Kabanata 3

1.2K 58 30
                                    

Kabanata 3

Hindi Kami

"There were students who didn't take my rules seriously. May mga nahuli akong nag-go-ghost hunting nang hating-gabi."

Pasimula ni Sir Ivan habang nakaupo kami sa damuhan. Nagsimulang umingay dahil sa usapan nila. Umirap na lamang ako. Hanggang ngayon ay wala pa ring Goldie ang nagpapakita, kung wala silang pakielam, edi kami nalang ang gagawa ng paraan para mahanap siya.

"And curiousity kills the cat. Nawawala ang isa nilang kasama..."

"Oh my! Hindi ko pa nakikita si Goldie, baka ang grupo nila Charra ang binabanggit ni Sir?"

Tinignan ko ang nagsabi nun. Nagulat siya saka nag-iwas ng tingin na para bang hindi siya ang nagsabi. Tahimik lamang ang grupo namin habang ang iba ay kung anu-ano ang side comments.

"As far as I'm concerned lahat sila ay may kasalanan sa nangyari." Tinignan kami ni Sir Ivan kaya ang mga mata nila ay nalipat din sa amin.

"Kaya mula ngayon hanggang sa paguwi niyo sa Maynila wala sa inyo ang magpa-participate sa kahit na anong retreat activities and you will all be punished accordingly..."

Nagsimula na sila sa activities habang kami ay naglilinis ng buong gubat, iyon ang punishment namin. Hanggang ngayon ay may tension pa rin sa pagitan ni Flint at Silver. Maingat na nilapitan ako ni Charra at Pine.

"Natatandaan mo pa ba kung saan mo huling nakita si Goldie?" Bulong ni Charra.

Umiling ako, "It was really dark last night. Pero try kaya nating puntahan?"

Tumango si Pine. Humanap kami ng tyempo para sabihin sa mga boys ang plano namin. Nang masabi na namin ay ngumisi si Jet saka nakipag-apir kay Slate. Seryoso lamang si Silver habang si Jet naman ay tumango lang.

"Uunti-untihin natin habang busy sila sa activites..." sabi ni Flint.

Pumunta kami sa tent ng mga boys habang hawak namin ang walis at dustpan. Iyon ang magiging guide namin sa pag-punta kung saan ko huling nakita si Goldie dahil doon kami lahat nagsimula.

"Will there be a ghost for real?" Tanong ni Pine.

Kahit na takot ako sa multo ay alam kong hindi iyon ang kumuha kay Goldie pero hindi ko talaga alam kung ano. Engkanto? Gosh, hindi na ako naniniwala sa mga ganun. Kung tao man, sino? Kami-kami lang ang narito.

"There's no such ghost, Pine." Sagot ni Slate.

Nagkunyare kaming nagwawalis dahil nililingon kami ni Sir Ivan. Simula kagabi ay may naramdaman na akong kakaiba sa kaniya. Para bang kami nalang ang lagi niyang nakikita, kami ang lagi niyang binabantayan.

Tumaas lahat ng balahibo ko nang wala na kaming marinig at makita na mga estudyante. Nilapag namin ang mga hawak namin sa isang puno at nagpatuloy na sa paglalakad. Naghiwa-hiwalay kami ng daan para mas mabilis ang paghahanap namin.

"Kay Doe nalang ako sasama." Ani Flint.

Diretso lang ang daan naming dalawa. Pilit kong inaalala ang mga nakita kong lugar kagabi kaso hindi ko talaga matandaan.

"I don't feel right. Bumalik na tayo, Flint..."

Wala akong makitang iba kundi mga puno lamang. Parang pabalik-balik lang kami ng dinadaanan. Sinabit ko ang kamay ko sa braso ni Flint dahil bumabalik nanaman ang naramdaman ko kagabi.

Tumango si Flint sa balak kong bumalik nalang. Nahihilo na ako dahil pabalik-balik kami. Umigting ang panga ni Flint dahil pakiramdam ko ay nararamdaman niya rin na may kakaiba.

"Flint..." nanginginig ang boses ko habang nililibot ng tingin ang buong lugar.

Dito rin kami dumaan kanina. Umaga pa naman ngayon at may araw pa pero natatakot na ako! Hindi tama ito. Para bang may kumukontrol ng daan namin para bumalik kami.

"The exit is right over there." Matapang na sabi niya.

Nilunok ko lahat ng takot ko at pinigilan na rin ang luha. Hindi ko dapat ipakita kay Flint na natatakot ako dahil kami nalang dalawa ang magkasama. Hindi ko siya pwedeng hilahin ng takot ko.

"Shit."

Nandito nanaman kami! Kahit na anong pilit kong huwag umiyak ay nagsimula nang tumulo ang luha ko. Lumunok ako habang tinitignan si Flint. Inabutan niya ako nang patalim.

"A-anong gagawin ko rito? Tsaka bawal ang ganito, ah?"

"Hindi na mahalaga kung bawal ba iyan o pwede. Lagyan mo ng palatandaan ang punong iyan..."

Bakit ako pa? Baka hindi ko masira nang tuluyan dahil nanginginig ako. Hindi ko sana siya susundin kaso tinignan niya ako ng seryoso kaya wala na akong nagawa.

Sinimulan kong tusuk-tusukin ang puno hanggang sa masira nang kaunti iyon, sapat na para maging palatandaan namin. Mabilis kong binitawan ang kutsilyo saka nilingon si Flint. Agad akong nanginig at bumilis ang tibok nang puso ko.

Wala na sa likod ko si Flint!

Hindi ko alam ang gagawin ko. Kung iiyak ba ako o tatakbo, baka ako na ang susunod na mawawala.

Tumakbo na ako habang sumisigaw. Halos madapa-dapa na ako sa sobrang taranta ko. Hinahanap ko ang mga kaibigan ko ngunit wala akong nakita ni-isa sa kanila.

Naramdaman ko ang pagod nang pagtakbo nang dumilim ang buong paligid. Sinilip ko ang wrist watch ko at nakitang alas singco na nang hapon.

Shit, maghapon akong tumakbo?

Imbes na magpahinga ay tumakbo ako nang mabilis nang makita ko si Charra at Slate. Nadapa ako sa harap nila kaya agad na hinawakan ni Slate ang braso ko para itayo.

"Nakita mo na ba si Goldie?" Tanong ni Charra.

"Hindi! Pero nawawala na rin si Flint!"

Nalaglag ang panga ni Charra habang umigting naman ang panga ni Slate. Seryoso na ngayon ang mukha niya at ibang iba sa Slate kagabi na hindi tumitigil sa mga kapilyuhan.

"Charra!" Sigaw ni Pine na tumatakbo na rin papunta sa amin.

"Where's Jet?" Agad na tanong ko.

Tinuro niya ang likod niya habang habol ang kaniyang hininga, "Hinahanap niya si Silver."

Akala ko ay nawala na rin sila. Ilang minuto lang din ay dumating na sila Silver at Jet. Kinwento ko ang lahat nang nangyari sa amin ni Flint kanina. Seryoso silang nakikinig at parang may tumatakbong plano nanaman sa utak nila.

"Sabihin kaya natin kay Sir Ivan?" Suggest ni Jet.

"No need. Nakita mo ba ang mukha niya kagabi? Wala siyang pakielam sa atin." Sagot ni Silver.

I agree. Baka madagdagan nanaman ang punishment namin kapag sinabi namin kay Sir na nawawala na rin si Flint. Bumalik kami sa camp na parang walang nangyari. Nakayuko ako habang kinukurot ang likod ng palad ko.

"Nawawala si Candy!"

Gulat na nag-angat ako ng tingin. Si Candy iyong kanina pa side comment nang side comment habang pinapagalitan kami ni Sir Ivan. Lumapit kami sa kanila.

"Paano nawala?" Tanong ni Charra.

"May activity kasi kanina na kailangan naming tumakbo para kunin ang flag. Hindi na siya bumalik hanggang ngayon..."

Shit. Akala ko ay kami lang ang punterya nang kung sino mang kumukuha ng estudyante. Ngayon, alam kong hindi na iyon multo. Hindi na iyon dahil lamang sa ginawa namin kagabi. Hindi kami ang problema.

Ang camping na ito mismo ang problema!

The CampWhere stories live. Discover now