Living A Dream

879 35 4
                                    

"Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na nangyayare to.
Naglalagalag tayo ng ganito na parang walang pakialam sa mundo.
Walang ibang gustong gawin sa buhay kundi ang hawakan at makasama ang isat isa.
Kung ganun lang sana kadali.
I can die happy."
Parang bata sa pagkakangiti si Rhian habang nasa biyahe sila.
Tila walang kapaguran at walang bakas ng kapuyatan ang dalawa sa taas ng energy.
Walang patid na kantahan at tawanan sa pagbobolahan.
Pampagising marahil sa mga matang kusang pumipikit lalo na kay Glaiza.
Salitan sa pagmamaneho ang dalawa para makapagpahinga ang isat isa.

"Love, maya na uli ikaw ha..ako muna kasi alam ko andami mong puyat.
Nakatulog ako ng medyo mahaba kumpara sayo kaya ako muna mas magdadrive.
Matulog ka muna dyan tutal medyo matagal pa naman tayo sa next destination natin eh.
Magpahinga ka kasi maglakad lakad trip tayo maya hahaha.
Recharge yourself well ok?"
Isang mabilis at malanding kindat ang ipinamalas ni Rhian sa naghihikab na si Glaiza.

"Opo Mahal ko, ang baby girl ko na parang hindi nawawalan ng energy sa katawan hahaha.
Medyo napipikit na nga ang cutie big eyes ko eh hahaha.
Rhian dreams to me haha.
I love you Mahal ko, mahal na mahal kita prinsesa ko."
Masuyong halik sa kamay ang iginawad ni Glaiza sa dalaga.

Tila biglang bumugso ang init sa pakiramdam ni Rhi sa masuyong halik na iyon ni Glaiza. Sumilay ang ngiting nakakaloko sa kanyang mga labi.

"Hay nakooo matulog ka na nga lang dyan baka maitigil ko tong sasakyan ng wala sa oras eh hahaha.
I love you more maganda at pogi kong Love love!!!
Rhian dreams hahaha."

Mabilisang silip ang ginawa ni Rhian sa katabi pagkatapos ng ilang minutong katahimikan sa pagitan nila.
Tulog na tulog si Glaiza na may mahinang paghilik na kasama.
Napatawa naman ng marahan si Rhian ng masilayan ang dalaga.

Sobrang kaligayahan ang nadarama ni Rhian ngayon.
Sobrang kaligayahan na sinabayan ng takot.
Ang bilis ng mga pangyayare.
Simula ng magkakilala sila na parang hindi naman nila unang pagkikita.
Parang somewhere in time daw ay nagkatagpo na sila.
Pamilyar ang wangis at pakiramdam nila para sa isat isa.
At yung sinasabi ni Glaiza na matagal na siyang nakita ni Glaiza, hindi nya alam kung totoong pangyayare o bahagi lang ng pakiramdam sa puso nya.
Andami pa nilang hindi napapag usapan ni Glaiza tungkol sa realidad nila.
Masyado na sila nilamon ng pag ibig na meron sila para sa bawat isa at naisantabi na ang realidad na maaari magpabalik sa kanila sa lupa galing ka sa langit ng ligaya na dulot ng pag iibigan nilang tila langit ang sarap.

Si Jason, ang pamilya nya, ang trabaho nya, ang kasunduan nila ni Jason, pagpapakilala nya ke Glaiza sa kapamilya at mga kakilala nya, paglantad nila bilang magkarelasyon.
Kahit isa sa mga iyon wala pa sya naumpisahan isipin sa ngayon.
Ang tanging alam nya lang kasama na nya sa wakas ang pinakamamahal nyang babae. Ang babaeng hindi nya akalaing magbibigay sa kanya ng mga pakiramdam na ngayon lang nya naramdaman.
Maging masaya, maging malungkot, maging takot, maging maiksi ang pasensya, maging praning, mainsecure, maging hindi sigurado. Usually confident sa sarili nya at sigurado sya sa kung ano ang mga kaya nyang gawin.
Hindi madaling bumaba ang morale nya, indeed she is a strong willed woman. She is an independent woman.
Pero kapag si Glaiza na ang usapan humihina ang defenses nya, bukod sa pamilya nya, si Glaiza ang kryptonite nya. Sila ang mga tao na pinakamahalaga para sa kanya.
Kalakasan at kahinaan nya.
Pero paano kung dumating ang panahon na kinakatakutan nya?
Yung kasunduan nila ni Jason hindi pa uli sila nag uusap tungkol dun.
Hindi pa malinaw ano na plano.
Hindi ganun kadali na matapos yun at hindi pa talaga matatapos.
Ang dami pa dapat ayusin. Ang dami pa dapat pag usapan.
Pareho sila sumasandal muna ni Jason sa mga panandaliang remedyo at wala pa talagang concrete na plano.
Kailangan na nila ng solid na game plan.

"Tama na munang pag iisip masyado.
Itutok muna ang lahat ng pansin at focus sa katotohanang magkasama kayo ni Glaiza ngayon. Sulitin ang mga oras at minuto ng kaligayahang walang maliw.
Ang tagal mong hinintay to na sa wakas aminin ni Glaiza sayo na mahal at mahalaga ka rin sa kanya.
Hindi pa man naipapaliwanag sayo ni Glaiza kung ano talaga nangyare sa kanya at kay Felix ay isantabi muna ang mga agam agam mo patungkol sa bagay na yun until handa na sya, maybe mayang gabi bago matulog? Oh basta sa lalong madaling panahon.
And sa part mo naman syempre kailangan mo rin mag explain sa kanya ng sa inyo ni Jason.
Ang mahalaga alam nyo ang nangyayari sa isat isa para masimulan na mga dapat simulan at ayusin na mga dapat ayusin.
Hindi magiging ganun kadali pero basta magtutulungan kayo every step of the way at basta lang magsasabi lahat ng kailangan malaman at kailangan sabihin."
Tila kinakausap ni Rhian ang sarili at inaaliw na rin para sa long drive to keep her alive.
Ayaw naman nya magising or gisingin si Glaiza na pagod at walang tulog simula pa nung nakaraang gabi na nagkita kita sila.

Napapangiti si Rhian kapag naaalala nya kung paano sya pasayahin ni Glaiza simula ng bumalik ito.
Sa kabila ng haggard na itsura nito ng gabi na iyon.
Yung gabi na yun na parang problemado at lugmok ang itsura babaeng pinakamamahal nya, nadurog ang puso nya pagkakita sa ganung estado si Glaiza.
Mukhang halos hindi natutulog dahil sa humpak na mukha, malalalim na eye bags, malungkot na mga mata.
Ang mga luha na dahan dahan sa pagbalong sa kanyang mata at pagdampi sa kanyang mga mapuputlang pisngi at umaagos pa ang iba patungo sa kanyang nangangatal na labi.
Ang marahan hanggang sa mahigpit na yakap ng dalaga ke Rhian ay hindi lang sa pisikal na katawan dumadampi kundi pati na rin sa kaibuturan ng pagkataon ni Rhian.
Ramdam nya ang pighati at lungkot sa pagdikit ng katawan ni Glaiza sa kanya.
Ang mga hikbi na tila batang pinagkaitan ng kanyang munting kaligayahan.
Ang mga impit na iyak na pilit hindi humulagpos sa kanyang mga labi.
Ang mga panaghoy na unti unting nanunuot sa tenga at pumapaimbulong sa pagkatao ni Rhian.
Lahat ng kalungkutan na nararamdaman ni Glaiza ng mga oras na iyon ay nasagap nya.
Ramdam nya ang bigat na dala nito ngunit hindi sya nagtangkang mag usisa pa masyado.
Hahayaan nyang kusa magbukas ng usapan si Glaiza o magtatanong sya sa tamang oras.
Ang gusto lang nya sa ngayon mahalin, alagaan at ibigay kay Glaiza ang kailangan at nararapat na pagmamahal para maibsan ang mga pinagdaraanan ng dalaga.
Pagaanin ang loob nito at iparamdam ang pagmamahal nya para rito.
Kinakabahan sya na hindi nya mawari, pakiramdam nya hindi magtatagal ang lahat ng tila panaginip na ito.
Sa isiping iyon ay tila kinurot ang puso nya.

"Gagawin ko ang lahat para hindi ka na uli mawala ng parang bula.
God please, ibigay mo sakin to at gagawin ko lahat ng dapat kong gawin para sa amin."
Hindi napigilang tumulo ang luha ng dalaga sa biglang kabang sumakop sa kanyang puso.

"No! Please calm down Rhian, hindi ito ang tamang panahon para mag isip ng kung ano."
Pagpapakalma ni Rhian sa sarili.

"Focus sa pagdadrive Rhi, focus!!!"

"Lantern, burning, flickered through the night only for you
But you were still gone, gone, gone
Been losing grip, on sinking ships
You showed up just in time
This love is good, this love is bad
This love is alive back from the dead
These hands had to let it go free
And this love came back to me
This love left a permanent mark
This love is glowing in the dark
These hands had to let it go free
And this love came back to me
This love, this love, this love, this love...
This love, this love, this love, this love...
This love, this love, this love, this love...
This love, this love, this love, this love...
Your kiss, my cheek, I watched you leave
Your smile, my ghost, I fell to my knees
When you're young you just run
But you come back to what you need
This love is good, this love is bad
This love is alive back from the dead
These hands had to let it go free
And this love came back to me
This love left a permanent mark
This love is glowing in the dark
These hands had to let it go free
And this love came back to me
This love, this love, this love, this love...
This love, this love, this love, this love...
This love, this love, this love, this love...
This love, this love, this love, this love 🎶🎶🎶"


.
.
.
.
.




...

....to be continued...



—————————————————


©song lyrics
This Love by Taylor Swift

A/N:

Maraming Salamat mga kapanalig!!! Maraming Salamat guys!!!
Votes and comments if trip nyo po :)

My Joy..My Pain..My For KeepsWhere stories live. Discover now