Awkwardness and Jealousy

113K 3.4K 64
                                    

Chapter 12:

Amelia's POV:

Kinagat niya ang ibabang labi habang palihim na nakatingin sa asawa niya, nagtutulog-tulugan siya at tinatantya niya ang kilos nito.

Hindi niya kasi kayang kausapin ito pagkatapos ng ginawa nila kagabi, malakas ba ang mga naging ungol niya?

At ngayon kalalabas lang nito galing sa shower at nakatapi lang ito ng tuwalya, sumisilip siya at iniminumulat niya ng bahagya ang mata.

Kitang kita niya ang maskuladong katawan nito, he's body is so ripped.

Halatang alaga nito ang katawan, napalunok siya ng dumako ang mata sa katawan nitong natatabingan ng tuwalya, kaya ba niya iyon kung sakali?

Dahil malaki itong tao at ang tangkad, sigurado siyang, alam mo na, malaki iyong...

Nag init ang pisngi niya.

Oo na, malaki siguro iyong 'kayamanan' niya.

Napahagikgik siya ng palihim dahil sa term na ginamit niya.

Nagiging pilya na yata siya.

Napatigil siya sa pag iisip ng nagpupunas ito ng buhok gamit ang maliit na tuwalya, kumikislot ang braso nito habang nagpupunas, ang mga kamay nitong humawak kagabi sa mga dibdib niya.

Tapos ay napatingin siya sa mga labi nito, ang mga labi nitong nagdala sa kanya sa isang lugar ng sensasyong kagabi lang niya naranasan, mauulit pa kaya iyon?

Sana nga.

Nakagat niya ang ibabang labi.

"I know you're awake lassie"

Napapitlag siya sa boses nito.

"Good morning" kimi niyang sabi at itinago ang mukha sa kumot.

Napatili siya ng bigla nitong hablutin ang kumot na nakatakip sa kanya.

Tumayo siya at inaagaw ang kumot na parang doon nakasasalalay ang harang niya para kahihiyan niya.

Pilit niyang inaabot braso nito, dahil sa tangkad nito wala siyang nagawa.

"Dagis naman eh!"

"Why are you so shy?" Sabi nito at inilapit nito ang mukha sa kanya, langhap na langhap niya ang nakakabighaning hininga nito.

Iniwas niya ang mukha, ambango bango nito pero siya ni hindi pa nakakapaghilamos, baka nga may muta pa siya.

Agad siyang lumayo dito, hindi naman siya hinayaan nito at hinapit siya palapit dito naiharang naman niya dalawang kamay sa matigas nitong dibdib.

Napangsinghap naman siya dahil wala pa itong ibang suot maliban sa tuwalyang nasa bewang nito, at dahil kakaligo lang nito medyo namamasa pa ang katawan nito.

Pero ang init ng katawan nito.

Pilit siyang kumakawala sa matipunong braso nito, at maingat niyang inilalayo ang katawan dahil baka mapadikit siya sa iniiwasan niyan-

Kulang na lang lumabas ang mata niya sa kinalalagyan ng naramdaman ang matigas na bagay sa tiyan niya.

Napalunok siya dahil tama nga yata ang hinala niya kanina.

"It's not my fault, you're wiggling and my body is just reacting" sabi nito sa paos na boses.

"B-bitiw na, Dagis" sabi niya at pilit itong itinutulak, bumuntong hininga naman ito.

Ruthless Men : Dagis (completed)Where stories live. Discover now