Chapter 6: Kiss a Friend

13.3K 465 120
                                    

Ilang linggo ako’ng naging aloof dahil sa nangyari. ‘Di ko sinasamahan si Kreezia sa mga lakad niya, kahit sa simpleng gala niya sa mall ay di ako sumama. Alam ko’ng mas naging close siya sa mga players na gustong gusto niya naman. Noong isang araw nga ay nagwawala na siya dahil pumayag na si Ricci na maging official ang fan base niya at finallow na din siya ni Ricci. No big deal for me.

Mahirap pala ang may iniiwasan. Minsan gusto ko tumambay sa cafe malapit sa La Salle pero naandoon sila lagi. Kung minsan naman ay makakasalubong ko sila sa may corridor at may kaakbay na naman siyang ibang babae. Ikinikibit balikat ko ‘yon palagi at ‘di na ako nagsasalita. Pilit ako’ng pinapangiti ni Kreezia pero ‘di niya magawa.

Linggo ng hapon ng lumabas ako sa condo matapos ko’ng tapusin ang mga gawain ko para sa school. Nakahinga ako ng maluwag ng mapagtantong wala ngayon ang mga platers na ‘yan sa dorm dahil kadalasan ay nauwi sila ng sabado at nabalik na ng Lunes ng madaling araw.

Tinahak ko ang kahabaan ng Taft para umorder sa isang sikat na Milk Tea shop. Pumasok ako doon at nag order ng isang Winter melon bago umupo sa may gilid na table upang intayin ang order ko.

Inabala ko ng sandali ang sarili sa cellphone ko. I browsed my twitter feeds hanggang sa may umagaw ng atensyon ko na isang tweet.

@brentparaiso: Staring at a girl here in infinitea.

Nanlaki ang mga mata ko at agad na nilingon ko ang paligid. Kumunot ang noo ko dahil wala naman siya dito. Oo, iniwasan ko ang buong team nila pero magsisinungaling ako kung sasabihin ko’ng di ko gusto ang ugali ni Brent. Mabait siya at masaya kausap kung ikukumpara sa kaibigan niyang hambog.

Tinignan ko ulit ang tweet at kaka-tweet lang nun 2 minutes ago. I decided to reply.

@LillianDLC: Where you at? Looking for you.

I pressed ‘tweet’ at nag intay ng reply niya. Jusko, di naman ako nag assume na ako ‘yung tinitignan niya pero, hello, umamin kaya siya na crush niya ko. Yes it felt awkward pero noong nakakausap ko na naman siya ay mas maayos siya kausap kaysa sa ibang players.

Ilang minuto din ang nakalipas ay nag reply.

@brentparaiso: Infinitea. Looking at you. Left side, beautiful.

Kumunot ang noo ko at ng tumingin nga ako sa kaliwa ay naandoon siya. Naka pink shirt siya at jeans lang. “Brent!” tawag ko at kumaway lang siya. “Halika nga dito!” maligaya ko’ng sabi.

Nagtaas lang siya ng kilay at agad na tumalima. Tumayo siya at umupo sa tapat ko. Inilapag niya ang drinks niya, phone at wallet.

“Ma’am, excuse me po… here’s your drink.” sambit ng babaeng inorderan ko kanina. Ngumiti ako sa kanya bago ako nagpasalamat at itinuon ulit ang atensyon kay Brent.

“Kamusta na?” una ko’ng tanong makalipas ang ilang linggong ‘di ko pagpansin sa kanila. I know it’s wrong na ‘di ko sila pinansin kahit na anong approach nila sa akin. But hell, I have to be selfish first dahil may mga issues ako na ‘di nila maiintindihan.

“Okay lang.” sagot niya at ‘di natinag ang titig niya sa akin. Parang gusto niya ako titigan at i-sketch ang mukha ko. “Di ka na nasama sa amin.” it was not a question, he’s stating a fact.

“Well… I have issues Brent and feeling ko ‘di naman maiintindihan ng mga kaibigan mo, especially Ricci kaya ako na ang umiiwas.” nagpilit ako ng ngiti bago ko uminom sa drink ko.

Tumango lang siya at humilig sa silya na inuupuan niya. “Pwede ba’ng manuod ka ng game namin? Sa Wednesday ‘yun Lillian, promise may Gatorade!” anyaya niya ng nakangiti na naman. His smile is so infectious at sobra ako’ng nadadala sa tuwing ngingiti siya. Parang laging may nakakatuwa sa mga bagay na sinasabi niya.

The Master of the Game (Book 1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon