Chapitre 2

2K 33 0
                                    


Alecia

We're finally back!!!

I miss the Philippines. Kahit two weeks lang kami ng boyfriend kong si Pierce sa France, namiss ko kaagad ang pilipinas. Hindi ko alam, homesick strikes? Pero hindi naman ako nagsisisi na pumunta kaming France? Like hello, we just went to France! France, Paris, Eiffel Tower, Country of Love, French Kiss!

Natandaan ko tuloy ang mga french kisses na ginawa namin ni Pierce at kinuhaan ng litrato during our stay sa France. Another memory to add to my Box Of Memories.

Napangiti ako habang tinatanggal ko ang seatbelt. We're finally here and that means, back to school na naman. I'm a university professor at the age of twenty-five. Two years na akong professor sa isang private school pero matagal na talaga akong nagtuturo. Dati high school pa lang ang tinuturuan ko, ngayon sa college na. Pang-college naman kasi raw talaga ang standards ko.

Hindi naman ako strict, minsan lang lalo na kapag wala ako sa mood. Makakasabay naman ako sa mga trip ng mga students kasi syempre bata pa rin ako at ayaw kong maagang tumanda dahil sa stress. Saka nandito naman si Pierce to keep me away from stress. As much as possible, ayaw niyang ma-stress ako dahil lang sa mga bata.

Tinulungan akong kunin ni Pierce ang luggage at bag ko saka kami magkahawak-kamay na lumabas ng plane. Thank God nakalabas na kami ng plane, nakakabanas kasi ang mga titig ng lalaking katabi ko. Sa itsura palang niya, mahahalata mo ng french ito.

Kulay abo ang mga mata tapos ang tangos pa ng ilong at manipis na mapula ang mga labi. Medyo makapal rin ang eyelashes niya kaya kung makatingin ay sobrang intense at nakakatakot kasi parang may masamang balak sa'yo. Nakakatindig balahibo pa kasi parang hinuhubaran ako sa sobrang kakatitig niya sa akin. Nagpipigil lang ako dahil ayaw kong gumawa ng eksena sa eroplano. So ang ginawa ni Pierce ay nilagay niya sa likuran ko ang coat niya para matigil na ang lalaki. Mukhang hindi niya naman siguro napansin ang katabi ko.

"Your place or mine?" Tanong ni Pierce nang papunta kami sa kotse niya.

"Mine," sagot ko. I opened the passenger seat as he got himself too and started the engine. "I missed my condo. Nilalamok na mga gamit ko doon."

Natulog ako the whole ride since hindi masyado ako nakatulog sa plane dahil nacoconcious ako and at the same, mahirap ang posisyon ko. I'm sorry Pierce, babawi ako sa'yo mamaya.

Nagising nalang ako nang makaramdam ako ng lamig sa aircon. Nasa kwarto na pala ako ng condo ko at nakayakap sa akin si Pierce habang natutulog. See? Ni hindi na ako nakagising nang dumating kami. I covered ourselves with the thick covers at mas siniksik ko pa ang aking sarili kay Pierce.

"Baby, wake up."

Nasira ang tulog nang may maramdaman ako basa sa bandang tenga ko. Binuka ko ang mga mata ko at nahuli si Piercd na hinahalikan ang leeg ko. Tumalikod ako sa kanya at niyakap ang unan.

"Sleepy pa ako."

"Come on, you already had twelve hours of sleep. Who sleeps that long?"

I pouted. "Alecia the koala,"

I don't sleep that long naman. Minsan lang talaga 'pag pagod na pagod ako at lalo na 'pag walang pasok.

Narinig ko ang pagtawa niya ng mahina. Pierce gently slapped my butt and rubbed it. He always does that kapag hindi ako bumabangon sa kama. Minsan nga ay nauuwi sa something kapag ginagawa niya 'yon. "You need to change your body clock, you know. Malapit na ang pasukan,"

"Yeah, I will, I promise, I swear."

"I don't want to believe any promises you make when you're half-asleep," Aniya at ngayon ay minamasahe na ang puwet ko. He loves my ass, but why do guys love butt? Pati ako ay nakahiligan ko na rin paglaruan ang puwet niya.

Napatawa ako at bumangon na talaga. I cupped his face and kissed him fast on the lips. "Okay, I'm awake. I promise maaga ako magigising on the first day of class."

He rolled his eyes and licked the side of his lips. "Should I really believe you right now?

Ako naman ang napaikot ng mata ngayon. "Yeah, of course! I don't want to be late on the first day. And besides, nandito ka naman. Ikaw kaya ang human alarm clock ko." I winked at him.

Napailing nalang siya sa kakulitan ko at age twenty-five. He held my chin at nilapit ako sa kanya para halikan ulit ako sa labi. He sucked my lower lip gently, ever so gently, it was the gentlest kiss we have ever had.

"I love you, taray." He whispered then hugged me.

I hugged back his naked top. I felt him kissed my shoulder. "I love you too, gago."

French KissesWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu