ko nagkaganito kahit kanino hahaha
kahit sa lahat ng past ko hmmm

"Hi, Pat!!! 'Zup? It's been a while?!
Hello?! untag ko naman ke Glaiza, after ko magpasintabi sa kanilang dalawa bago ako tuluyang pumasok sa room.
"Oh hi, Rhi!!! long time no see ha? musta na ang Dyosa kong kaibigan? haha
well G, this is Rhian my ever adorable friend, Rhi si Glaiza a new found friend hehe, new performer namin, nakita mo kanina? Kung di mo naabot yung performance nila drop by ka uli para makita mo." Pagmamalaki ni Patty sa kanyang bagong gem sa Bar nya.
"Yeah nakita ko performance nila and I loved it and actually isa yun sa mga reasons kaya pinuntahan kita agad dito to ask you about her.
Sobrang bet ko voice nya and how she performs hehe magrerequest sana ako for more performance para anytime gumora ako dito andito sila kung sakali haha.
Hi Glaiza? so nice to meet you. A new fan here :)
"Hello Rhian, nice to meet you too and Thank you nagustuhan mo performance namin and I'm looking forward rin to see you sa set namin madalas haha
nakakataba ng puso na may kagaya mo na nakakaappreciate 😊"
Medyo nahihiyang tugon sakin ni Glaiza.
"Well can I call you G? cute eh hehe
and yeah mas madalas na siguro ako dito maliban kina Patty and Mike eh may isa pa kong ilolook forward sa bonggang party place na to haha"
GV kong sagot.
Well maraming salamat talaga Rhian 😆
So see you around 😉
For now mauna na kami ha? some other time na lang kasi medyo masama din pakiramdam ko
so see you sooner Rhi? hehe Rhi na lang din tawag ko para cute rin hehe
'Til then 😊
Pat, We'll go ahead na ha? next weekend uli
Goodnight guys.'"
Paalam ni Glaiza.

Nagkamustahan at nagchikahan lang kami ni Patty pag alis ni G, ayun catch up catch up din pag may time hahaha
whew what a night
and ang sarap lang sa feeling 😍❤

Haaay!!! Still can't get enough!!!


😍😍😍

—————————————————

Hello guys!!! Musta? feedback naman guys oh welcome lahat violent reaction, good or back feedback haha
suggest din kayo haha
Salamat sa munting time sa pagbabasa ha?
salamat talaga 😍😍😍
Labslabs ko kayo hahaha

My Joy..My Pain..My For KeepsWhere stories live. Discover now