Need To Be Next To You

1.5K 60 11
                                    

Rhian

Ang sakit sa ulo, sobrang busy ko and yet gumugulo pa rin sa isip ko kung anong gagawin ko samin ni Jason.
Kailangan ko na syang kausapin. Kailangan ko na syang palayain at ang sarili ko. Makikipaghiwalay na ko ng maayos at ieexplain ko lahat ng kailangan ko ipaliwanag. I know parang lalabas na iiwan ko sya sa ere pero God knows how hard I tried all these time para isave ang mga dapat isave between us pero wala eh hindi ganun kalakas para kumapit pa ko sa kanya..wala na yung spark, or should I say nagkaroon nga ba kasi ng spark?
ayaw ko gawin to sa kanya kasi sobrang bait at buti nya sa akin sa loob ng ilang taon naming magkakilala :'(
pero anong gagawin ko..hindi ko kayang magbigay pa ng love na deserve nya :(
Oo mahal ko sya..mahal bilang isang kaibigan..bilang isang mabuting kaibigan, mabuti syang tao..at hindi na hihigit pa dun ang pagmamahal na maibibigay ko 😥
Ang selfish ko noh? Kahit noon pa man naramdaman ko na yun pero still nagtry pa rin ako baka sakaling dumating yung panahon na mahalin ko sya gaya ng pagmamahal nya sakin :(
pero hindi ko rin maintindihan yung pakiramdam ko eh
Deep inside me I know may nag iba rin sa way ng tingin nya sakin these past few years..
One thing is certain, hindi nagbago yung pagiging mahalaga ko sa kanya pero basta may nag iba eh hmmm..
ayaw ko sya saktan pero mas mabuti na to kesa sa lalo pa naman masaktan ang isat isa sa pagtali ng mga sarili namin sa walang kasiguraduhan, well wala naman kasing sigurado sa mundong ito..nagbabago at nagbabago nga raw ang lahat..
Habang nagmumuni muni ako sa Cafeteria na iyon biglang may nagtext, si Jason parating na raw sya any moment and maski sya raw eh may sasabihin sakin na importante.
Biglang ang lakas ng kabog ng dibdib ko :(
Ito na nga ba kinakatakutan ko haaayssttt
Alam ko na kilalang kilala na ko ni Jason, alam ko na ramdam nya na may bumabagabag sakin, ramdam ko na kahit paano pansin nya.
Sana intintihin nya pa rin ako gaya ng pag intindi nya sakin in the past.. para sa kapakanan din naman namin to.
"Babe, kamusta? sobrang namiss kita.."nakangiting bungad sakin ni Jason.
"Jase, may importante akong gustong sabihin sayo.."
"Rhi, ako rin may sasabihin..pero I guess mas dapat ikaw muna mag open up, I know na connected yan sa sasabihin ko..
ramdam ko, Babe :)
Go ahead..makikinig ako every word.."
"Jase, I know parang ang biglaan ng dating pero alam ng Diyos kung paano ko pinaglaban kung anong mayroon tayo versus sa sarili kong pakiramdam 😢
patawarin mo ko..
ayokong magtunog defensive as much as possible pero I'm sure gaya ng sabi mo ramdam mo diba? All this time I really tried my best mag hold on satin..
pero.."
Hindi ko na halos matuloy ang sinasabi ko dahil nagsisimula ng pumatak mga luhang pinipilit kong pigilan.No!!! Umayos ka Rhian public place to..Pumunta kayo somewhere hidden.
"Rhi, tara lets go somewhere na mas makakapag usap tayo.."
We ended up sa car ni Jason..

A few minutes nasabi ko na lahat ng dapat ko sabihin..nakinig lang sya hanggang as matapos, walang butt in..
Nakahinga ako ng maluwag kasi nagsmile sya right after..
And then mapait na nagsalita..
"Rhi, gaya ng expected ko..
I saw it coming..hinantay ko na lang na iopen mo. Actually kaugnay yan sa sasabihin ko sayo na importante din..."
Bigla ako kinabahan sa narinig ko, sabi na eh nararamdaman ko may something din kay Jason..

11:04PM

An hour ago nung hinatid ako ni Jason sa condo
Sakit sa ulo..halos di pa magsink in mga pangyayare sakin!!!
My goodness!

*message tone alert

hala..
Saturday night nga pala almost Midnight na..
Yung gora namin ni Glaiza!!! muntik ko na makalimutan!!!

"Rhi, asan ka na? tara..almost midnight na..
gising ka pa ba?
mukhang sobrang busy ka ata nakalimutan mo lakad natin tonight?
Sorry if nakaistorbo :(
Need ko lang sana ng makaka usap ngayon :(
pwde ka ba? " - text message from Glaiza

My Joy..My Pain..My For KeepsWhere stories live. Discover now