Chapter 3: Play Dirty

15.2K 423 134
                                    

I can see dark circles in my eyes as I stare myself in the mirror. Puyat na puyat ako at parang tatlong oras lang ata ako’ng nakatulog dahil sa katangahan ko kagabi. It’s not like I intended to like his topless picture. Pero bakit kasi ako nag stalk in the first place?

“Ugh!” sigaw ko sa harap ng salamin out of frustration. I never really wanted to rake all over his body pero… hello, babae din ako. Alangan namang ma-attract ako sa may joga din tulad ko o sa parehong gender. Ano to, pompyang?

“Lillian the bitch!” sigaw ni Kreezia mula sa labas ng kwarto ko.

Bumukas ng malakas ang pinto at iniluwa nito ang nakabusangot na si Kreezia hawak ang phone niya. “Mamshie, mag explain ka! Bakit ka finallow ni Ricci sa instagram?!” sigaw niya na akala mo inagawan ko siya ng candy na matagal niya pinag ipunan.

“Oh? Finallow niya ba ako?” that’s right Lillian. Fake it ‘til you make it.

“Yes bitch at pinag uusapan ka na ng buong school! Ang ganda mo bwiset ka!” sigaw niya sa akin at sumalampak pa sa kama ko bago initsa ang telepono. “I know may ginawa ka kagabi kaya ka na-follow. It’s obvious na dini-digahan ka ni babyloves ko pero bakit mo pinapatulan?!”

I sighed and finally faced her. “Di pa ko nag che-check ng instagram Kreezia. Ang aga aga tigilan mo ko sa Ricci na ‘yan ah.” sambit ko at humarap ulit sa salamin para mag ayos ng sarili. Stupid eye bags! Kailangan ko pa tuloy mag concealer para lang matakpan ‘to.

“Ewan ko Lillian! Lahat ng pinapangarap ng mga fan girls ni Ricci nangyayari sa’yo! How to be you po?” Kreezia said sarcastically and she ended storming out of my room.

It’s not like I wanted Ricci to follow me on instagram o kung ano man. Malay ko ba na ganon ang mangyayari? And for the sake of all the archers, di ko siya gusto. Yes I explored his instagram dahil I’m curious. Pero isa lang naman ang nakita ko; ang katawan niya. Alam ko na kung bakit nakandong at nalingkis sa kanya mga babae nung Thursday.

Nang matapos ako mag ayos ay nag aya na ako kay Kreezia na umalis na papunta sa klase namin. She’s sad and irritated at the same time. Finallow ko din kanina ang fan base niya para kay Ricci kasi kadalasan doon siya naglalabas ng sama ng loob imbes na sa personal account niya.

“Kreezia, stop it na nga.Di ko naman talaga intensyon na I-follow ako ni Ricci e. Saka di ko talaga alam kung bakit niya ako finallow!”

Mamatey?

“Oo na. Matitiis ba kita.” she said in defeat as we walk pass the gate of La Salle.

“Isn’t she the girl in twitter? ‘Yung finallow daw ni Ricci sa instagram?”

“Gosh, ‘di naman ganon kaganda.”

“Baka nilandi si Ricci.”

Tatlong comments agad ang narinig ko pagpasok pa lang ng La Salle. Ganito ba ang impluwensya ni Ricci sa mga fan girls niya? Nasama ugali?
“Lillian papansinin mo ba? Resbak ako.” Kreezia said feeling giddy again. Ito na naman kami. Ayaw ko mang-away dahil lang sa issue na ‘yan. I’d rather go boxing sa gym kesa makipagsagutan sa kanila.

“Let them be Kreezia. Wala naman mawawala sa akin kung mag usap sila dyan.” I smirk at nagpatuloy na sa paglalakad. 

Pumasok kami sa unang klase namin at inalis ko sa isip ko ang mga nangyari kagabi. I didn’t mean to be that kind of girl kagabi. I just needed to see kung ano ang nakita nila kay Ricci. Yes I don’t know him personally pa pero ang sabi ng mga tao dito sa room at sa buong college ay mabait daw siya. Madasaling tao daw at family oriented. Well, partly yes, totoo naman siguro based on the pictures I’ve seen pero it doesn’t matter now. Bakit ko naman siya kikilalanin pa. Ano ko ba siya at ano ba ako sa kanya, hindi ba?

The Master of the Game (Book 1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon