Chapter 51: Disappointment

8.8K 344 68
                                    

Pinayagan ‘ko sina Michelle at Sherlyn na manatili muna sa condo ‘ko. Maigi na din na mayroon akong nakakausap kapag uuwi ako or bago ako umalis papunta sa duty ‘ko sa hospital. Madalas ko’ng nakikitang nagbabatukan at nagkakantyawan ang dalawang magkaibigan kapag may kung ano silang hindi pinagkakasunduan. Naalala ‘ko kung paano kami magturingan ni Kreezia noon at totoong sobrang close namin. Sana lang ay gumaling na siya ng tuluyan at maging maayos na ang lahat.

Alas sais ng gabi na nang matapos ako sa duty ‘ko para sa araw na ‘yon. Mag-iisang linggo na din ako dito at sa totoo lang ay nagugustuhan ‘ko ang mga ginagawa sa ospital. Mas marami akong natututunan dito kung ikukumpara sa mga pahirapan na solohan sa university na puro theories lang ang ibinibigay sa amin at procedures na hindi naman namin nasusubukan. In here, we are instructed and guided at the same time.

Nang bumaba ako ng kotse ‘ko matapos ako mag-park ay biglang tumunog ang cellphone ‘ko, it displayed Sherlyn’s name at agad ‘ko ‘yong sinagot. “Yes girl?” panimula ‘ko.

“Brent is at the lobby. Do not let him go up here, please Lillian magkakagulo.” She requsted na ikinakunot ng noo ‘ko.

“Why? Baka gusto lang naman mag-usap kayo.”

“No Lillian kasi-“

“Kasi Lillian nasa labas ng unit mo si Marco. Itong si gagita pinapunta ba naman dito parang tanga.”

“Wait, paano nakaakyat? You mean sinundo niyo gamit ‘yung spare card ‘ko para sa elevator?” humilig ako sa aking kotse at nakinig sa kanila. Jusko kung hindi ‘ko lang ‘to mga kaibigan matagal ‘ko na pinukpok ng fire extinguisher ang mga ‘to! Puro lalaki inaatupag ayaw magsi-trabaho!

“Parang ganon?” Sherlyn said like she was unsure of what she’ll tell me.

“Anong parang ganon? Sherlyn umayos ka nga!” singhal ‘ko at napahilamos sa aking mukha. “Sige titignan ‘ko kung anong magagawa ‘ko kay Brent. Bakit kasi nakikipag-harutan kapag may commitment pa sa isa!”

“Sorry Lillian…”

“Oo na. Pupuntahan ‘ko na si Brent, do not make any monkey business there or hahayaan ko’ng kaladkarin kayo lahat ni Brent paalis dyan!” pabiro ko’ng sabi na ikinatawa ni Michelle sa kabilang linya.

“Don’t worry ako bahala pumigil kung lilinigkis si Sherlyn dito kay Marco!” sigaw ni Michelle at humalakhak pa na parang tuwang tuwa siya sa nangyayari. Ganon nga siguro ang tunay na magkakaibigan na kapag nasa komplikado kang sitwasyon dahil sa katangahan mo ay tatawanan ka pa.

Umiling ako at pumayag na sa gusto niyang mangyari bago ‘ko ibinaba ang tawag at suminghap saka naglakad papunta papasok ng lobby ng condo para puntahan si Brent. Kinalagabog ang puso ‘ko nang makita ‘ko siya na nakatungo habang nakaupo sa sa couch at parang may malalim na iniisip.Sa mga nakaraang taon na nakikita ‘ko siyang masaya na ulit ay ngayon na lang ulit siya nalungkot ng ganito.

“Brent.” Casual ko’ng tawag sa kanya, hindi ipinapahalata na may alam ako sa mga nangyayari. Hangga’t maaari ay ayaw ko’ng makialam at magkaroon ng kinalaman sa mga desisyon at mangyayari sa kanilang relasyon. Gusto ko’ng mag-isa nilang solusyunan at magdesisyon sila base sa kung ano ang mayroon sila at kung ano ang totoong gusto nila at ‘di lang dahil naimpluwensyahan ng iba, gaya ng nangyayari ngayon kay Sherlyn na mas lalong naguluhan dahil sa paglapit ni Marco sa kanya. “What brings you here?” tanong ‘ko.

“Lillian I have to talk to Sherlyn. Please let me talk to her, sobrang gulo lang ng utak ‘ko nitong mga nakaraang araw kaya hindi ‘ko na naisip ang mga nasabi ‘ko. I want to tell her how sorry I am. So please let me…”

“Brent what are you saying? Wala si Sherlyn sa place ‘ko and how did you know this place? Paano mo natunton?”

“Ricci told me and he also told me na andito si Sherlyn. Piglet, please don’t make me hate myself even more dahil sa mga sinabi ‘ko sa kanya na wala namang basis. Please we need to talk.” He pleads like he won’t stop convincing me until hindi ako pumayag.

The Master of the Game (Book 1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon