Sinta

701 30 5
                                    

Ilang oras na rin ang lumipas ng nakabalik na ng Manila sina Jason at Rhian.
Habang nasa byahe kanina, walang imikan, wala talagang nagsalita. Balik sa naunang scenario sa Tagaytay.
Ngayon lang naexperience ni Jason na ganito si Rhian at naiirita sya!!!

Naaawa at sobrang inis na si Jason sa silent treatment na tinatanggap nya.
Nagkahiwalay sila ng landas ni Rhian ng gabing yun ng walang matinong usap.
Alam nyang kapag pinilit nya pa ito makipag usap na ganito ang hilatsa na parang pagod na pagod ay wala rin sya mapapala.

.
.
.
.

...

...

Mahal ko,

Alam na alam ko na hindi sasapat ang mga salitang patawad para maibsan ang naidulot ko sa'yo.
Ngunit patawad Mahal ko.
Marami man akong nagawa na nagpaluha sa'yo ng malala,
Mas pinagbabayaran ko yun.
Mas doble ang sakit
Mas triple ang pait.
Mahal na mahal kita.
Sobrang sakit na nasasaktan kita.
Hindi ko mailarawan kung gaano.
Patawad Mahal ko..
Patuloy kitang minamahal at mamahalin
Pakatatandaan mo.
Maaaring magalit ka pa lalo
Matawa o kaya mairita
Ngunit Mahal ko, lahat ng yan ay totoo
Saan man ako naroon ngayon
Mahal kita, Mahal ko
Hanggang sa muli.
Mag iingat ka.
Mahal kita.
Mahal na mahal kita.
Alam ko marami kang tanong
Alam ko marami kang gustong sabihin
Ngunit Mahal ko, hindi pa ko nararapat para sa'yo.
Basta lagi mong pakakatandaan na mahal na mahal kita at ikaw ang pangarap ko.
Hintayin mo man ako o hindi
Kamuhian mo man ako o patawarin o kahit kalimutan mo man ang mga pinagsamahan at ang mga pinagsaluhan natin.
Aking maiintindihan
Walang magbabago sa kung ano ka sa buhay ko.
Ako'y sa'yo pa rin.
Hindi ako mangangako ng kahit ano maliban sa pagsasabing mahal kita.
Mahal na mahal kita at yan ay totoo.
Hindi mo man malaman kung ano at paano.
Alam ko ramdam mo kung gaano kita kamahal.
Kulang man ako sa gawa ngayon
At wala pa ako maipapangako
Patawad mahal ko.
Hanggang sa muli
Sana makita pa kita muli kung iyong mamarapatin.
Mahal ko, patawad.
Sa piling mo ang tahanan ko.
Hindi mo man alam, yan ang totoo.

My Joy..My Pain..My For KeepsWhere stories live. Discover now