Kabanata 9

998 51 25
                                    

Kabanata 9

Hindi Iiwan

Nagsimula na kaming lahat sa paglalakad. Sinubukan ni Pine na hawakan ang kamay ko ngunit lagi ko iyong iniiwasan.

Ayaw ko pa naman sa lahat, eh iyong mga katulad niya. Nasa kalagitnaan kami ng gubat na walang katao-tao, nagsisi-walaan ang mga kaibigan namin at hindi namin alam kung nasaan, tapos ay nagawa pa niyang lumandi?

"Walang aalis sa pwesto, okay?" Paalala ko habang naglalakad kami.

Hindi ako naniwala sa multo kahit na takot ako. Malakas ang pakiramdam kong tao lang din ang may gawa ng mga ito, alam kong kasama namin siya rito sa camping na ito.

"I-im scared..." narinig kong sabi ni Pine.

Nanginginig ang kaniyang boses at kahit na hindi ko siya linungin ay alam kong nanginginig ang buo niyang katawan. Gusto ko siyang puntahan at yakapin ngunit ang galit sa puso ko ay hindi mawala-wala.

"There's no need to be afraid when you're with me..." bulong ni Silver.

Lahat ng dugo sa katawan ko ay umakyat papunta sa ulo ko, dahilan kung bakit lalong nabuhay ang galit ko. Tumigil ako sa paglalakad at dahil nasa unahan nila ako ay natigil din sila. Nilingon ko ang likod ko para lang makita si Pine at Silver.

I laughed with no humor nang makita ko sila. Nasa likod ni Pine si Silver at pinapatahan niya ito. Kinuyom ko ang aking palad na halos maramdaman ko pa ang mahaba kong kuko na dumiin sa palad ko.

"What's wrong, Doe? Tara na." Tinapik pa ni Slate ang balikat ko.

Nang mapansin ni Pine na nakatingin ako sa kanila ay agad siyang bumitaw kay Silver. Pinunasan niya ang kaniyang luha ngunit hindi iyon natatapos.

"Ganyan nalang ba ang lagi mong gagawin dito, Pine? Ang umiyak!" Kunot noo kong sabi sa inis.

Natahimik ang mga kasama namin at nagtatakang nakikinig. Hinawakan ni Slate ang braso ko. Hindi ko na nagawang pumiglas dahil pakiramdam ko ang kumukulo ako ngayon at baka hindi ko mapigilan ang sarili ko.

"Anong masama sa pag-iyak?" Tumaas ang isang kilay ni Silver.

Hindi ko siya pinansin at patuloy pa rin ang matalim kong titig kay Pine. Yumuko siya saka nilagay ang dalawang kamay sa kaniyang mukha. Napatawa ako ng sarcastic.

What a drama queen!

Namaywang ako, "If you think crying will help you get your way, then you're wrong!"

May sasabihin pa sana siya ngunit mabilis ko siyang tinalikuran at nagsimula ng maglakad. Hindi ko alam kung ilang oras na kaming paikot-ikot sa masukal na gubat na ito ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring nangyayari.

"Maggagabi na..." rinig kong sabi ni Ayson.

Kasalanan nila iyan! Ang gusto ko kanina, maaga kami umalis para hindi abutin ng gabi. Pero ang arte nila, kaya ayan! Bahala na sila!

Sa kalagitnaan ng paglalakad namin ay nakarinig kami ng ingay. Napatigil kami sa paglalakad. Ang iba ay umiiyak na sa sobrang takot. Sinubukan kong pakinggan ng mabuti kung saan nagmumula ang ingay.

"Guys, iyak yata ni Candy ang naririnig ko." Sabi ni Ayson.

Kaya lalong kumunot ang noo ko. Baka sa pagkakataong ito ay mahanap na namin sila. Umalingawngaw ang ingay na hindi malaman kung tumatawa o umiiyak sila.

"Shit, what's that?" Inis na tanong ko.

Hinawakan ko ng mabuti ang kahoy na kinuha ko kanina. Nilagay ko sa aking harapan ang bag na dala ko saka pumikit at nagbaka sakaling malaman ko kung nasaan nanggagaling ang mga ingay na iyon.

Pumikit lamang ako at nag-concentrate. Kumukunot ang noo ko dahil hindi ko minsan naririnig ang iba. Nanggagaling ang ingay sa left ear ko ngunit minsan ay meron din sa right ear.

Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang may magaspang na kamay ang humawak sa braso ko. Nagdilat ako ng mata at nakitang nasa malayo na ang mga kasama ko at ako na lamang ang natitira sa kinatatayuan ko.

"Shit!" Mura ko nang makita kong ang matandang babae ang nakahawak sa braso ko.

Nanginig ang buong katawan ko at hindi ko alam kung ano ang aking gagawin. Ngumisi siya sa akin kaya kitang kita ko ang madumi niyang ngipin. Napalunok ako at sinubukang tanggalin ang kamay niya.

"Help me!" Sigaw ko hanggang sa maramdaman kong nanakit ang lalamunan ko.

Namuo ang luha sa aking mata sa sobrang takot. Nilingon ko ang mga kasama ko at nakita kong gustong tumakbo ni Pine papunta sa akin ngunit pinipigilan siya ni Silver.

"Pine, huwag kang lalapit dito!" Sigaw ko para pigilan siya.

"Tutulungan kita, Doe! Let me go, Silver!" Sigaw niya.

Doon na tumulo ang luha sa mata ko. Despite of all ng ginawa ko sa kaniya ngayong araw ay willing pa rin siyang tulungan ako kahit na ang kapalit ay mapahamak siya.

"Ako nalang!" Sigaw ni Silver sa isang matigas at malalim na boses.

"Huwag kayong lalapit kung hindi, mamamatay siya sa kamay ko!" Sigaw ng matandang babae.

Naramdaman kong dumiin ang hawak niya sa braso ko kaya bumaon ang mahaba at madumi niyang kuko roon. Napapikit ako at ininda ang sakit.

Ito na yata ang katapusan ko! Kung hanggang dito nalang ako, sana naman ay maging maayos na ang mga kasama ko. Sana ay mahanap sila.

Imbes na takot ang maramdaman ko ay mas nangibabaw ang kagustuhan kong mahanap ang mga kaibigan namin. Humagulgol ako nang buo na ang desisyon ko.

"Iwan niyo na ako rito..." mahinang sabi ko na maging ako ay halos hindi ko na marinig.

"Hinding hindi kita iiwan, Doe! Magsasama tayo hanggang sa kamatayan!" Sigaw ni Pine.

Hindi ako pwedeng makaalis sa kamay ng matandang babae na ito nang walang napapahamak. Kung hindi ako ay baka sila kaya mas gugustuhin kong, ako nalang.

"Don't be hard headed, Pine! It's for your own good. Iwan mo na ako! Hindi ako mabuting kaibigan." Sigaw ko habang nakapikit.

Naramdaman ko ang malagkit at basang tumulo sa braso ko at doon palang ay alam ko nang bumaon na ang kuko ng matandang babae doon. Kinagat ko ang labi ko sa hapdi.

"Doe, hindi! Hindi ka namin iiwan!" Sigaw ni Pine.

Pagkatapos 'nun ay narinig ko rin ang iba na sinabi ang ganoong word. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa mga oras na iyon. Kung matutuwa ba ako, maaawa sa sarili ko o magagalit sa kanila.

Ang malamang hindi nila ako iiwan ay napakagandang pakiramdam ngunit kasama niyon ay pangamba.

The CampWhere stories live. Discover now