Kabanata 4

1.2K 56 22
                                    

Kabanata 4

Salot

Habang naguusap kaming lahat ay biglang dumating ang isang matandang babae na may hawak na itak. Itinutok niya sa akin iyon at akmang tatakbo papunta sa pwesto ko pero agad na niyakap ni Silver sa baiwang ang matandang babae para pigilan.

"Oh my gosh!" Sigaw naming lahat.

Nanginginig na ako sa takot lalo na't masama pa rin ang tingin sa akin ng matandang babae. Gulo-gulo ang buhok niya at may kaunting dumi ang kaniyang ngipin. Mahaba at kulot ang buhok niyang may kaunting puti na dahil sa katandaan.

"Patayin niyo ang babaeng iyan! Patayin niyo!"

Hinila ako ni Charra at Jet para itago sa matandang babae. Pumunta kami sa isang bahay na parang matagal nang walang naninirahan.

"Just stay here, Doe, okay?" Mahinahon na sabi sa akin ni Jet.

Paulit-ulit akong tumango, hindi makasalita dahil sa takot. Lumabas silang dalawa ni Charra. Tumayo ako para sumilip sa bintana. Nakita kong papunta si Sir Ivan sa gawi ko. Tatawagin ko sana siya ngunit nagulat ako nang luminga-linga siya sa paligid at mukhang may hinahanap.

Sinarado ko nang kaunti ang bintana para hindi niya ako makita. Nakita ko kung paano tumaas ang isang sulok ng labi niya habang nakatingin sa lumang bahay, kung saan ako nagtatago.

Sinarado ang bintana at naghanap nang pwedeng taguan. Hindi ko gusto ang tingin ni Sir Ivan kanina, imbes na humingi ako ng tulong sa kaniya ay parang gusto kong magtago sa kaniya.

Kumalabog ang pinto kaya napatalon ako sa gulat. Hinawakan ko ang bibig ko para hindi makagawa ng kahit na anong ingay. Nagtago ako sa ilalim nang lumang kama, kahit na maraming alikabok ay wala akong pakielam.

"Open this door!"

Umiling-iling ako habang nanginginig na sa takot. Nasaan na ba sina Silver? Pumikit ako at naghintay nalang nang kung anong mangyayari sa akin.

Tanging ilaw mula sa buwan ang naging gabay ko para makita ang mga paligid. Kumakalam na rin ang sikmura ko ngunit hindi iyon ang mahalaga ngayon.

Umupo ako nang maayos sa ilalim ng kama nang marinig ko na sinusubukang buksan ang pinto ng bahay. Halos lumabas sa dibdib ko ang puso ko habang naghihintay nang pwedeng mangyari sa akin.

"Sir Ivan!"

Nakahinga ako nang maluwag nang marinig ko ang boses ni Silver. Umingay ang paligid at alam kong narito na silang lahat. Lumabas ako sa ilalim nang kama saka binuksan ang pintuan.

"Doe!" Niyakap ako ni Pine.

"Sir, hindi ka pa rin ba maniniwala sa amin? May kakaiba talaga sa gubat na ito!" Sigaw ni Charra.

"Uuwi na kami, Sir!"

Gusto ko na ring umuwi ngunit ayaw kong umuwi nang hindi kasama si Goldie at Flint. Nararamdaman kong buhay pa sila kaya habang narito ako, hahanapin ko pa rin sila.

Hindi sumagot si Sir saka tumingin sa akin, "Aalis lang ako."

Ganiyan siya lagi! Walang pakielam sa amin. Kunti nalang iisipin kong isa siya sa may kasalanan kung bakit nawawala ang mga kasama namin.

Pumasok silang lahat sa loob nang bahay. Inalis ni Pine ang mga alikabok na dumikit sa katawan ko. Tinignan ako ni Slate at Silver.

"Are you okay?" Tanong ni Slate.

Tumango ako, "Nasaan na 'yung matanda?"

"Kinuha na siya 'nung anak niya. May sakit daw talaga iyon sa utak kaya humingi ng pasensiya."

The CampTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon