Devoured by Jealousy

102K 2.7K 43
                                    

Chapter 13:

Amelia's POV:

Kaya ba niyang lumabas na ganito ang suot?

Huwag na kaya siyang tumuloy?

Niyuko niya ang sarili, at napangiwi.

Naka suot siya ng gown na sleeveless pero may manipis na lace cover mula puno ng dibdib hanggang sa may leeg, nagawan ni Natalie ng paraan para hindi makita ang mga marka niyang gawa ni Dagis.

Namula siya ng maalala ang nanunuksong tingin kanina ni Natalie ng sinabi niyang may mga hickeys siya.

"Madame, Master Dagis is waiting" sabi ng isang maid sa kanya.

Inalalayan siya nito pababa sa hagdan, nakita niyang nag aantay sa kanya si Dagis labas ng malaking pinto.

Alangan naman siyang ngumiti dito dahil sa hindi nila pagkakaintindihan kanina.

Nabaling ang pansin nito sa kanya, ilang saglit itong tumingin sa kanya tapos ay pinagbuksan siya nito ng pinto ng sasakyan.

Nagkukutkot naman ang loob niya.

Hindi man lang ba nito pupurihin ang itsura niya?

First time niyang mag ayos ng todo, tapos hindi man lang siya nito pinuri? Bumuntong hininga siya, buti pa si Natalie at Iyong ibang katulong kanina, nagandahan sa kanya, eh ang asawa niya?

FYI Amelia, pekeng asawa.

Inaliw na lang niya ang sarili sa pagtingin sa paligid habang sakay sila ng limousine at napakatahimik ng biyahe.

---

Nang makarating sila sa party ay tahimik siya nitong nilapitan at kinuha nito ang braso niya.

"Smile,...and let's show them that we are happily married" bulong nito malapit sa tenga niya, ramdam na ramdam niya ang mainit nitong hininga.

"Oo sige, Dagis" sabi niya at binati ang sarili dahil hindi siya nautal sa pagsasalita.

"Call me, ..my love tonight, I will do the same" bulong pa din nito sa tenga niya.

Nag init naman ang pisngi niya, ano daw?

Tatawagin niya itong my love?

"Say it, like this..." Hinawakan nito ang isang pisngi niya para iharap dito...."my love" sabi nito na ikinabilis ng tibok ng puso niya.

Para kasing may naramdaman siyang kakaiba sa dibdib sa tawag nito.

"Okay, m-my love"

"Good! But try to practice it more often para hindi nila sabihing pinipilit kita" sabi nito at dumiretso na ito ng tingin.

Pakiramdam niya dalawa ang ibig sabihin ng sinabi nito.

Tapos ay ipinakilala siya ng asawa sa lahat ng taong nakakakilala dito, halos mangawit naman ang panga niya sa kakangiti.

"Mr. Mclaren, hindi mo sinabing nag asawa ka ng isang diyosa" sabi ng isang lalaking gwapo hindi nalalayo ang edad sa asawa niya.

Humigpit ang hawak nito sa bewang niya at kitang kita na tila saglit na dumilim ang mukha nito.

"Aye, Mr. Gorospe, kaya hindi ko na pinakawalan kasi alam kong madaming hindi matino ang magkaka interest sa isang diyosa" madiing sabi ni Dagis sa kaharap, tumaas naman ang kilay nito.

"By the way, nice to meet a goddess like you, Mrs. Mclaren, I'm Ivan Gorospe, at your service" sabi nito at inabot nito ang isang palad niya at hinalikan nito ang likod niyon, kimi naman siyang ngumiti.

Mrs . McLaren...

Parang ganda sa tenga ng bagong apelyido niya.

"Nice to meet you din, I'm Amelia Mclaren" kimi niyang pakilala sa sarili.

Nang matapos siya nitong maipakilala ay iniwan siya nito saglit dahil may kakausapin daw itong mga investors.

Bumuntong hininga siya at pinanood ang mga nagba violin, tumayo siya para hanapin ang asawa pero hindi niya ito mahanap.

"Maam, champagne?" Sabi ng waiter na naglilibot at kumuha siya ng isang kopita, inilibot niya ang paningin sa mga tao, naglakad lakad siya malapit sa may fountain, wala masyadong tao doon.

Babalik na sana siya ng may mapansing isang bulto ng malaking tao at isang babaeng nagtatawanan.

Pinasingkit at pilit na inaaninag niya ang mga ito, lalo na Iyong lalaki, parang pamilyar sa kanya ang tinig nito.

Maingat siyang lumapit sa kinaroroonan ng mga ito.

"Aye, that would be awesome, lassie"

Si Dagis?

Ang boses at klase ng pagkapaos at lalim ng boses nito ay kilala niya.

Anong ginagawa ng mga ito dito? Ang akala niya may kakausapin ito? Sino ba iyong babae at-

Natakpan niya ang bibig ng makitang hinalikan ng babae ang pisngi ng asawa niya!

At ang hudyo, gustong gusto at tumawa pa ito!

Nagngingitngit na kinuyom at pigil ang sariling huwag sugurin ang mga ito.

Bakit ba siya galit na galit ng halikan ng babae ang pisngi ng asawa niya?

Hindi pwde!

Sino ba Iyong babae?

Girlfriend nito?

Lalo siyang nagngingitngit nang tila idinikit ng babae ang dibdib sa braso ng asawa niya!

Hindi!

Parang bulkan ang pakiramdam niya at gusto niyang magmura???

Tutop niya ang bibig at umalis doon.

Nagiging bayolente at makasalanan na siya!

Pero uupo na lang ba siya at hayaang akitin ng kung sino ang asawa niya?

Hindi pwde!

Gagawa siya ng paraan para pansinin siya nito ulit, mabilis niyang ininom ang champagne kanina at nag isip.

Nang may dumaan ulit na waiter ay kumuha siya isa pa.

Nadagdagan ng isa pa.

At isa.

Isa.

Hanggang naging apat at lima, anim, hanggang sa hindi na niya nabilang at umiikot na ang paligid.

Humagikgik siya.

Wala na yata iyong plano niya.

Ano na ulit iyon?

Ano bang inisip niyang plano?

Meron ba?

Humagikgik siya, hindi niya maalala.

Ah! Tama iyong asawa niyang tinamaan ng magaling!

Mahanap nga.

Tumayo siya at halos matapilok, napahagikgik ulit siya dahil sa pagkahilo.

"Easy honey"

Sinino niya ang humawak sa kanya.

"Ang la-bo ng paningin ko, e-eng sheye ng pakiiiramdammmm iyong hilooo koo" tapos ay humagikgik siya na parang bata.

"Mrs. Mclaren, are you okay?" Tanong nito ng boses sa may malapit.

Umungol siya at ngumiti.

"S-shempreyy! Wiiii! Kahilooooo"

"Tsk! Where's your husband"? Sabi nito at hinawakan siya nito sa bewang at tinulungan siyang tumayo pero nahihilo siya, ah!

Gusto na niyang matulog, ang malambot na kama nila ng asawa niya.

"GET YOUR FILTHY HANDS OFF MY WIFE ! YOU FUCK*ING SH*T!!!!"

--

(A:N)

Ayan may exciting part ulit sa next xD

Ruthless Men : Dagis (completed)Where stories live. Discover now