Chapter 9: Milk

12.4K 433 87
                                    

Nanibago ako sa buong araw na magkasama kami ni Ricci. Wala ako’ng narinig na panlalait o pang-aasar man lang sa kanya. Gusto ko siyang simulan na asarin para makita ulit ang mapanloko niyang ngiti but I don’t want to spoil his mood. I somewhat I find it… calming. I was calmed and quite satisfied na ganito ang ipinapakita niya.

Matapos ang nakakapanginig tuhod naming pagtawid sa maputik na tulay na ‘yon ay sunod kaming pumunta ng buong grupo sa sinasabi ng leader namin na spider web.

“Follow me.” sambit ng leader namin nang mag umpisa na kaming maglakad sa medyo mabato pero maputik pa din na lupa ng camp.

Sinundan namin siya sa matarik na formation ng mga bato. Sabi niya kailangan daw talaga namin umakyat doon. Panay ang reklamo ng iba naming ka grupo ngunit ‘di ako nakarinig ng reklamo mula kay Ricci. Siguro ay sanay na siya sa mga ganitong obstacles na araw arawin mo ba naman ang training sa basketball ay kung di ka masanay sa sakit ng katawan.

“Kuya malayo pa ba? It’s so hot na here!” said Sherlyn, one of the girls in second year.

Jusko ang conyo ha.

Inirapan ko ang sinabi niya bago nagpatuloy sa paglalakad. I didn’t want to waste time since gusto ko na din matapos ito at makapagpahinga. I’m actually enjoying the trek and it’s good na makapagpapawis sa ganitong environment. I’m tired but the ambiance keeps on motivating me.

“Stop rolling your eyes on everyone, Lillian.” saway sa akin ni Ricci na nasa likod ko.

Kumunot ang noo ko at binalingan siya. “I’m not.” pagtanggi ko.

“I just saw what you did little girl.” pag nguso niya. Tinapik niya ang balikat ko at inaya na ako’ng umakyat ng mabilis. Ang mahahabang binti niya ang tumulong sa kanya para maabot ang mga bato na ‘di ko kaya abutin. Nauna na siya sa pag akyat at naiwan ako’ng nangangapa kung saan ako hahawak na bato. Natatakot ako na mahulog sa batuhan na ito at masugatan. I want to enjoy the camp since andito na naman ako.

“Come on Lillian. Wala na ba’ng ibibilis ‘yan?” reklamo ni Ricci nang makita niya akong mabagal ang pag-akyat. ‘Di lang naman ako ang mabagal kumilos dito!

“Ito na nga po…” sarkastiko ko’ng sagot bago humawak sa isang bato na malapit sa kanya. “Ay!” sigaw ko nang maramdaman ko’ng medyo malambot ang bato at alam ko’ng ma-out of balance ako kapag ‘di ako nakakapit sa isang bagay.

“Gotcha!” may ngiti niyang sabi nang mahawakan niya ang kamay ko ng mabilis. Hinatak niya ako paakyat na para ba’ng wala lang sa kanya ang bigat ko. Nginusuan niya pa ako na parang natatawa pa sa kung anong pwedeng mangyari sa akin kundi niya ako nahawakan agad.

“S-Salamat.” utal ko’ng sabi na agad pinagsisihan nang magtaas siya ng kilay at ngumisi. All right then, di niya talaga kayang manatili sa pagiging genuine.

Tinulungan na ako ni Ricci sa pag-akyat. Nakahawak siya sa kamay ko hanggang sa marating namin ulit ang kapatagan ng lupa. Doon nakita namin ang isang malawak na web na gawa sa pinakamatibay na lubid. Sinasakop nito ang isang bangin na medyo malalim ang babagsakan pero ang awang sa bawat butas ng web ay kasya lang ang paa ng isang tao at hindi naman siguro mahuhulog dahil malawak naman ang web.

“Okay we’re here!” anunsyo ng leader namin nang makaakyat na ang lahat. “This is the spider web. So the instruction is simple… kailangan niyo lang ulit tumawid sa kabilang dulo gamit ‘yan. As usual, dalawahan pag pagtawid. We don’t encourage na maramihan ang pagtawid.”

“Are you serious?” tanong ng isang kasama namin sa grupo. Halata ang takot sa mukha niya at parang ayaw niya na gawin ang challenge.

“Who wants to go first?” tanong ng leader namin.

The Master of the Game (Book 1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon