Risks

1.1K 49 16
                                    

"Glaiza, siguro after ko to sabihin sayo di ko alam kung ano na mangyayare.
Kung kakausapin mo pa ako or what.
Pero basta tatandaan mo na lang na wala akong intensyong masama.
Gusto ko lang malaman mo.
Hindi ko alam kung ano na kakalabasan pero handa ako."
-Rhian

"Rhi, tungkol san ba yan?"
-kinakabahang tanong ni Glaiza

"Glaiza, kung pwde sana makinig ka muna sa lahat ng sasabihin ko tapos kapag tapos na ok lang talaga ilabas mo lahat ng reaction at nafifeel mo that moment.. Seryoso tatanggapin ko kahit ano pa yan." seryosong seryosong pagkakasabi ng kinakabahang si Rhian.
"G, unang kita ko palang sayo in that Cafeteria may kakaiba na kong naramdaman..yung tipong reunited sayo after sometime..
ang gaan ng feeling ko nun kahit di ka nakaharap kasi nga pakiramdam ko na alam at kilala ka ng kung ano ng pagkatao ko na na ikaw yun at sa hindi maipaliwanag na rason kilala kita na parang hindi.
G, una palang gusto na kita..
gusto beyond bilang kaibigan higit pa sa pagiging kapatid.
Tuwing kasama kita, tuwing kausap kita sobrang sarap ng feeling ko. Lahat ng mga worries ko nawawala kapag andyan ka.
Di ko alam kung in love ba ako sayo or kung ano ba tawag dito pero I just want you to know na special ka, Glaiza." buong tapang na sambulat ni Rhian.

Nakatingin lang si Glaiza ng may pagkagulat sa harap ni Rhian.
Hindi nya alam kung ano dapat nya maging reaksyon.Ang lakas ng kabog ng dibdib nya.
Kinakabahan sya habang tinititigan ang mga mata ng kaharap.
parang pamilyar.
Pamilyar ang dinudulot na pakiramdam sa kanya ng mga mata ni Rhian.
parang hinahaplos ang puso nya.
Hindi magsink in lahat ng sinasabi ni Rhi sa kanya.
Wala pa syang balak magreact or magsalita. Makikinig lang sya.

"Glaiza, siguro naguguluhan ka na masyado at sobrang nagulat.
Hmmm..Oo may boyfriend ako and yung feelings ko sayo hindi ito nakagulo sa relasyon namin.
Wag mong isiping dahil yun dun.
Matagal na kong unsure samin ni Jason. God knows I tried my best para samin. I guess ang unfair ko rin sa kanya.
Yung sayo nangyare lang.
Hindi ko inaasahan.
Wala akong ineentertain na iba habang kami ni Jason. Loyal ako sa kanya kahit unsure ako.
Hindi ko sinasabi sayo na ganito feels ko kay Jason at sa relationship namin all this time para ijustify sayo yung growing feelings ko sayo.
Sinasabi ko sayo para lang malinaw kung anong klaseng feelings meron ako sayo.
Kung lalayo ka maiintindihan ko. Ito ang consequence na dapat kong iembrace."

Hinawakan ng buong higpit ni Rhian ang isang kamay ni Glaiza

"Glaiza, sorry kung nagulat kita 😞
I just feel the need na sabihin sayo to.
Sorry and I just hope wag kang lalayo pero kung ano man desisyon mo maluwag kong tatanggapin. "

.

.

.

.

1 week after...

"Ano na? wala pa rin?"

"Jase..Hayst..wala pa rin.
Hayaan ko na lang muna.
Siguro mas ok muna yung ganito,
tanaw tanaw na lang muna sa malayo.
Makikibalita balita."
Sabay buntong hininga ng problemado pa ring si Rhian.
Lalo na ngayong alam ko na at malinaw na sakin na talagang mahal ko sya.
Wala akong ibang hiling at gagawin para sumaya sya.
Kahit ikeep ko pa yung distance saming dalawa at mahalin sya sa malayo gagawin ko para lang di ako makagulo sa kanya.
Pero, Jase..natatakot ako 😞
baka mawili syang lumayo sakin 😥😩
Hayst wala eh ito na yung consequence ng pagtatapat ko.
Sobrang sakit. Pero kakayanin ko to.
Hindi ako basta papayag na lalayo sya ng tuluyan."

