Prologue

32.1K 736 304
                                    

Binalot ng maingay na sigaw ng mga taga-hanga ang buong stadium na binubuo ng mga tao mula sa iba’t ibang eskwelahan at lugar. Dinig ko ang sigaw ng mga fans niya mula sa kabilang dako ng court. They were cheering and repeating his name everytime he holds the ball.

“Ricci!” said a girl beside me as she screamed like her life depends on it. “Go baby, shoot mo ‘yan!” dagdag niya pa at patuloy sa pagtalon. Ganon din ang ginawa ng iba niyang mga kasama. They’re from La Salle and obviously, supporters sila ng team.

I smiled as I remember how I was like them three years ago… cheering and chanting the name of the players.

“Rivero for three!” said the man speaking holding a mic in front of our seats. “Yeah!” sigaw ng coach nila ng pumasok ang bola.

Tuwang tuwa ang lahat dahil si Ricci ang isa sa mga pinakamagaling na players na meron ang team na ‘yon. I can’t help but to reminisce the days when I was a fan. I was even present to their get togethers and stuff. But I guess being a fan is not that easy.

I sighed and remained silent the entire game. The whole team is slaying the court and I’m not even surprised about it. Ano nga ba’ng bago?

Ilang minuto pa ang nakalipas at tumawag ang coach ng isang time out. Lumapit ang mga players sa benches na nasa gilid ng court. I can see how he’s improved in just a span of three years. His body is more toned than before. His play never changed tho, ganon pa din at magaling.

“Good job Rivero! Try doing a dunk naman, your fans are waiting for that!” sabi ng assistant coach na naalala ko pa. Napangiti ako ng mapait ng maalala ko kung bakit ako humanga sa kanya noon… dahil ‘yon sa pamatay niyang dunks.

“Ricci please do the dunk!” sigaw ng mga babaeng katabi ko. Agad na nanlaki ang mga mata ko nang bumaling si Ricci sa banda namin. Ngumiti pa siya sa mga fans niya at tinanguan pa ito dahilan kung bakit nagtilian ang mga ito.

Nanatili ang tingin ko sa kanya at di nagtagal ay nabaling ang tingin niya sa akin. Walang emosyon ang mga mata niya nang tignan niya ako. I felt a pang in my chest but, hell I care. Sanay na sanay na ako’ng matignan ng ganyan lalo na kung mula sa kanya. I’ve been a disappointment and so was he!

“Ricci let’s go!” aya sa kanya ni Aljun na kasama niya din sa team at agad siyang tumalima at umalis na para maglaro ulit.

I heaved a sigh and decided not to finish the game. Who am I kidding? After all that has happened to us gugustuhin niya pa ako makausap? Napakadaling sabihin na ‘di niya ako kilala. Napakadali dahil ano ba ako sa kanya noon? Tagahanga? Tagahanga na umasang sasaluhin niya pero ano ang nangyari?

“Girl ang swerte mo! Tinignan ka ni Ricci. Titigan effect girl!” sabi sa akin ng isang babae sa grupong katabi ko.

“Naku, di naman siguro sadya ‘yun.” nagpilit ako ng ngiti at nadesisyon na tumayo na at umalis. I’m just wasting my time here. Sino ba ang niloloko ko? Na kakausapin niya ulit ako? Na papansinin niya ulit ako? Masaya na nga siya noon ng tigilan ko siya, ngayon pa kaya?

Bumaba na ako para umalis na. Sinulyapan ko siya ng isa pa’ng beses at nginitian na lang ang sakit na nararamdaman ko. Sino nga ba naman ako para pagtuonan niya ng pansin?

Tinahak ko ang corridor ng nakayuko. Gusto ko mang makipagusap sa kanya ay tingin ko’y di ko kakayanin. Masyado na akong pagod para makipag usap pa ng masinsinan sa kanya. I can never lie to myself that I can endure one more blow from him. I’ve been through the worst and talking to him would mean that I’m letting him hurt me again. I won’t be as vulnerable as I was years ago. My system won’t allow me either.

“Lillian?” said a baritone voice in front of me. Tinignan ko ang lalaking nakatayo sa harap ko at agad ako’ng nangiti ng makita siya. Narinig ko’ng graduate na siya last season sa basketball team kaya ‘di na siya naglaro ngayon.

The Master of the Game (Book 1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon