Chapter 35: Injury

10.8K 379 74
                                    

I hold my liquor as I enjoy his reaction everytime I smirk and smile at every guy that greets me. I don’t really intend to pay attention to the guys who waves and makes a move at me. I’m just enjoying the reaction I’m getting galing kay Ricci.

Lumipas pa ang oras at nagkayayaan na ang buong tropa na mag sayaw sa gitna ng dancefloor. Naghatakan sila at sumama na ako. Naging masaya at nakakapagod ang bawat pag-indayog at pagtalon namin sa malakas na tugtog na ibinibigay sa amin ng DJ.

Makalipas ang ilang minuto ay napagod kami ni Michelle kaya bumalik kami sa couch para magpahinga. Panay ang kausap niya sa isang lalaki na in-approach siya kanina noong nagsasayaw kami kaya medyo lumayo sila para makapag-usap.

Umupo ako sa couch at naramdaman ‘ko ang pag vibrate ng phone ‘ko kaya kinuha ‘ko ‘yon. Natawag si Crius sa akin at alam ko’ng magagalit na naman ‘yon dahil pinagbawalan ‘ko siyang lumabas para mag party at makaiwas sa mga babae niya pero ito ako at nagwalwal pa.

Sinagot ‘ko ang facetime call niya at agad na nagsuot ng earphones para magkarinigan kami. “Hey Crius.” Panimulang bait ‘ko.

“Really woman, you didn’t want me to go party but there you are with all the loud music around you?” nagtaas siya ng kilay sa akin at alam ko’ng kailangan ‘ko siyang paliwanagan.

“Sorry Crius. My cousins and old college friends decided to chill tonight and I can’t say no to them. Ang tagal naming hindi nagkita oh.” Dahilan ‘ko na nginusuan niya lang at tinanguan.

“It’s almost a month now since you left. I miss you na. You should hurry up and go back here or else I’ll engage myself in a group sex again.”

“Crius!” tili ‘ko na natatawa bago ako nag ayos ng upo. “Don’t you dare Crius.” Banta ‘ko sa kanya na natawa lang siya.

“Anyway, I just finished editing my new cover of a song I recorded. Want to hear it?” he asked cheerfully.

“Sure! Send me the link when you post it na.” sagot ‘ko at sasagot pa sana siya pero kumunot ang noo niya.

“Is that Ricci? He’s behind you.” Inosente niyang sabi at agad nanlaki ang mata ‘ko nang makita nga si Ricci na naka-halukipkip sa likod ‘ko at nakataas pa ang kilay habang minamasdan ako’ng kausap si Crius.

Tinanggal ‘ko ang aking earphones at hinarap siya. “Yes?” casual ko’ng tanong.

“So that’s Crius.” He said, convinced as he sat beside me na ikinagulat ‘ko. “He’s not that handsome tho.” Sambit niya at sumilip ulit sa screen ng cellphone ‘ko.

“No wonder you don’t like him. Ang yabang.” Komento ni Crius at agad ako’ng nagpasalamat dahil naka-earphones ako at hindi naririnig ni Ricci ang sinabi niya.

“Ricci eavesdropping is rude.” Paalala ‘ko sa kanya na nginusuan niya lang.

“I’m not eavesdropping. Hell I can’t even hear what he’s saying.” He replied as-a-matter-of-fact and leaned against me. So close that I can feel his breath under my ears.

“Sabi mo e.” nagtaas ako ng kilay at pasimpleng lumayo sa kanya pero ganoon na lang ang kabog ng dibdib ‘ko ng biglang dumausdos ang kamay niya sa baywang ‘ko at hinapit ako palapit sa kanya. The familiar throbbing in my chest went wilder as he breathes beneath my ears. “Drop the call.” He whispered and I felt him kiss my neck.

Nag-alab ang kung anong emosyon sa akin. Inilapag ‘ko ang aking cellphone sa mesa at walang habas siyang itinulak at isang malakas na sampal ang iginawad ‘ko sa kanya. “Stop it Ricci. I’m not playing that stupid game with you ever again! You can’t tear me down this time Ricci. Sobra na!” nag iinit ang pisngi ‘ko sa sobrang galit at parang kay tagal ‘ko nang kinimkim ang mga ito at ngayon ‘ko lang nailabas. Dama ‘ko ang sakit sa aking palad dahil sa sobrang lakas ng pagkakasampal ‘ko sa kanya. I never wanted to slap him or hurt him but I just found the need to do so.

The Master of the Game (Book 1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon