How Could An Angel Break My Heart

740 32 3
                                    

Halos sumabog ang puso ni Rhian.
Sobrang sakit.
Sobrang pait.
Nabibingi sya sa palahaw ng sawing puso nya.
Gusto nyang sumigaw.
Gusto nya magwala.
Gusto nya manapak.
Gusto nya manampal.
Gusto nya gumanti.
Gusto nya na may bawian sa lahat ng sakit na nararamdaman nya ngayon.




Umiiyak ang puso nya na parang wala ng bukas.
Parang lahat ng tubig sa katawan gustong ilabas ng mata nya.
Mailabas lahat ng mata nya hanggang sa wala na itong mailabas pa.
Sumisigaw ang puso't damdamin nya at tila nakikiisa ang lahat ng bahagi ng katawan nya sa dalamhating nararamdaman nya ngayon.
Sinaksak, binugbog at nagkapirapiraso, yan ang lagay ng puso nya ngayon.
Basag.

Wasak man sya sa kaibuturan ngunit hindi sya makikitang lumuluha oh the outside.
Hindi makitaan ng ano mang emosyon ang magaganda nyang mukha ng mga oras na yun matapos nyang basahin ang sulat na iniwan ni Glaiza.
Lahat ng hinanakit ng pagkatao nya ay nasa kaloob looban lang at tumutupok sa katinuan nya.

"Hindi maaaari!!!"
Sigaw ng isip nya.

"Not again Glaiza.
Bakit mo ginawa na naman sakin to?
Sobrang sakit pa rin pala sa pangalawang pagkakataon.
Mali! Mas masakit dahil ang dami mong matatamis na salita at pangako.
Pinaniwala mo akong may future tayo.
Pinaniwala mo ko na may langit kasama ka.
Mapanlinlang kung ganun.
Bakit mo ginagawa 'to sakin Glaiza?
Bakit?
Minahal mo ba talaga ko o pinaglaruan?
Bakit?
Dahil head over heels ako sa'yo?
Dahil patay na patay ako sa'yo?
Dahil mahal na mahal kita?

Nakatulala sa kawalan.
Walang emosyon ang mababakas sa mukha ngunit kung susuriin ay makikita na puno ng pait ang maiilap na mga mata.

Awang awa si Jason sa itsura ni Rhian.
Ramdam na ramdam nya ang kabiguan at laksang kalungkutan ng dalaga.
Natatakot sya.
Alam nya kapag malungkot at sobrang lungkot nito.
Kapag malungkot si Rhian, tahimik ito sa simula.
Tila ba inaabsorb yung feeling bago makitaan ng totoo nyang nararamdaman.
Kadalasan, ilang segundo o ilang minuto lang ang tinatagal nun at nag oopen up agad ng mga rants nya.
Sa tagal ng pagiging magkakilala at pagiging magkaibigan nila alam na alam nya na kung paano ihandle ni Rhian ang mga kasawian nito o kahit na kasiyahan halos lahat ng emosyon.
More or less alam ni Jason.
Sa hilatsa ngayon ni Rhian, kinakabahan at natatakot sya.
Pinaghalong galit at sobrang kalungkutan ang nakikita nya sa mga mata ng kaibigan.
Natatakot, nagtataka, kinakabahan, naaawa
Ayan ang mga namumutawing pakiramdam ni Jason upon seeing Rhian emotionless on the outside.
Hindi nya alam kung ano eksaktong gustong gawin ng dalaga.

Sa loob ng ilang minuto tahimik lang ang dalawa.
Medyo matagal din ng napagdesisyunan ni Rhian na tumayo at kumilos para mag ayos at magligpit.
Si Jason naman ay tahimik pa rin na tinutulungan at inaalalayan ang dalaga.
Naghihintay ng kung anong kailangang tulong ni Rhian.

My Joy..My Pain..My For KeepsWhere stories live. Discover now