Kabanata 1

2.8K 71 24
                                    

Kabanata 1

Missing

"We will be leaving in five minutes. Kumpleto na ba kayo?" Tumayo mula sa harap si Sir Ivan para sabihin ang bagay na iyon.

Ngayon ang araw na pinakahihintay ng iba. Ang araw ng camping namin. Noong isang araw lang ay pinaguusapan pa ng lahat, tapos ngayon heto na. Muntik pa akong hindi makasama dahil hindi ako payagan ng mga magulang ko, kaya tumakas nalang ako.

Umayos ako ng pagkaka-upo, "Yes, Sir!"

Pagkatapos naming sumigaw ay umingay ang bus dahil sa pagka-excite ng mga estudyante. Nilingon ko naman agad ang nasa tabi kong si Pine dahil sa pagkalbit niya sa akin.

"I'm so excited, Doe! Kapag nakarating tayo doon, ghost hunting tayo, ha?" Niyakap pa ako ni Pine.

"So you guys are still at it, huh?" Sarkastiko kong sabi.

Matagal na nilang pinagpaplanuhan iyon. Hindi naman ako agais'nt doon ngunit hindi ko gusto ang plano nila. Baka mahuli kami ng mga teacher or worst, baka may mangyaring masama.

"Oo naman 'no! Tingin mo kami iyong mga tipo na pabago-bago ng desisyon?"

Nilingon kami ni Charra at Goldie na nasa kabilang upuan lang. Ngumisi sila. Umiling na lamang ako. Narinig ko rin ang usapan ni Jet at Flint sa likod namin.

Isang silip ang ginawa ko sa labas bago sinarado ang kurtina. Sinaksak ko sa aking tainga ang earphones at tumugtog ang isang pamilyar at sikat na kanta. Pinikit ko ang aking mata, iidlip muna. Ilang sandali lamang ay naramdaman ko ng umandar ang sinasakyan naming bus.

"Doe, wake up!"

Naalimpungatan ako nang kurutin ni Pine ang pisngi ko. Humalakhak sila. Nagdilat ako ng mata at agad na bumungad sa akin ang pagmumukha ng mga kaibigan ko. Kinusot ko ang mata ko saka kumunot ang noo ko nang makitang naka-stop ang bus.

"Stop over?" Tanong ko.

Tumayo si Pine saka hinila ako, hindi sinagot ang tanong ko. Nagkalat ang mga estudyante sa baba ngunit nang dumaan kami ay para kaming mga hari't reyna na binibigyan nila ng daan. Well, not me. Nadamay lang ako dahil kaibigan ko sila.

Naramdaman ko ang akbay sa akin ni Silver kaya nilingon ko siya. Kumakaway siya habang nakangisi sa mga babaeng nagtatawag ng pangalan niya.

Umirap ako, "Tell them to keep quiet..."

Nagbaba siya ng tingin sa akin saka humalakhak, "Kahit sabihin ko, alam mong hindi pa rin sila titigil."

Mag-iisang taon ko pa lamang silang kaibigan. Hindi ko nga alam kung bakit at paano ako napasali sa kanila. Isang tahimik at hindi kilalang estudyante lamang ako noon.

Ilang minuto lamang ang tinagal namin doon bago umalis. Nang magsimula na ulit umandar ang sasakyan ay inilagay ko na sa magkabilang tainga ko ang earphone. Nagulat ako nang biglang hablutin iyon ni Pine dahilan kung bakit natanggal ang isa. Nakangisi siyang nilagay ang isa sa kaniyang tainga.

"Malapit na tayo, magayos-ayos na kayo..."

Nagising ako sa sigaw ni Sir Ivan. Ginising ko na rin si Pine para makapag-ayos. Nagsimula nanamang mag-ingay ang buong bus dahil sa excitement.

Wala pang twenty minutes mula ng sabihin iyon ni Sir Ivan ay nakarating na kami roon. Isinabit ko sa aking balikat ang bag pack saka bumaba na.

"It's already five o'clock. Be ready dahil thirty minutes tayong maglalakad bago makarating sa taas."

"Yes, Sir!"

Sinuot ko ang dala kong cap dahil medyo may araw pa. Sinabit ni Pine ang kanyang kamay sa braso ko habang si Charra at Goldie naman ay nauuna sa amin.

The CampWhere stories live. Discover now