Kabanata 6

1.1K 50 39
                                    

Kabanata 6

Traitor

"Calm your tits, Doe! Remember, may sira sa ulo ang matandang iyan." Inis na sabi sa akin ni Silver.

Natulala ako dahil sa sinabi niya. Parang umurong ang dila ko na kanina lang ay gustong gustong magsalita. Napatingin ako sa mata niyang malumanay kaso mas halata ang pagiging dark at smokey nito. Tumingin siya sa gilid at nakita ko ang perpektong hugis nang panga niya. Natural na rin na magulo ang kaniyang buhok dahil medyo kulot iyon at kulay brown. Kuminang ang diamond earing niya sa kanang tainga nang kumidlat.

"Anong gagawin natin? Hintayin na mawala tayo isa-isa?" Kunot noong sabi ko.

"Stop fighting guys!" Inis na sambit ni Slate habang sumisilip sa bintana.

"What I'm trying to say is, hahanapin lang natin si Sir! Medyo kahina-hinala siya simula nang makarating tayo dito..." kalmadong sabi ko.

Hindi sumagot si Silver. Tulala siya sa kawalan habang hawak ang kaniyang labi. Hindi ko alam kung nagiisip ba siya o ayaw niyang pakinggan ang sinasabi ko.

"Doe's right! Dapat kasama natin siya dito, pero nasaan siya? Ni ayaw niya nga tayong pakinggan nung nagsumbong tayo!" Sabi ni Pine.

Napatingin sa kaniya si Silver saka bumuntong hininga. Ayaw niya kasing sabihin kung ano ang plano niya, kaya kapag nagsusuggest kami ay ayaw niyang pakinggan.

"Alright! Alright! Bukas nang maaga..."

"Mabuti sana kung sikatan pa tayo nang araw..." bulong ni Jet at since tahimik ang paligid ay narinig namin iyon.

Umingay ang iba dahil sa takot. Natakot sila sa sinabi ni Jet na baka hindi na kami masikatan pa nang araw. At sino ang papatay sa amin? Iyong matanda? I don't think kaya niyang pumatay. Nakita ko ang takot sa mga mata niya kanina.

Tao lang din siya.

"What if may mawala nanaman?" Takot na sabi ni Ayson, isa sa campus crush.

"Don't think negatively, okay?" Inis na sabi ni Charra.

Kung kami ay nagpapakatapang, sila naman ay walang ginawa kundi matakot. Hindi ko na yata kakayanin kapag may nawala pa sa mga kaibagan ko. I won't let that happen.

This time, lalaban na ako.

Hindi na muling nanggulo ang matanda ngunit hindi pa kami lumabas dahil madilim pa at wala kaming ilaw. Humina na rin ang ulan at tanging ambon na lamang iyon.

"I'm hungry..." rinig kong sabi nila.

Nagugutom na rin ako. Lahat nang gamit namin ay nasa tent, kung makaalis kami dito bukas ay siguro kakainin ko lahat nang pagkain na dala ko.

"One... two... three..."

Kumunot ang noo ko at nilingon si Slate nang marinig ko siyang nagbibilang. Nakatingin pa rin siya sa bintana. Nakahilig sa akin si Pine at sa tingin ko ay tulog na siya. Ang iba rin naman ay tulog na.

"What's with the number, Slate?" Bulong na tanong ko sa kaniya.

Nilingon niya ako saka sinarado ang bintana, "Masama magbilang?" Ngising sabi niya.

Inirapan ko na lamang siya. Kahit nasa ganitong sitwasyon kami ay lutang pa rin ang pagiging pilyo nila ni Jet. Tahimik lang si Silver na nasa tabi ko.

"Do you have some cigarette, Jet? Nadala mo ba?" Rinig kong sabi ni Slate.

Ayaw ko mang makinig sa usapan nila ay hindi ko magawa. Nilingon ko sila. Nakahilig si Jet sa kaniya para hindi marinig ang usapan nilang dalawa. Umirap ako dahil rinig na rinig ko at alam ko rinig din ni Silver.

"Oo. It's in my pocket. May lighter ka ba?" Sarkastikong tanong naman ni Jet.

