Testing the waters

89.6K 2.2K 27
                                    

Chapter 23:

Amelia's POV :

Naiinis na kinamot niya ang ulo, naiirita siya.

Ilang araw na ba siya dito sa kwarto?

Although kompleto naman ang kinakain niya, pati mga personal na gamit, pati nga DVDs para maentertain siya.

Pero wala, bugnot na bugnot siya.

At masama ang pakiramdam niya.

Hindi niya alam kung bakit laging masama ang pakiramdam niya.

Hindi niya alam kung bakit kahit na naiinis siya sa asawa ay ito pa rin ang hinahanap niya.

Nasaan na ba ito?

Nasaan na iyong almusal niya?

Gusto niya dapat luto nito.

Hindi nagtagal ay nakarinig siya ng katok at pumasok na si Dagis, itinago niya ngiti sa labi ng makita ito.

"Amelia"

Kumunot ang noo niya.

Bakit Amelia lang?

Nasaan na iyong tawag nitong 'my wife', ' my lovely wife' o iyong 'my love nito?'

Sumimangot siya at hindi niya itinago ang inis sa mukha.

"Bakit?" Singhal niya, kailangang maging masungit siya dito.

"I talked to your father,I already apologized on what I did, I will let you talk to him for a while" pormal na pormal ang mukha nito at naiinis siya kung bakit hindi niya ito mabasa.

Maya-maya ay iniabot nito ang cellphone niya sa kanya.

Simula kasi ng ikulong siya nito, kinuha na nito iyon.

"Here, I will leave first for you to have privacy" sabi nito at lalabas na sana ng kwarto nila.

"Hindi ka ba natatakot na baka tumawag ako ng pulis at isumbong ka?" Pananakot niya.

Tumigil ito at tumingin sa kanya.

Umiling ito.

Bakit ba ganito ito?

Ayaw na ba nitong humingi ng tawad sa kanya?

Sawa na agad ito?

Sumuko na ito?

Hindi pwede! Tutol ng puso niya.

Hindi pwede?

Ipinilig niya ang ulo, at idinayal na lang niya ang number ng Papa niya.

"Hello,Pa?" Agad niyang bati.

"Anak, kumusta ka na? Nagka ayos na ba kayo ng asawa mo?" Tanong nito.

"Po? Paano niyo po nalaman"? Manghang tanong niya dito.

" He told me everything " sabi ng Papa niya.

Natahimik naman siya, at hindi niya alam ang sasabihin dito.

Narinig niya humugot ito ng malalim na hininga.

"Anak, alam kong nag away din kayong dalawa, but please sana ay hindi ito humantong sa paghihiwalay, nakita kong masaya ka sa kanya, alam kong mali iyong ginawa niya pero ginawa niya iyon para sa'yo" sabi nito.

Kumunot ang noo niya, bakit kinakampihan nito si Dagis?

Di'ba ang Papa niya ng muntik nang napahamak dahil muntik na itong hindi nagamot?

"Bakit ba niya iyon ginawa? Muntik na kayong mapahamak eh, paano kung hindi kayo agad nagamot-"

"Masisisi mo ba siya kung ginawa niya iyon para lang mahalin at pansinin mo siya?" Putol nito sa sinasabi niya.

Natigilan siya.

Siya?

Mahal talaga ni Dagis?

"Pagiging makasarili iyon Papa" pagrarason niya.

"Ang pagkaka ayos niyong dalawa ay depende sa'yo, kung ano man ang magiging desisyon mo ay tatanggapin ko, pero sana pag isipan mo ng mabuti kung handa ka bang iwan siya at hindi na kayo magkita" sabi ng Papa niya

Napaisip siya hindi pa niya iyon naiisip, ang naiisip lang niya naiinis siya dito, pero kaya ba niyang iwan ito?

Paano kapag iniwan niya ito?

Maraming babae kaya ang kukuha ng interes nito?

Bigla niyang naalala itong babae sa party dati, kakakasal pa lang nila iyon, pero may lumalapit na dito, paano pa kaya kung hiniwalayan niya ito?

Magpiyepiyesta ba ang mga babaeng nakapila dito.

Biglang nagrebolusyon ang utak at damdamin niya.

"Siya nga pala, pakisabi ulit sa asawa mo, Salamat sa pagbayad niya ng mga utang natin sa mga bangko at investors, at sak-"

"Papa ano kamo?" Putol niya sa sinasabi nito.

"Sabi ko sabihin mo ulit sa asawa mo na salamat sa pagbayad ng utang natin at sabihin mo din na babayaran din natin siya pag nakabawi na ang kompanya" ...

Maraming bagay pa ang sinasabi ng Papa niya pero halos hindi na niya iyon narinig.

Binayaran ni Dagis ang mga utang nila?

Kelan?

Ang nakita lang niya ay binili nito ang bahay, at kompanya, hindi kasama sa pinagusapan nila dati na pati utang nila sa mga investors ay babayaran din nito.

Wala sa loob na pinatay niya ang tawag at nag isip.

Hindi nagtagal ay biglang may kumatok sa pinto at pumasok ang walang imik na si Dagis, bakit kaya nito binayaran ang mga utang nila?

Para lalo siyang mabaon sa utang?

"Masisisi mo ba siya kung ginawa niya iyon para lang mahalin at pansinin mo siya?"

Naalala niya ang sinabi ng Papa niya, para napansin niya at mahalin ito?

Mahal ba talaga siya nito?

Naguguluhan siya, ang nasa isip niya kasi, nakita na nito ang tiwala niya, kaya kahit anong sabihin nito ay ayaw na niyang paniwalaan, pero sa sinabi ng Papa niya..

Tinignan niya ito saka niya inirapan.

Bigla at nahahati n ag pakiramdam niya.

---

Ruthless Men : Dagis (completed)Where stories live. Discover now