The Start

110K 2.5K 21
                                    

Chapter 17:

Amelia's POV:

Nakangiti siya habang nagbe-bake ng cookies para sa asawa niya, nung isang araw kasi ay napansin niyang may cookie jar sa kusina, nung isang linggo pa sila nakauwi galing sa honeymoon nila, kaya ngayon ay habang wala siyang nagawa ay ipagbebake niya ito gaya ng ginagawa niya dati sa kumbento para sa mga bata.

Nag init ang pisngi niya bigla ng maalala ang mga pinaggagawa nila sa honeymoon nila, halos hindi siya nito tigilan, may isang araw pang 'iyon' na lang ang ginawa nila, halos hindi siya malalakas dahil sa tindi ng pagbayo nito sa kanya.

Ayaw mong awatin kasi gustong gusto mo. Tukso ng isip niya.

Nakagat niya ang ibabang labi, oo aaminin niya gusto niya ang ginagawa nila, hindi naman siya masisisi, ang gwapo ng asawa niya at ang..

Ipinilig niya ang ulo at tinampal ang pisngi.

"Tumigil ka nga" saway niya sa sarili pero bigla niyang naisip ang pangako nito dati na next time ay..

"What are you doing?"

"Ay kabayong malaki"

Natawa ito at nag init ang pisngi niya, at bumilis ng pintig ng puso niya

"Big horse huh" mapanghibong sabi nito, patay malisya naman siya sa sinasabi nito, at kunwari ay may hinahanap siya.

"B-bakit ba bigla ka na lang sumusulpot diyan" pag iiba niya ng usapan, ngumiti ito ng makahulugan.

"I just forgot a report on my desk, what are you doing?"

"Ahm, ano nagbe bake lang."

"For whom?" Pormal nitong tanong at mabilis itong pumunta sa harap niya.

"Para sayo yan" mahinang sabi niya.

"Really? For me?" Sabi nito, tumingin siya dito, bakit parang hindi ito makapaniwala.

"Wala bang ano, ahm wala bang nagbe-bake sa'yong mga babae dati?" Imposibleng wala, sigurado siya, base sa itsura nito maraming babae ang nagpapapansin dito.

"No one, you're the first"

"Talaga?" Napamulagat siya, hindi nga?

Lihim siyang natuwa, kung ganoon siya ang unang babaeng nagsisilbi dito ng kakainin nito?

Yes!

Natigilan siya sa pagbubunyi ng mapansing nakatitig ito.

"Thank you, my love"

"Para saan?" Tanong naman niya.

"For things like this, before it wasn't a big deal for me when it comes to food because we have our own chef, but now I feel so important to someone" sabi nito at masuyo siyang hinalikan sa labi, napapikit naman siya at ninamnam ang halik nito.

"You're welcome" naliliyong sabi niya ng tapusin nito ang halik, iniyakap niya ang braso sa bewang nito at isinandig ang ulo sa dibdib nito.

Ambango naman niya.

"My lovely wife, you're just mine"

Kinilig naman siya sa sinabi nito at pigil niya ang ngiti.

Ano na kaya ang estado nila sa puso nito? May nararamdaman na kaya ito? Base naman sa mga galaw nito ay parang gustong gusto siya nito.

Bumitiw ito sa kanya at tinignan siya.

"By the way, your father wanted a visit, are you busy tomorrow?"

Ruthless Men : Dagis (completed)Where stories live. Discover now