Chapter 12: Prisoner

12.5K 450 100
                                    

‘Di ko alam kung paano ko napanatili ang pag ngiti ko ng pilit sa mga taong kasabay ko kumain. Gusto ko’ng makipagbiruan pero ‘do ko ito magawa ng ayos dahil mabigat ang pakiramdam ko. Gusto ko man ngumiti sa kanila ng todo at maging masaya para sa kaibigan nila na nakabalik mula sa ibang bansa kaya sila nagtipon tipon ay ‘di ko magawa. Gusto ko man ay ‘di ko magawa ng lubusan. May kaonting kirot sa loob ko na ‘di ko mabaliwala.

“You okay?” tanong sa akin ni Brent at umakbay pa sa akin. Sumandal ako sa upuan at tumango. Ayaw ko nang magsalita at baka magsalita ako at magkamali pa ng sagot. “Uuwi na din tayo, tyempo lang ako.” sambit niya sa akin. ‘Di ako tumanggi pero ‘di din ako pumayag. ‘Di ko alam kung ano na ang nararamdaman ko. Isang minuto ay nasaskatan ako at ang sunod ay namamanhid ako.

“Brent, CR ako.” paalam ko sa kanya at nag excuse din sa buong team nila bago naglakad ng mabilis papunta sa CR sa may labas ng silid na ‘yon.

Humilig ako sa basin ng CR at tinignan ang sarili sa salamin. Ngumiti ako at kinumbinsi ang sarili na ayos lang ang lahat. Kinalma ko ang sarili ko at inayos ang sarili bago ako lumabas ulit.

Sa paglabas ko ay nakita ko na nagkakatuwaan ang buong team. Nanatili muna ako sa pintuan ng VIP room at pinanuod sila.

“Ricci na miss mo si Michelle?” panimulang tanong ni Brent sa kanya.

“Oo naman. Ilang taon din ‘tong nawala e.” sagot niya na parang ‘di man lang siya nag-isip ng isasagot. Nakita ko na nakaakbay siya sa Michelle at iniikot ang kanyang daliri sa balikat nito.

“Bakit kaya ‘di na lang kayo ulit magbalikan?” kantyaw ni Prince.

“We’ll go there. ‘Di pa siguro ngayon ang oras.” sagot ni Michelle at bumaling kay Ricci at hinalikan si Ricci sa pisngi. Ricci didn’t even flinched at gumanti pa ng halik sa pisngi ni Michelle. Kantyawan ang pumuno sa buong kwartong ‘yon at puro tawanan ang narinig ko.

Naglakad ako papunta kay Brent at ‘di ko tinapunan ng kahit isang tingin si Ricci o ang babaeng kasama niya. “Brent, pinapauwi na ako ni Kreezia at nilalagnat daw siya.” panimula ko nang dumating ako sa mesa at pumunta sa tabi niya.

“Ganoon ba? I’ll take you home.” he offered and I immediately declined.

“Wag na, I can manage. ‘Dito ka na lang at mag enjoy ka kasama ng team.” I said as polite and soft as I can be dahil pakiramdam ko’y naapaw na ang asido ng sakit sa lalamunan ko.

“Magpahatid ka na kay Brent, Lillian. Delikado sa daan ngayon.” pilit sa akin ni Jeron pero umiling ako.

“Kaya ko ang sarili ko, salamat guys.” paalam ko sa kanila “Sorry guys mauna na ako.” tinanguan ko sila at dali-daling umalis doon.

Tinahak ko ang grand staircase at ‘di na muling lumingon pa. Parang may kung ano sa loob ko na masusuka kapag nanatili pa ako doon. Ganito pala ang pakiramdam ng nale-lead ka sa isang bagay na ‘di naman talaga pala dapat ipinaramdam sa ‘yo.

“Come again ma’am.” bati sa akin ng babae sa may pinto ng restaurant na binaliwala ko. Nagintay ako ng taxi na dadaan para makasakay na ako. Kailangan ko’ng makapag isip at i-set ang mga priorities ko at ang pag iisip ko ngayon.

“Lillian…” tawag sa akin ng pamilyar na boses. Nanigas mga paa ko at agad na nanlamig ang mga kamay ko. Hinawakan niya ako sa may braso at nang ipaharap niya ako sa kanya ay doon ko lang naramdaman ang init sa pakiramdam ng matitigan niya at mahawakan niya na naramdaman ko lang noong nasa camp pa kami at ngayon ay wala na ‘yon. It was long gone. “You left your phone.” sambit niya at ipinakita sa akin ang phone.

Tumango ako at ni ‘di ko magawang ngumiti sa kanya. Kinuha ko ang telepono at tinalikuran siya. ‘Di ko ata kayang makipag usap sa kanya dahil sobrang nananakit ang dibdib ko.

The Master of the Game (Book 1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon