Chapitre 25

1K 10 2
                                    


/ FRENCH KISSES /

Alecia

Nakabusangot akong umupo sa desk ni Sean. Pagkatapos ng klase ko, dumiretso agad ako dito sa office para sana kausapin siya. Nakakainis kasi siya. Hindi na naman ako pinapansin.

Last I checked on Jeth's birthday, we're fine. Tapos ngayon? Binabalewala ulit ako! Nakaka-imbyerna ang mood swings at pagkapabebe ng bestfriend ko.

Tinadtad ko siya ng mga texts since early morning na gusto ko sabay kaming maglunch ngayon pero tinanggihan lang ako ng kumag. Hindi ko na talaga kaya 'tong mga pang-iiwas niya sa akin. I deserve an explanation because I am his bestfriend.

Malapit na matapos ang klase niya base sa nakadikit na schedule niya dito. Tumitingin-tingin nalang muna ako sa mga picture frames niya sa desk habang hinihintay siya. Tatlo lang ang naka-frame doon, kasama ang family niya, barkada niya, at ako.

Napangiti ako saka kinuha ang litrato naming dalawa kuha ng mommy niya. Nakasuot kami ng itim na toga at hindi stressed at haggard ang mga mukha namin dito. Magkayakap kami sa isa't-isa  at magkadikit ang mga pisngi. Bungisngis ang pagkangiti ko habang siya naman ay nakalabas ang dila sa camera.

Ito 'yung araw ng graduation namin. This was taken eight years ago. Biglang naaalala ko ang mga panahon nung college palang kami. Puro paperworks, puro thesis, puro calculations, puro recitations, puro quizzes, puro aral ang inaatupag namin. Iisa lang ang barkada namin ni Sean pero siya nalang ang natira sa akin dahil lumayong landas na ang iba. Nakakamiss rin sila.

Pero mas nakakamiss 'yung taong malapit lang ang distansya sa'yo pero iniiwasan ka naman at binabalewala.

"Ali?"

Umangat ang tingin ko kay Sean na ngayon ay gulat na makita akong chill na chill na nakaupo sa desk niya.

"Tara lunch?"

"Can't—"

"Ano ba talagang poblema natin, Sean?"

Tumayo na ako saka humalukipkip. Tinitigan ko siya ng husto at inobserbahan ang mga galaw niya at nagmamasakaling makahanap doon ng sagot. Umiwas siya ng tingin.

"Walang poblema, Alecia."

"Wala? Sigurado ka bang wala?"

Bumuntong-hininga ito saka yumuko. Merong poblema. Sa inaakto niya ngayon, alam kong meron.

"Okay naman tayo ah. Ba't bigla-bigla ka nalang hindi namamansin?"

Ilang sandali pa'y tumingin siya sa akin gamit ang malumanay niyang mga mata. "It's nothing, Alecia."

Nanlambot ang katawan ko. Kahit sinabi niyang wala, alam kong meron. "You know you can tell me everything, Sean."

Tumango ito saka nilampas ako para umupo sa desk niya. Pinanood ko siyang naglabas ng kanyang laptop at may tinitipa. Ano ba talagang poblema ng taong 'to?

"Alam kong hindi ka pa handang sabihin kung ano man ang poblema mo ngayon. Pero sana ilalabas mo 'yan para mawala ang bigat sa dibdib mo. At kapag mangyari 'yon, nandito lang ako para makinig sa'yo. Puntahan mo lang ako at dadamayan kita, okay?" Mahabang wika ko at tinalikuran na siya.

French KissesWhere stories live. Discover now