Sealing it with a hot kiss

111K 3.5K 109
                                    

Chapter 8:

Amelia's POV:

Lumunok siya at pilit na pinatatatag ang sarili.

Diyos ko.

Itutuloy ba niya?

Ano bang sasabihin niya?

Paano ba siya magsisimula?

Naipikit niya ng mariin ang mata.

Nakarinig siya ng tikhim mula sa malapit, naimulat niya ang Mmata at niya sa harap niya si Dagis.

Dumagundong ang kaba sa dibdib niya.

It's now or never.

"Dagis, please marry me"

Nakagat niya ang ibabang labi, ang lamya naman ng pagkakasabi niya, bakit hindi na lang niya sabihin 'oo sige, payag na ako'.

Pero okay na din siguro iyong sinabi niya kanina, diba?

Napansin niyang tila hindi ito nagsasalita, nagbago na ba ang isip nito at may nahanap na itong ibang magpapanggap?

May ibang babae nang magpapanggap bilang asawa nito?

Tumikhim siya, parang masakit sa dibdib ang naiisip niya?

Bakit parang ayaw niyang pumayag na  may ibang babaeng malapit dito?

"May iba na bang m-magpapanggap-"

Bigla itong lumapit sa kanya at itinayo siya saka siya nito kinabig sa bewang niya, nahigit naman niya ang hininga dahil sa ginawa nito.

Bumilis na husto ang tibok ng puso niya.

Ganito din nung bigla siyang hinalikan nito.

"No one, it's only always you"

Sabi nito at akmang may sasabihin pa siya pero agad siya nitong kinuyumos ng halik sa mga labi niya, dahil magtatanong sana siya ay nakabuka ang bibig niya, kaya naman agad na nakapasok ang dila nito at inangkin nito ng buong buo ang bibig niya!

Hindi naman siya nakaramdam ng pandidiri bagkus parang apoy ang mga halik nito, napaungol siya dahil parang kinakagat nito ngayon ang ibabang labi niya, saka nito iyon sinimsim.

Napakapit siya sa braso nito, pakiramdam niya para siyang malulunod, ganito pala ang malalim na halik?

Nakakawala ng hininga pero ang sarap sa pakiramdam...

Subukan niya kayang gayahin ang galaw ng mga labi nito?

Iginalaw niya ang ibabang labi at ginaya ang pagsimsim nito kanina, nakarinig siya ng tila hirap na hirap na ungol.

Ito ba ang umungol?

Mali ba ang ginawa niyang paggalaw ng mga labi niya?

Itinulak niya ito para tingnan ito,nakapikit itong tila may hinahabol ang mga labi nito.

Akmang hahalikan ulit siya nito pero iniiwas niya ang mukha, baka may gawin kasi siyang pagkakamali ulit.

"That's how we seal our agreement" paos na paos ang boses nito.

Seal pa lang iyon?

Paano kung hindi pa iyon tunay na halik nito?

Hindi kaya hindi niya kayanin ang tunay na halik nito?

Diyos ko pong mahabagin.

--

Dagis's POV:

Ruthless Men : Dagis (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon