Kabanata 5

1.1K 52 41
                                    

Pine Cervera on the MM
_________

Kabanata 5

Nasaan

Ilang oras nang wala kaming narinig na anumang ingay mula sa labas. Hindi namin alam kung nandun pa ang matanda o tuluyan nang umalis. Umubob ako sa aking tuhod dahil sa sobrang pagod.

Nagulat ako nang biglang kumidlat. Mukhang uulan pa yata. Nice timing naman!

Ang mukha ng matandang babae na iyon ang nakikita ko tuwing pumipikit. Ang buhok niyang kulot at mahaba na may kaunting puti na. Ang mata niyang nanlilisik tuwing tumitingin sa akin. Ang ngipin niyang may dumi-dumi, na kitang kita kapag tumatawa siya.

Umiling ako at pilit na iniiwasan ang isipang iyon. Pero tumatak sa akin ang sinabi niya kanina. Hindi siya ang kumukuha kundi mayroon pa?

At sino naman? Si Sir Ivan?

"I want to pee!" Rinig kong sabi ni Gema, isa sa mga kaibigan ni Candy.

"Pigilan mo nalang muna iyan! Hindi tayo sigurado kung nasa labas pa ang matanda o wala na." Sabi ni Stick.

"Kanina pa ako nagpipigil. I can't hold it anymore. Silver, samahan mo ako!"

Mabilis akong nag-angat ng tingin, "Sama ako!"

"Doe, huwag na. Ikaw ang gustong patayin nung matanda..." pigil sa akin ni Pine.

Pinigilan din nila ako at sinabi ang katulad nang sinabi ni Pine. Tumingin ako sa bintanang nakasarado. Malakas na bumubuhos ang ulan kasama ng kidlat.

"I won't let that happen. Tsaka umuulan na, baka umuwi na iyon." Sabi ko.

Kahit na anong sabihin nila ay hindi ako nagpapigil. Bumuntong hininga si Silver bago hinawakan ang kamay ko. Sabay-sabay kaming tatlo na palabas nang lumang bahay na iyon. Wala kaming dalang payong pero wala kaming pakielam. Mabilis na nabasa ang damit ko dahil sa lakas ng ulan.

"Dito ka na muna, Silver... doon na kami sa isang puno iihi ni Gema."

Hinawakan ko ang kamay ni Gema at sabay kaming naglakad. Nasa kabilang puno siya at ako naman ay medyo malayo na sa kaniya. Sa sobrang pagpipigil ko sa ihi ko ay matagal iyon natapos.

"Tara na, Gema--"

Paglingon ko ay wala na siya sa pwesto niya. Luminga-linga ako sa paligid at wala akong makitang kahit na ano. Kapag kikidlat ay saka lang ako naglalakad dahil naiilawan ang daanan.

"Gema! Silver!"

Halos mabaliw ako nang wala na rin sa pwesto niya si Silver. Luminga-linga ako sa paligid dahil baka bigla kong makasalubong ang matandang babae. Tumaas ang balahibo ko nang marinig kong umalingawngaw sa buong kagubatan ang halakhak niya.

"Silver!" Tawag ko.

Napapikit ako nang madapa ako. May natapakan akong ugat nang puno. Agad na humapdi ang palad at tuhod ko. Papalapit nang papalapit ang halakhak ng matanda kaya pinilit kong tumayo.

Paulit-ulit kong tinawag ang pangalan ni Silver kahit na hindi ko alam kung naririnig niya ako. Biglang kumidlat nang malakas at saktong mukha nang matandang babae ang bumungad sa harap ko.

"Oh my gosh!" Napaatras ako, dahilan kung bakit napaupo ako.

"Mamamatay ka na ngayon!"

Umatras ako nang umatras kahit na nakaupo pa rin ako sa damuhan. Ramdam na ramdam ko ang hapdi sa mga katawan ko pero hindi ko pinansan ang mga iyon.

"Nababaliw ka na! May sira ang ulo mo!" Sigaw ko sa kaniya.

Tanging halakhak lamang ang sinagot niya sa akin. Nagpatuloy ako sa pag-atras samantalang ang matanda ay humahakbang papunta sa akin. Tuwing kumikidlat ay pinipikit ko ang mata ko para hindi makita ang nakakatakot niyang mukha.

Sa pag-atras ko ay may naramdaman ako aking braso na sobrang lamig na kamay. Sumigaw ako nang sumigaw saka pumiglas. Napawi naman ang tawa nang matanda at napatigil siya sa paghakbang sa akin. Tinignan ko siya nang tumama ang ilaw nang kidlat sa mukha niya, para siyang takot na takot.

"Calm down, Doe. It's me..."

Halos harapin ko na siya at yakapin nang marinig ko ang boses niya. Hinila niya ako patayo at inakay papunta sa kung saan. Hindi sumunod sa amin ang matandang babae, hindi ko alam kung bakit pero takot na takot siya.

"Where's Gema?" Tanong ko sa kaniya.

"Nawawala si Gema?" Tanong niya pabalik.

Oh shit, may nawala nanaman sa amin? Ano bang plano nang kumukuha na iyon at bakit inuunti-unti niya kami? Ano bang balak niya sa amin?!

"I don't know! Nawala na siya bigla sa pwesto niya kanina. Pati ikaw, nawala..."

Natanaw ko na ang lumang bahay. Hindi ko alam kung bakit nandito kami at kung sino ang tinataguan namin. Mukha naman ding takot na takot ang matanda kanina. I wonder why.

"Umihi rin ako sa kabila."

Sinalubong agad nila kami pagkapasok nang bahay. Napansin nilang hindi namin kasama si Gema kaya agad na nagtanong ang mga kasama niya. Si Pine at Charra ay mabilis akong niyakap.

Hindi ko sinagot ang mga tanong nila, mukhang alam na rin naman nila kung ano ang nangyari kay Gema. Umiyak ang iba dahil sa takot ngunit ako ay parang naubos na yata ang lahat ng luha ko kaya kahit isang patak ay walang lumalabas.

"I want to go home!" Paulit-ulit nilang sigaw.

Ang tagal nang gabi. Pakiramdam ko ay hindi pa dito natatapos ang gabi namin dahil narinig nanaman namin ang boses nang matandang babae.

"Gusto niyong malaman kung sino ang kumukuha?" Halakhak na sabi niya.

Akala ko ba natakot na siya kanina? Kitang kita ko sa mata niya ang takot. Bakit nandito nanaman siya?

"Hindi kami maniniwala sa iyo!" Pabalik na sigaw ni Charra.

"Talaga? Paano kung sabihin kong kasama niyo rin sa camping na ito ang kumukuha."

Sinarado ko ang utak ko sa mga sinasabi niya. Wala sa amin ang kumukuha, alam ko iyon dahil nandito ako simula pa nung una. Kasama ako simula pa sa una.

"Pero hindi ko sasabihin kung sino. Isa siya sa pinagkakatiwalaan niyong lahat, pero hindi niyo alam ang kaniyang pagka-tao..."

Kahit anong pilit kong hindi makinig sa kaniya ay kusang bumubukas ang utak ko para makinig. At anong sabi niya? Pinagkakatiwalaan namin ang kumukuha? Kasama namin iyon sa camping na ito?

Iisa lamang ang taong pumasok sa isip ko. Posible ring siya nga ang kumukuha. Una palang ang duda na ako sa kaniya, lalo pa ngayon at sinabi na nang matanda. Kahit na alam ko rin na may sira sa utak ang matandang ito ay hindi ko mapigilang hindi maniwala sa mga sinasabi niya.

At iisang tao lang ang iniisip kong bagay sa mga sinabi niya.

"Nasaan si Sir Ivan?" Matigas na tanong ko sa kanila.

The CampWhere stories live. Discover now