Chapitre 19

987 13 0
                                    


| FRENCH KISSES |

Alecia

Tahimik kaming kumakain ni Calvin dito sa Professor's Office. He bought two boxed meals of chicken wings and rice. May dala rin siyang juice para sa aming dalawa.

Naiilang ako. Ano ba 'yan. Hindi ko rin alam kung bakit ko siya sinasabayang kumain dito. Duh, we're not even friends! Estudyante ko lang naman siya na sobrang kinagagalit ko dahil sa pangmamanyak niya sa akin.

Pero ba't kumakain ako kasama siya? I should be eating dinner with Pierce, not him. Pero hindi naman kasi ako makakahindi sa kanya. I was, like, trapped. Yes, that's why. Nakabili na siya ng pagkain and all and I didn't want to waste his efforts on those.

And I still want to know and listen about his story. I want to know him. Pakiramdam ko kasi kailangan niya ng kasama, ng karamay and I don't think he has that.

He was lonely and sad. Kahit may tatlo siyang kaibigan, may nakikita pa rin akong lungkot sa mga mata niya.

"Gusto mo pa?" Tanong niya nang makitang paubos na ang kanin ko. I don't usually eat rice during dinner pero sige na lang. Ayaw kong mas lalong saktan ang pakiramdam niya.

"Busog na a—"

"Here, bumili rin ako ng extra rice."

Wala na akong nagawa nang nilagay ang rice sa akin. Damn. Masisira ang diet ko! Pero sige nalang.

"Here, juice."

Pagkatapos namin kumain, siya ang nagpresintang iligpit ang mga pinagkainan namin. Bumalik siya sa inuupuan niya sa tabi ko. "Nabusog ka ba?"

"Uhm, yes, I am full." Shit. Nakakailang. Mas sanay ako sa authoritative at tila hari na boses ni Calvin. Hindi 'yung malambing na ganito. Nanghihina ako.

Ngumiti siya sa akin at napansin ko ang magandang ngipin niya. Mas lalo siyang gumagwapo kapag totoong ang ngiti niya. Sana ganyan siya. 'Yung palaging nakangiti, hindi 'yung ngiting may masamang binabalak.

"Buti naman. Sa susunod, kakain ulit tayo pero sa labas na." He said and smiled genuinely.

Hindi ko napansing tinititigan ko na pala siyang nakangiti. Totoo kasi iyon tapos pakiramdam ko wala na siyang masamang intensyon sa ngiti niyang iyon. Ang good boy niya nga tignan unlike before na parang gangster o badboy.

Hindi ko nalang pinansin 'yung sinabi niya. Wala naman akong appropriate response tungkol doon.

Tumikhim ako. "By the way, I called you here to check on you. You seemed a bit off sa klase ko kanina."

"I was?"

"Yes, you are, Mr. Beaufort. You were mentally absent at hindi ka nakikinig sa mga turo ko kanina." Panenermon ko sa kanya sa mahinang boses. Ayaw ko namang matakot siya.

"I'm afraid you're wrong, Alecia," Aniya saka umiling-iling. Hindi niya parin talaga ako matawag bilang isang professor. "Nakinig ako sa'yo the whole two hours period. Yeah, hindi nga ako tumitingin sa'yo pero nakinig ako. I listened and understood what you taught."

"Then why are you sitting alone there? Ba't hindi mo katabi si Jeth? 'Diba lagi kayong magkatabi? May nangyari bang masama?" Sunod-sunod kong tanong. I was trying to reach out for him, willingly ko na siyang tinutulungan kung anuman ang poblema niya.

French KissesWhere stories live. Discover now