Broken Heart

798 32 8
                                    

"Good Morning, Mahal ko..
Tara na breakfast na tayo..
May fiesta uli"
Bulong ni Glaiza sa tenga ni Rhian.
Mga mumunting halik sa tenga at leeg ang gumising sa himbing na himbing na si Rhian.
"Mahal ko, I love you always and forevermore hihi"

"Uhmmm..Love tulog pa tayo..
I love you more and more my princess charming"
Tila pabulong na nang aakit na sambit ng nakapikit pang si Rhian.
Masuyong niyakap ni Rhian si Glaiza habang sya ay nakahiga at si Glaiza naman ay nakatanghod sa kanya na patuloy pa rin sa paghagod ng halik sa halos buong mukha ni Rhian.
Mga masusuyong halik sa ilong, sa pisngi, sa baba, sa kabilang pisngi sa mata, sa noo, sa ilong pababa sa labi.
Masuyong halik na animo'y tinitikman tikman ang tamis ng mapang akit na mga labi.
Uminit ang pakiramdam ni Glaiza.
Gumapang ang halik sa leeg ni Rhian.
Hindi na napigilan pa ni Glaiza ang palalimin pa ang bawat halik na pinapadama nya sa kanyang pinakamamahal.
Nasumpungan na lang ng magkasintahan na palalim na palalim ang mga nagbabagang halik.
Hindi na nila maarok kung saan na sila dinala ng kanilang maalab na damdamin.
Habang umaatikabo ang pagsasalo ng dalawa sa mainit na eksena ay gumagalaw ang kamay ni Glaiza para matanggal ng tuluyan ang iilang kasuotan ni Rhian hanggang sa mahawakan at maramdaman ni Glaiza ang kahubdan ng Mahal nya na lalong nagpaningas ng apoy na dumadaloy sa ugat nya.
Si Rhian naman sa kabilang banda ay hindi rin nagpadaig dahan dahang tinatanggalan na rin ng saplot si Glaiza sa loob lang ng ilang minuto.
Bawat sulok ng katawan at karikitan ni Rhian ay walang pinalampas si Glaiza. Dinadama ni Glaiza ang kagandahang nasa harapan nya at taglay na karisma ng mahal nya.
Ilang sandali pa ay isang matamis na pagniniig ang pinagsaluhan ng magkasintahan.
Ramdam ni Rhian ang bawat hagod ng pagmamahal ni Glaiza.
Hanggang sa kaibuturan nya.
Impit na mga matatamis na salita ang namumutawi sa mga labi ni Rhian, mga salita ng pagmamahal na bumabasag sa katahimikang lumulukob sa paligid kapag wala sa pananakop ng mga tila nag aapoy na halik ni Glaiza na tumutupok sa lahat ng pagtitimpi nya sa katawan.

Halos walang kapagurang paulit ulit na pinagsaluhan ng dalawa ng tamis ng kanilang pagmamahalan.

.
.
.
.


11 a.m.



Nagising bigla si Rhian.
Nagising ngunit wala sa tabi si Glaiza.
Nagtaka ng bahagya si Rhi sa space sa tabi nya.
Parang sa hinagap nya at pakiramdam nya matagal syang walang katabi.
Pero..
Ano nga ba yung nangyare kani kanina lang?
Nagsalo sila ni Glaiza sa mainit na pagniniig ng madaling araw na yun hanggang umaga.
Pero..wala siyang malinaw na alaala kung ano nangyare after nila pagsaluhan ang kaligayahan na yun.
Totoo ba yun? Bakit may pakiramdam sya na, it is so good to be true?!?!!

Kinakabahan si Rhian.
Ang lakas ng kabog ng dibdib nya.
Kabang bigla biglang umaatake sa kanya nitong mga nakalipas na araw kahit magkasama sila ni Glaiza.
Overwhelming yung feeling ng kasiyahan and yet may kaba and doubts.
Hindi nya masyado pinagtaka yun given the circumstances pero may iba eh..
May iba..
May bouquet of roses sa side table.
May nakatuping papel.
Sulat.
Nanginginig ang mga kamay ni Rhi habang inaabot ang sulat.
Unti unting namumuo ang luha sa kanyang mata na biglang binalot ng agam agam at kalungkutan na kahapon lang ay may hindi mapaglagyang kasiyahan.
Naglaglagan na ang mga luhang hindi na mapigilang mag unahan sa kanyang mga makikinis na pisngi.

My Joy..My Pain..My For KeepsWhere stories live. Discover now