Kabanata 10

1K 50 28
                                    

Last Chapter hehe and happy 1K reads, thank u czellelites so so sooo much. Muapz!

Wait nalang sa Epilogue :)

_____________

Kabanata 10

A Boy or A Girl

Tumawa ng malakas ang matanda. Dinala niya kami sa isang bodega na hindi ko alam kung saang parte na ng gubat. Iniinda ko pa rin ang sakit ng sugat ko sa kanang kamay. Inis na inis ako dahil hindi ako makaisip ng paraan kung paano kami aalis dito nang hindi nalalaman ng matanda.

"Dahil natutuwa ako sa inyo..." naglabas siya ng limang kutsilyo.

Ang isa ay inabot niya sa akin ngunit tinignan ko lamang iyon. Nang maramdaman niyang hindi ko kukunin iyon ay kinuha niya ang kamay ko at sapilitang nilagay doon ang kutsilyo.

"Ano ba? We don't have time! Kailangan naming hanapin ang mga kaibigan namin habang maaga pa!" Inis na sigaw ko.

Kahit na magwala ako ngayon dito ay wala akong magawa. Hindi ko nga rin alam kung bakit kahit marami kami ay hindi pa rin namin kaya ang matandang ito. Siguro dahil may awa pa rin kami sa pagiging matanda niya.

Tinignan ko si Silver na malalim ang titig sa hawak niyang kutsilyo. Si Slate naman ay ngumisi habang tinitignan kung matulis ba iyon o hindi. Si Pine, kahit na hindi niya sabihin ay alam kung nanginginig na ngayon sa takot.

"Let's play a game and I'm sure matutuwa kayo rito." Ngumisi siya sa amin kaya kitang kita ko ang madumi niyang ngipin.

Pumagitna siya sa aming may mga hawak na kutsilyo. Ako, si Fear, si Silver, si Slate, at si Ayson ang may hawak. Tinignan ko ang kutsilyo at bigla itong kuminang kaya alam kong sobrang tulis nito.

"One of you is the traitor." Mabilis na nag-angat ako ng tingin sa sinabi ng matanda.

Hindi ko alam kung paniniwalaan ko siya. Tinignan ko isa-isa ang mga kasama kong may hawak din na patalim. Nasa aming lima ang traydor? How come? Magkakasama kami simula palang noong una.

"S-sa aming lima?" Nauutal na tanong ni Ayson.

"Hindi ko sasabihin kung nasa inyong lima. Basta narito lamang siya sa bodega, kasama natin."

Kasama namin sa buong pangyayaring ito ang traitor? At paano naman niya nalaman na kasama nga namin? Ayaw kong maniwala agad sa kaniya dahil baka gusto niya lamang kaming sirain ngunit ang ngisi sa mukha ni Slate habang nakatingin kay Fear ay nagpataas ng lahat ng balahibo ko sa buong katawan.

"Slate, don't trust this fucking retard!" sigaw ko sa kaniya dahil ayaw ko nang binabalak niya.

Tinignan niya ako, "At paano kung tama siya, Doe?" ngayon ay seryoso na siya.

Pwedeng tama nga ang matanda ngunit hindi basta-basta ang pumatay! Paano pala kung hindi iyon ang totoong kumukuha? At tsaka paano naman malalaman iyon ng isang baliw na matanda?

"Huwag mong baliwalain ang sinasabi ko, dalaga." Ngumisi siya sa akin, "Huwag kayong mag malinis lahat dito dahil alam na alam ko kung sino ang kumukuha!"

Umingay ang munting bulungan nila. Kailangan ko silang pigilang maniwala sa matandang ito ngunit kahit ako ay naniniwala na. Gusto ko na maniwala pero hindi pwede. Hinigpitan ko ang hawak ko sa kutsilyo habang nakatingin sa matanda.

"D-doe..." nauutal na sambit ni Pine na parang pinipigilan niya ako sa balak kong gawin.

Hindi ba't sinabi niyang narito lamang sa bodega, kasama namin ang kumukuha? Pwede lahat. At pwede rin siya ang patayin ko ngayon, kung iyon ang ikakatahimik naming lahat.

Nilingon ako ng matanda at imbes na matakot siya sa talim ng titig ko ay bigla siyang humalakhak.

"Ano, dalaga? Iniisip mo bang ako iyon?" Lumapit siya sa akin. Kahit gusto kong umatras ay hindi ko magawa. Huminto siya sa harap ko at hinawakan nang mahigpit ang magkabilang pisngi ko.

Bumaon ang matulis at madumi niyang kuko roon ngunit nagmatigas pa rin ako. Namumula ang dalawang mata niya habang nakatingin sa akin. Seryoso iyon at kung may kakayahan iyong pasuin ako ay baka tunaw na ako ngayon sa kinatatayuan ko.

"L-let me go! D-don't fucking t-touch me!" Pilit kong sinisigaw iyon kahit na ipit na ipit na ang pisngi ko.

Nakahinga ako ng maluwag nang bigla niya akong binitawan. Humalakhak siya sa saka tinaas ang kamay kong may hawak na kutsilyo. Hindi ko alam kung bakit pero biglang nanginig ang kamay ko at ramdam na ramdam ko ang takot.

"Umpisahan na natin ang larong ito." Binitawan niya ako at pumunta siya sa gitna namin, "Sino ang unang papatay?"

Walang umimik sa amin. This is fucking insane! Kahit na anong mangyari ay hindi ko pagkakatiwalaan ang isang siraulong matandang ito. Binibilog niya lamang ang utak namin para hindi namin mailigtas ang aming mga kaibigan.

"This is bullshit!" Marahas kong binagsak sa sahig ang hawak kong kutsilyo at humarap sa kanilang lahat, "I fucking trust you all guys, sana ay ganoon din kayo. Magkakasama tayo simula nung una, alam nating wala-"

"Tumahimik ka dalaga!" Pinandilatan niya ako ng mata, "Patayin niyo na ang sa tingin niyo ay traydor!"

Parang naging isang magic ang sigaw niyang iyon dahil agad na tumakbo si Ayson at sinaksak si Fear sa bandang balikat. Umalingawngaw ang malakas na sigaw ni Fear habang iniinda ang sakit ng pagkakasaksak ni Ayson sa kaniya.

Nanginig si Ayson at napaupo kasama si Fear. Tumulo ang luha niya at agad na hinawakan ang dugong mula sa balikat ni Fear. Napahawak ako sa bibig ko dahil hindi ko inaasahan na maniniwala si Ayson.

Umiling si Ayson habang tuloy-tuloy ang bagsak ng luha mula sa mata niya, "I-i'm sorry, Fear... N-nadala lamang ako..."

Hindi ko na rin napigilan ang luha ko habang pinagmamasdan sila. Hindi napuruhan si Fear kaya alam kong makakaligtas pa siya. Dahil dun ay napasigaw ang matanda.

"Paano niyo maiiligtas ang inyong sarili kung ganito kayo kaduwag? Hindi basta basta ang kalaban niyo. Kahit na hindi malaki ang kaniyang katawan o tingin niyo ay hindi niya kayo kakayanin ay kayang kaya kayo 'nun patayin!"

What? Hindi malaki ang katawan at hindi mukhang malakas? Is it a boy or a girl? Shit, ang sabi ko ay hindi ako maniniwala sa kaniya pero bakit hindi ko maiwasan na isipin kung sino ang kumukuhang iyon?

The CampWhere stories live. Discover now