Nagulat ako nang kalabitin ni Slate ang lighter at umilaw nang kaunti ang lugar nila. Nilabas ni Jet ang sigarilyo sa kaniyang bulsa at sabay nila iyong sinindihan. At ang usok ay nakulong dito sa amin kaya nalalanghap ko. Great!

"Ang sakit sa ilong! Stop it, Jet and Slate!" Inis na sabi ko habang nakatakip ang ilong.

"It's alright, Doe. Masyado lang stress ngayon at hayaan mo na kami."

Kung saan galing ang sigarilyo ay hindi ko alam. Hinayaan ko nalang sila at hinintay na makita ang araw. Humilig ako sa aking tuhod habang mabibigat ang aking matang nakatingin sa bintana kahit na nakasarado iyon.

"Anong oras na?" Tanong ni Charra na kagigising lang.

Sabay na tumingin si Jet at Slate sa kanilang wrist watch.

"Alas dos!" Bulalas ni Jet.

Ilang oras nalang. Ilang oras nalang ay makakalabas na rin kami at wala akong sasayangin na oras mamaya. Hahanapin ko kung sino ang traydor sa amin, kung nasaan ang mga kaibigan namin at kung ano ang kukunin niya sa amin.

Halos maiyak si Pine at ang iba naming kasama nang makitang sumisilip na ang araw. Binuksan nila Stick ang bintana para pumasok ang ilaw sa loob namin.

"Finally!" Bulong ni Charra habang nakangiti at may kaunting luha ang kaniyang mata.

Nagsimula kaming mag-ayos nang sarili para makaalis na sa lumang bahay na iyon. Binilang nila kami kung kumpleto pa.

"Gema is missing..." malungkot na sabi nang kaibigan niya.

"Don't worry, guys! Gagawa ako nang paraan ngayon..." sabi ko.

Hindi man namin alam kung paano bumalik ay nagsama-sama pa rin kami. Nagtatalo ang ilan dahil gusto na raw nila umuwi.

"Sige ganito, ang gustong magstay, magstay! Ang uuwi, umuwi!" Inis na sabi ni Charra.

Basta ako, mananatili ako rito hanggang sa makita ko na ang mga kaibigan ko. Nagusap usap sila kung sino ang mga aalis at maiiwan. Halos wala nang matira sa amin dahil lahat sila ay gusto nang umalis.

"Rai, aalis ka? How bout Candy and Gema?" Inis na tanong ni Ayson.

"I don't think I can survive here, Ayson. I'm sorry..."

Umirap ako sa kanila. Nang sa wakas ay makita na namin ang mga tent ay dumiretso ako sa amin para kumuha nang chips. Umupo ako sa isang nakatumbang puno at doon kumain.

"Eat rice, Doe! Kaya ang payat mo, eh..."

Natigilan ako nang tumabi sa akin si Silver. May towel sa kaniyang balikat habang nakangisi sa akin.

"You want?" Abot ko sa kaniya.

Umiling siya, "Magsho-shower na rin ako maya-maya..."

Tahimik lamang kami. Naligo na si Pine at Charra at since marami kami, mamaya nalang ako maliligo. Nilingon ko si Silver na nakatulala sa kawalan.

"Who do you think is the traitor?" Biglang tanong niya.

"S-sabi mo huwag muna magconclude..."

Nilingon niya ako saka ngumisi na parang manghang mangha. Ngayon alam ko na kung bakit maraming nagkakagusto sa kanila. Almost perfect.

"Oh ngayon, pwede na. Sino sa tingin mo?"

"I think-"

"Sir Ivan!"

Nagulat ako nang magsigawan silang lahat kaya nilingon ko sila. Agad kong napansin ang kutsilyong hawak niya habang masama ang tingin sa akin. Nang lapitan siya nang mga estudyante ay palihim niya iyong tinago.

______

I know this story is sooo disappointing huhu I'm not good at Mystery/Thiller genre but excited na ako kapag nalaman niyo kung sino ang kumukuha at ang ending.

Sinong hula niyo?

The CampWhere stories live. Discover now