The pressure

112K 3.1K 109
                                    

Chapter 7:

Amelia's POV

"Anong hindi pwedeng gamutin ang papa ko"? Gulat niyang tanong habang nakatingin sa hospital nurse.

Umiwas ito ng tingin at nagmamadaling umalis sa harap niya, mabilis niyang hinabol ito.

" Teka! Sandali lang! May Pera kami, pero bakit walang may gustong doktor na gumamot sa Papa ko?" Naguguluhan niyang tanong.

"May iniutos kasi sa taas na hindi pwdeng gamutin ang Papa mo" sabi nito na ikinabigla niya,  napaupo siya sa sahig ng biglang kumawala ito sa hawak niya .

"Ano??"

Tiningnan na lang niya ang nurse na nagmamadaling umalis.

Anong iniutos sa taas?

Sino?

Ang pinagkakautangan ba ng Papa niya?

Nangilid ang luha niya at nanlulumong tumayo siya, hindi pwdeng walang gumamot sa Papa niya.

Lilipat sila ng ospital.

Kasehodang libutin niya ang buong bansa para lang makakita ng hospital para sa Papa niya, gagawin niya.

Pero paano nga kung wala siyang nakitang doktor? Hindi pwedeng walang gagamot dito, illegal iyon.

Tanggapin mo na kasi ang offer ni Dagis. Sabi ng isip niya, hindi pwede! Bigla siyang pinamulahan ng mukha ng maalala ang maalab na halik ng binata sa kanya.

Her first ever kiss.

Hindi niya akalaing may halik na ganoon, ang akala niya ang halik ay simpleng magdikit ng labi pero iba iyon sa binigay ng binata...ibang iba.

May halong pag angkin, pagmarka, naalala niya bigla kung paanong ang dila ng binata ay pumasok sa loob ng bibig niya..ang paghilat at pagkamkam ng labi nito sa buong labi niya...

Diyos ko.

Patakbong pumunta siya sa CR, kitang kita ang pamumula ng buong mukha niya sa salamin, nagkakasala na yata siya sa makamundong bagay bagay.

Mabilis siyang naghilamos.

Agad siyang pumunta sa billing section para mailabas na ang papa niya sa ospital na ito.

Nang natapos ay pumunta siya sa hospital Ward kung nasaan ang papa niya, prinaktis niya ang sasabihin sa Papa niya.

"Anak, ano kumusta" tanong nito ng makapasok siya, tipid siyang ngumiti dito.

"Lipat na lang po tayo ng hospital, mas maraming magaling sa iba 'Pa" sabi niya sa maagang tinig, hindi pwdeng lalong ma stress ang papa niya, baka lalong madadagdagan ang sakit nito.

Tumingin ito ng saglit sa kanya, at bumuntong hininga ito.

"Anak okay lang kung hindi mo na ako ipagamot, tutal ay-"

"Papa, huwag ka namang magsalita ng ganyan, tayo na nga lang natitirang magkasama eh" pinagalitan niya ito, ito na lang ang natitirang magulang niya.

"Pero anak, I know there are people na naniningil na sa'yo" mahinang sabi nito.

"Then, mangingil sila, Papa ako na bahala sa lahat okay? Basta magdasal lang kayong gagaling kayo" ngumiti siya dito, niyakap naman siya nito ng mahigpit.

"Ang bait bait mo anak" sabi nito.

--

"Hindi pwede 'to!"

Ruthless Men : Dagis (completed)Where stories live. Discover now