"Alam mo Rhi, knowing you alam ko you makakaisip ka ng plano para hindi sya tuluyang mawala sayo haha
ikaw pa ba? Sus..Hindi ikaw si Rhian Jade Ramos for nothing whew hahaha.
Kaya please don't be too depress tignan mo pumapanget ka Teh!!! I kennat allow you na papangitin ang sarili mo tatampalin kita dyan makita mo hayst..Please Rhiri cheer up a bit tulungan kita mag ayos ng plano para hindi kumawala ng tuluyan yang ladylove mo, kung kinakailangang gayumahin natin yan ipupush natin para lang di ka na mag emote emotan dyan ok? Unti na lang masasabunutan na kitang babaita ka.Tigilan ang Emoterang Rhian ngayon please!!!"
pagbibigay ng GV ni Jason sa dalaga.

"Haaaaayyy Jase, salamat.Salamat sa mga encouraging words ha? haha hay nako di ko alam if matutuwa ako or lalong madedepress sa mga pinagsasabi mo dyan haha..
Loko ka talaga hahaha..
Well, thank you pa rin..Thank you as always 😀
Alam mo yan."

"Rhi, alam mo naman na kung may mas higit na dapat magpasalamat satin ngayon, ako yun.
Kaya wag ka ng kumontra dyan ok? magsmile ka na lang haha."

"Opo Mr. Chua haha sorry na alam ko naman kung gaano ka masyadong hulog na hulog sa charm ko eh hahaha.
Etong ngiti dito sa mga labi ko ifaflash ko lang dahil request mo and I just hope and umaasa talaga ko na tutuparin mo yang pangako mo na  tutulungan ako na maibalik talaga to sakin 😥
Alam mo naman diba? Kung ayaw mo ako mastress ng mastress at pumangit ng pumangit hahaha."

"Kamote!!! Tigilan mo na nga ako sa kakornihan mo Rhian Jade!!!! hahaha nakakairita hahaha"

Sabay silang nagtawanan sa mga kalokohan nila 😁

.

.

.

Glaiza

Mukha namang masaya sya ngayon. Effective ata yung ginawa ko.
A week na hindi sya kinakamusta at hindi sya kinakausap sapat na para makita ko kung ano ba yung feelings and dapat kong ginagawa sa feelings ko for her.
Mas nakabuti yung paglayo and I should keep that distance para rin sa kanya.
As for myself kayang kaya ko to.
Sus may bago pa ba sa ganitong eksena? haha
Didistansya ako pero siguro hanggang kaya ko somehow tatanaw pa rin ako sa malayo. Parang ganito.
Tahimik at sumusulyap sa babae sa panaginip ko.
Sa tagal ng panahon na may nanggugulo sakin sa panaginip na yun sa wakas nagkaron na rin sya ng mukha. Nagsasalita na sya sa kin sa panaginip at tumatawa na kita na ang buong mukha 😥
Ang nagagawa ng pagkamiss ko sa kanya. Ayun pinagbigyan ng panaginip ko ang longing na nararamdaman ko sa kanya.
Ayaw ko man ientertain sa puso at isip ko yung pagmamahal na to para ke Rhian di ko magawa.
Oo mahal ko sya same way na nagmahal ako dati.
Ngayon lang nangyare sakin to at di ako makapaniwala.
Sobrang strange ng feeling na to pero sobrang lakas 😥
Ang kinakatakutan ko naganap na pero anong magagawa ko? 😥







...to be continued














—————————————————

Advance Happy New Year Rebels and sa iba pang kapanalig!!!!
Kamusta kayo dyan? Stay safe guys!!!
Naitawid ko tong update na to nyahaha..
Please guys, I wanna hear your thoughts kahit minsanan hahaha
Reactions, Feedbacks, Criticisms welcome na welcome!!! hahaha
Well..
Avisala Eshma sa patuloy na nagbabasa ng abang gawa ko hehe
*Hugs and kisses 😘😘😘

My Joy..My Pain..My For KeepsWhere stories live. Discover now