Slow seduction (mild spg)

120K 2.9K 67
                                    

Chapter 11:

Amelia's POV

Tulala siya habang nakatingin sa asawa niya buhat siya nito ngayon dahil masakit ang balakang niya.

Napaungol siya sa kahihiyan.

Nakita na nito ang lahat sa kanya.

Dahil lumabusaw ang tubig sa bathtub, nawala ang lahat ng bula, ang malala..

.. nakabukaka pa siya!

Diyos ko lupa, kainin mo na ako!

Buong ingat siya nitong ibinababa sa kama, itinago naman niya ang mukha sa leeg nito habang napakapit pa rin sa leeg ng asawa, habang ito naman ay binibihisan siya ng bathrobe.

Hiyang hiya naman siya habang pulang pula ang mukha niya.

Narinig niyang bumuntong hininga ito.

"Are you okay? Masakit ba pa ba ang balakang mo? How about your head?" Mabilis at sunod sunod na tanong nito, rinig na rinig sa boses nito ang pag aalala.

Hindi siya umimik sa tanong nito, gumalaw naman ito tila may inabot ito sa malapit.

"Angus? My wife slipped into the bathroom, her hips and I think she hurt her head, come over here-"

"D-dagis, hindi na" pigil niya dito, hindi naman masakit ang ulo niya at balakang, ang pride lang niya.

"Are you sure?" Tanong nito, marahan na lang siyang tumango.

Hindi pa rin naalis ang pamumula niya.

"I'm sorry, Amelia,  this is all my fault, if I didn't tease you around, hindi nangyari ito." Napamulat siya at tumingin dito.

"A-aksidente naman ang nangyari eh, wala kang kasalanan" may kasalanan din naman siya, nag over react siya ng husto, narinig na nga niya ang boses nitong parang nang aasar eh.

"No honey, it's my fault"

Umiiling siya.

"Masakit ba ang balakang mo? Answer me truthfully" tanong ulit nito.

"Hindi na, kanina oo" masakit talaga iyon kanina, sana naman walang naipit na ugat doon.

"How about your head?" Tanong nito, his voice was full of concern.

Concern pala talaga ito sa kanya.

Nakaka touch at nakakakilig.

Nakakakilig?

"Hindi tumama kanina" mahinang pa ding sabi niya.

"Are you really okay, if not, you're really going to the hospital to have you fully scanned".

Umiiling siya at iniwas ang tingin dito, nahihiya pa rin siya.

"Mo bhean"

Tumingin siya ng mabilis dito at ibinababa ulit ang tingin.

"Are you being shy"? Tanong nito na ikinainit ulit ng pisngi niya.

Sino ang hindi nahihiya, eh nakita na nito ang lahat ng parte ng katawan niya.

"Wife, look at me" sabi nito at itinaas nito ang baba niya, napilitan naman siyang salubungin ang tingin nito.

"You have a very beautiful body, the most beautiful" paos nitong sabi.

Ano daw?

Imposible naman yata iyon.

"B-bakit mo sinasabi yan"? Tanong niya dito.

Ruthless Men : Dagis (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon