Save Me

1.2K 49 15
                                    

Good morning lovely lady!!!
Flowers for a precious lady like you..
Smile more my Angel 😊
Have a nice day.
Im missing you 😞

from: Rhian
to: Glaiza

*buntong hininga

Tuwing tinitingnan ni Glaiza ang card na yun galing ke Rhian
ang lakas ng kabog ng dibdib niya.
Naghahalo halo pakiramdam nya.
Takot, kilig, tuwa, inis, sakit, sarap, hirap, ginhawa at marami pang ibang unexplainable na pakiramdam.
Lahat yun nararanasan nya ng sabay sabay tuwing naiisip nya si Rhian at mga idinudulot na emosyon nito sa kanya.
Sunod sunod ang mga pangyayare. Isang buwan na halos simula nung magpasya siyang idistansya ang sarili nya ke Rhian.
Hindi nya alam kung ano una nyang dapat gawin at maramdaman.
Hindi nya gusto ang nararamdaman nya kay Rhian nung una.
Natatakot at naiinis sya.
Pakiramdam nya dito nagsimula ang lahat
Kwestyunin ang sarili nya, kwestyunin mga paniniwala nya
at higit sa lahat kwestyunin ang kakayahan nyang magmahal.
Nagsabay sabay pa lahat ng problema nya ngayon. Isang matagal na nyang pinagdaraanan at itong dumagdag pa.
Ang babae sa panaginip nya. Luminaw na ang dating weird na panaginip nya.

Ano bang nangyayare sakin 😥
Mababaliw na ko kakaisip. Hindi ko na maintindihan kung bakit nangyare ito ng ganitong sabay. Ito namang isa bakit pati sa panaginip ko andun pa rin sya hanggang ngayon na buong akala ko nawala na pero mas lumalala pa eh. 😥
Ayaw ko sa sya mahalin.
Hindi pwde..
Pero gaya ng palagi ko sinasabi, anong magagawa ko.
Nung unang kita ko palang sa kanya nung isang madilim na gabi na yun alam ko hindi pa yun ang huli naming pagkikita.
Ayun nga every now and then di na pala ako tinantanan ng mga alaala nya..hanggang sa muli naming pagkikita sa bar na yun.
Hindi ko namalayan.
Lately ko lang napagtanto.
Bakit ganyan ang tadhana? Isang matinding pagsubok na naman ba ang pagdaraanan ng puso at isip ko? ayaw ko na pagod na pagod na pagod na ko.
Kung pwde lang sumuko, susuko na ko.
Walang rason para pahirapan ko sarili ko ng ganito.
Nahihirapan ako thinking na ang laki ng impact nya sakin.
Simula pa noon na wala akong idea na sya pala.
Bakit ka patuloy na bumabalik sa buhay ko and this time talagang pumapasok na sa sistema ko
A part of me gusto ng iwanan lahat ng traces nya sa nakaraang hindi ko talaga sya kilala at lumayo sa kung ano mang meron tayo ngayon habang kaya ko pa? kaya ko nga ba? 💔💔💔
Masyado na ba akong malupit sa sarili ko? Ok I'll give in. Bahala na. Ano man ang kalalabasan nito.
Ayaw ko tuluyang mahumaling sa kanya, pero di ko na makontrol sarili ko. Oo pagkahumaling na nga siguro to.
Kailangan nga siguro may gawin akong aksyon dito.
Its now or never.
Kailangan ko ng panindigan to
Kailangan ko to gawin bago pa man mawala ako sa katinuan kung sakali
Tutal eto naman ang piping hiling ng puso at pagkatao ko diba?
Kahit man lang papaano ay maipadama ko ito.

My Joy..My Pain..My For KeepsWhere stories live. Discover now