Blank Space

730 27 1
                                    

"Glai Glai ko....."

Tiningnan lang ni Glaiza ang tumawag sa kanyang pangalan.
Tinging malamig.
Tuloy tuloy ang lakad patungo sa kanyang kwarto.

"Glaiza, mag usap naman muna tayo oh."

"Pagod ako, babawi ako ng tulog may ilang araw pa naman eh."
Ni hindi lumingong sagot ni Glaiza.

"Glai, please lang alagaan mo sarili..hindi biro yang kalagayan mo.
Kahit wag mo na ko intindihin basta alagaan mo lang sarili mo at yang dinadala mo."

"Lex, kaya ko to..alam kong ginagawa ko.
Late na rin..matulog ka na."
Tila walang ganang sagot ni Glaiza at tuloy tuloy na sa pag akyat sa kwarto.

Naiwan si Felix na mapait at maiyak ngiyak ang itsura.
Bumalik sa isang sulok at ipinagpatuloy ang paglalasing.
Ang dami na nyang naiinom ngunit sa pakiramdam nya manhid na sya.
Nanlalabo na ang mga mata ng pinaghalong bumabalong na luha at epekto ng alak ngunit ang isip nya gising na gising pa rin.
Ramdam na ramdam nya ang kirot sa puso na bumabalot na sa buong pagkatao nya.

Kung maibabalik lang lahat ng mga ginawa nya kung bakit nasa isang sitwasyon sya sa ngayon na hindi ganun kadali at gusto nyang pagsisihan.
Hindi ba dapat magpasalamat pa sya?
At some point ginusto nya to pero bakit ganun yung pakiramdam, parang gusto syang singilin.
Mas lamang yung sakit na nananalantay sa ugat nya galing sa puso nya.
Yung isip nya sinasabing tama lang yung ginawa nya, tama at dapat lang na nasa kanya si Glaiza.
Pilit nyang kinukumbinsi ang sarili nya simula't sapul.
Ayaw nya na masyado mag isip pero hindi sya pinapatahimik ng isang bahagi ng puso nya.



Namimiss nya na kung paano sila ni Glaiza dati.
Yung Glai Glai nya.
Yung malambing at palatawa na Glaiza nya.
Yung Glaiza na lagi nyang kinakantahan at sabay silang kinakantahan ang isat isa.
Yung Glaiza na kahit anong gawin nya tinatanggap at sinusuportahan sya.
Yung Glaiza na kahit naiinis na sa kanya ay hindi sya matitiis at konting panlalambing at pag aamo nya lang niyayakap at mas naglalambing sa kanya.
Yung Glaiza na hindi sya nakakayang tiisin.
Yung Glaiza nya na mahal na mahal sya.
Lahat ng iyon hindi nya na maramdaman.
Yung Glai Glai nya na ibang iba na sa Glaiza na kasama nya ngayon.
Sobrang sama ng loob ni Felix, alam nya sa sarili nya na walang dapat sisihin sa lahat ng mga pagdurusa nya kundi sya at sya lang.
Sya rin naman nagbigay kay Glaiza ng dahilan para masagad at lumamig na ng tuluyan sa kanya.
Ang daming beses na pinatawad at tinanggap sya ng babaing walang ginawa kundi intindihin at mahalin sya ngunit hindi nya pinahalagahan.
Sinayang at pinalagpas nya sa buhay nya ang isang tao nagmamahal ng totoo sa kanya.

Hanggang sa nangyari yung mga bagay na hindi nya akalaing mangyayari sa kanila.
Yung matagal na nilang problema simula nung nag abroad abroad sya at ang pamilya nya lumala at hindi na nila kinaya.
Akala nya matatag sila ni Glaiza.
Akala nya kakapit pa rin si Glaiza sa kanya at sa tagal ng pinagsamahan nila.
Eventually napagod ang dalaga.
Ilang beses na nyang nasasaktan ang damdamin ni Glaiza in the past pero naaayos at naaayos pa rin nila.
Pinapatawad, tinatanggap at kinakapitan pa rin sya ni Glaiza at sa lahat ng yun sobrang thankful at sobra sobrang swerte nya.

Pero hindi nga lang sa lahat ng pagkakataon ay aayon sayo ang mga bagay ng ganun ganun na lang.
Isang araw natagpuan na lang nya ang sarili na sinukuan na ng babaeng nagmamahal sa kanya.
Hindi na sumapat ang kung anong pagtitiis, panahon at pagmamahal ni Glaiza para isalba ang kung anong mayroon sila.
Hindi nya namalayan na hindi nya inalalayan si Glaiza para sa kanilang dalawa, nahuli sya..Huli na ang lahat.
Sa kabila ng pagkawala ng kapit ni Glaiza sa kanila ay hindi nya tinanggap ang sitwasyong kinahinatnan ng kapabayaan nya.
Oo kapabayaan nya.
Hanggang isang masalimuot na gabi na iyon.
Nang gabi na iyon, nakipaghiwalay na ng tuluyan si Glaiza.
Hindi na matanggap ng dalaga ang isang katotohanang natuklasan nya.
Matagal na ring pinaglilihiman ni Felix si Glaiza.
Ang akala ni Felix magagawan pa nya ng paraan kaya hindi nya pa masabi sa dalaga.
Sa palagay ng binata masyado syang naging kampante sa pagmamahal at pagtitiis ni Glaiza sa kanya.
Ito ang nararapat, iyan ang dapat nyang isaksak sa isip nya.
This time gagawin nyang sapat ang pagmamahal nya para sa pamilyang bubuuin nya.
Magiging makasarili sya at some point pero sa kaibuturan ng puso nya ito ang mas dapat nya gawin sa ngayon.


My Joy..My Pain..My For KeepsWhere stories live. Discover now