Epilogue

9.3K 346 184
                                    

Hindi matanggal ang ngiti sa mga labi ‘ko nang tawagan ako ni Lillian kanina habang pauwi na ako. I don’t know what has gotten into her na siya ang unang tumawag ngayon gayong sa mga taon na pagsasama namin ay laging ako ang natawag at nangangamusta sa kanya. She sounded so aloof and cold but I guess ganoon naman talaga ang mga buntis. Madalas ay moody sila at hindi na mawari kung ano ang gusto. Pero kahit ganoon… wala e, mahal ‘ko.

Naalala ‘ko nong una ‘ko siyang nakita, sa tapat ‘yon ng gym ng La Salle at kakatapos lang ng practice game namin ng buong team. I saw her talking to Brent and I can’t stop staring at her. Her expressive eyes caught my attention and I can imagine her pink lips feeling so soft on my lips.

Nakita ‘ko ang pagtawag sa kanya ng babaeng nagpakilala sa akin bilang Kreezia at sabi niya ay kaibigan siya ni Brent and it turned out kaibigan niya ang babaeng hindi ‘ko matigilan sa pagtitig. Nagkabatian pa bago ako lumapit sa kanila kasama ang buong team. Her awkward smile made me giddy and curious to know more about her.

There’s really something in her na gustong gusto ko’ng alamin. I’m good at reading people’s personality pero ang sa kanya ay hindi ‘ko mawari. Every time I look at her, I feel so happy and complete. It’s like she can make or unmake my day base sa kung anong gagawin niya at reaction niya sa mga gagawin ‘ko.

Dumating ang event ng La Salle para sa buong first years and second years at binalak ‘ko talaga na sumakay sa bus ng klase nina Lillian I don’t know but teasing her makes my heart go wild. It makes me want to do more than teasing. Gusto ko’ng lagi siyang nakikitang nakangiti o kaya naman namumula. Hindi ‘ko alam ang nangayayri sa akin pero never in my entire life na naging ganito ako para lang sa ibang babae. She makes me do things that I never did before.

Sa Antipolo ay ginawa ‘ko ang lahat para lang mapalapit sa kanya at hindi ‘ko siya pinabayaan sa lahat ng mga activities na dapat ay gagawin namin ng magkasama. Ang makasama siya ng ilang araw at makita ang kanyang ngiti at ang magagandang mata ay sapat na sa akin. Siguro nga gusto ‘ko na siya.

Papalabas ako noon sa cabin mula sa pagpapalit ng damit at kinuha ‘ko na din si Lillian ng damit pamalit pero nakita ‘ko si Brent na kausap niya. I don’t know what has gotten into me na sumabat agad ako sa usapan nila para maputol ang lahat ng pinag uusapan nila at ayain na si Lillian para umalis. I just don’t like her talking to another man, especially to Brent. Hindi ‘ko gugustuhin na mag-away kami magkaibigan dahil lang sa ibang babae.

Sa paguwi ni Michelle sa Pilipinas ay agad ko’ng tinakbo ang kotse namin na dala ni Kuya Rash dahil matagal ‘ko na siya hindi nakikita. It’s been years since huli kaming nagkita at ang saya lang balikan ng mga ala-ala namin ni Michelle. She’s been a good friend to me and I’m very much aware na may feelings siya sa akin pero hindi ‘ko masusuklian ‘yon ngayon dahil tuluyan na nga ata akong nahulog sa mga mata ni Lillian. The emotions she’s showing me every time we talk are priceless. I just can’t imagine her in someone else’s arms than mine,

Noong unang beses ‘ko nakita ang pag-iyak niya sa harap ‘ko noong Alumni Homecoming ay hindi ‘ko alam kung maiinis ba ako dahil naiyak siya o matutuwa dahil ako ang iniiyakan niya. All this time I thought si Brent ang gusto niya dahil madalas niya itong kausap. Pero hindi, dahil ako pala ang gusto niya at pinanatili ko’ng ganoon ang nasa puso niya at sisiguraduhin ko’ng mananatili ‘yong ganon.

The days, weeks, months and years that we’ve been through ay hindi naging madali. Napakaraming complications na nangyari and believe it or not ay may mga panahon na gusto ‘ko na lang sumuko pero ang sukuan siya ay parang sinuko ‘ko na rin ang karapatan ‘ko na sumaya. Never in my wildest dreams na nakita ko’ng mahuhulog ako sa kanya. Lillian is definitely not my type. Masyado siyang mahinhin sa akin. I’ve been with the wildest girls at ang hawakan siya ay parang paghawak sa isang pigurin na kailangang hawakan mabuti kung hindi ay mababasag ito.

The Master of the Game (Book 1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon