Special Chapter (Part 2)

1.3K 50 25
                                    

Special Chapter (Part 2)

"Huwag kang matakot. Huwag kang matakot, Forbes. Kaya mo ito!" Paulit-ulit na sabi ni Forbes sa kanyang sarili. Tahimik lamang ako habang pilit na inaaninag ang daan namin.

"Parang hindi ko yata kaya, Snow..." nagsimula nanaman siyang umiyak ngunit agad niyang tinakpan ang kanyang bibig para hindi makalikha ng ingay.

"Shhh. It'll be over soon. We can do it," sabi ko.

Hindi ko pwedeng ipakita sa kanya na natatakot ako dahil lalo lamang siyang matatakot. Paano ba namin hahanapin si Silver sa ganito kadilim na lugar? Wala na rin akong narinig mula kila Strike. Paano kung pinatay na sila 'nong siraulong babaeng iyon?

Binilisan ko ang paglalakad habang hawak ko ang kamay ni Forbes. Hinahawi ko ang ilang dahon ng puno na sagabal sa paglalakad namin. Kung sisigaw ako ngayon para marinig ni Silver ay paniguradong maririnig din ng babaeng baliw kaya baka unahan na niya ako at patayin sila Eleven.

"Pagod na ako, Snow." Umiiyak pa rin si Forbes. Hindi ko alam kung saan pa nanggagaling ang mga luha niya dahil mag-iisang oras na yata kaming naglalakad pero punong puno pa rin siya ng luha. "Siguro hanggang dito nalang talaga ang buhay natin. Balikan na natin sila roon at sabay-sabay tayong mamatay,"

Napatigil ako sa paglalakad dahil sa sinabi niya. Gusto kong magalit dahil ang bilis niyang sumuko ngunit hindi ko magawa dahil naiintindihan ko kung bakit ganito siya. Sino pa bang magkakaroon ng pag-asa kapag narito na sa The Camp?

We're fucking trapped here.

Marahas kong pinunasan ang luha sa pisngi ko. Naaninag ko ang isang malaking puno na nakatumba kaya hinila ko roon si Forbes. Hindi magandang magpahinga sa mga oras na ito pero kailangan kong palakasin ang loob niya.

"Forbes, mabubuhay tayo. Iyan ang itatak mo sa utak mo, okay? Matatapos din ito..."

Hindi nakatulong ang sinabi ko dahil lalo pa siyang naiyak. Suminghot ako habang nakatingin sa langit. Ang ganda ng buwan at mga bituin. May mga taong masayang tumitingin sa buwan at butuin sa mga oras na ito kasabay ko. Pero ang pagkakaiba namin ay ako, nanganganib.

"Ako ba ang hanap niyo?"

Agad kaming napatayo ni Forbes nang makita namin si Silver sa aming likuran. May hawak siyang balisong, baril at kung anu-ano pang deadly weapon na ang iba ay nakasabit sa kanyang baiwang.

"We need your help," sabi ko. Tumango naman siya agad na parang sinasabi na alam na niya ang lahat at dapat gawin.

Lumapit siya sa amin at inabot niya sa amin ang isang balisong. Nanginginig ang kamay kong inabot iyon. Ngayon lang ako nakahawak nito at hindi ko alam kung kaya kong gamitin ito ngayon para labanan ang baliw na babae.

"Tamaan niyo sa balikat pero huwag niyong papatayin." Paalala niya sa amin.

Tumango tango kami ni Forbes saka tumakbo pabalik sa kanila. Susunod si Silver sa amin at may kukunin pa raw siyang ibang gamit sa kanyang bahay. Hindi ko alam kung anong nangyari na natandaan ko ang daan. Nakabalik kami agad ni Forbes sa kanila. Nakatayo si Strike ngunit puro pasa ang kanyang mukha. Putok ang labi niya at nakapikit na ang isa niyang mata dahil lumubo iyon. Halos maiyak ako sa nakita ko.

"Strike!" Sigaw ko kaya napatingin siya sa amin. Ngumiti siya kahit na hirap na hirap na siya.

Nalipat sa babae ang tingin ko. Nakangisi siya habang pinapanuod kami. Wala siya kahit ni-isang galos manlang ngunit si Eleven at Strike ay halos mamatay na.

Anong klaseng babae ito? Bakit kaya niyang labanan ang mga lalaki kahit na siya lamang mag-isa at babae pa siya. Bakit binalaan kami ni Silver noon 'nong nakita niya kami?

The CampTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon