CHAPTER 1

2.1M 37.4K 11K
                                    

CHAPTER 1

"TOTOO ang nasagap nating balita, Macezequeen. Nuong nagdaang araw ang kasal, wala na akong balita maliban sa totoo nga na ikakasal na siya. Wala na ako sa Sicily ngayon kaya hindi ko na alam kung natuloy ang kasal pero napaka-imposible naman kung hindi," imporma sa kaniya ni Gethca ng tawagan niya ito ng tanungin kung ano na ang nangyayari sa pamilyang pinagtataguan niya.

"Ganoon ba?" Nararamdaman niya ang paninikip ng dibdib pero pinagwalang-bahala niya 'yon. "Mabuti naman."

"After today, no more running," ani Gethca. "Puwede ka nang bumalik sa bansang gusto mo. Puwede ka nang mamuhay ng payapa na hindi tumitingin kung may nakasunod ba o wala."

Kumuyom ang kamao niya ng maramdaman niyang parang may sumasakal sa puso niya sa isiping totoo ang nabalitaan niya.

He was married. After five years, he did find his princess.

Mapait siyang napangiti.

After five years, her heart still ached.

"Macezequeen, nandiyan ka pa ba?" Pukaw sa kaniya ng kaibigan.

"Oo." Tumikhim siya. "Salamat, Gethca. I'll call you as soon as the plane landed." Pagkasabi no'n ay pinatay niya ang tawag at napatitig sa labas ng bintana ng bahay na tinitirhan niya.

She felt the ache in her heart but discarded it immediately. Walang magandang mangyayari sa kaniya kung paiiralin niya ang puso niya, kailangan niyang gamitin ang utak niya, kailangan niyang maging praktikal, kailangan niyang maging matalino. Hindi puwedeng lalampa-lampa siya. May buhay na nakasalalay sa mga kamay niya, hindi lang ang sa kaniya.

Oo nga at alam ng pamilyang yon na nawawala siya pero hindi naman ang mga ito tumigil na hanapin siya at sundan ang mga bakas na hindi niya sinasadyang iwan. There were times when that family came close to finding her but always got away. The family didn't give up until three years ago, when Princess Rhoana Elyzabeth Dadaria Stavros Montero came into the picture.

Dahil kay Princess Rhoana, nagkaroon ng kapayapaan ang buhay niya. Tumigil na ang pamilya sa kahahanap sa kaniya at kahit papaano ay napanatag siya pero hindi iyon naging sapat para tumigil siya sa pagpapalipat-lipat ng bansa para masiguro ang kaligtasan nila. At ngayon nga na kasal na ang isang anak ni Rinaldi Ivanov, matutuldukan na ang pagtatago niya.

Humugot siya ng malalim na hininga saka naglakad papasok sa isa sa dalawang kuwarto ng simpleng bahay na nire-rentahan niya.

"Ace," tawag niya sa pangalan ng anak niya na abala sa pagbabasa ng libro. "Paquete de tus cosas, bebé." Pack your things, baby.

Magkasalubong ang kilay na humarap sa kaniya si Ace. "¿por qué, mamá?" Why, mama?

"Ngayon na ang flight natin, diba sinabihan na kita kagabi?" Inilalabas niya ang isang maliit na maleta at inilapag iyon sa ibabaw ng kama nito. "Sige na, anak, tulungan mo ako sa mga gamit mo."

Kaagad na itinabi ni Ace ang hawak nitong libro saka tinulungan siyang mag-impake.

Napangiti siya habang pinagmamasdan ang anak niyang abala sa paglalagay ng damit sa maleta. Lumamlam ang mga mata niya habang nakamasid kay Ace. Sa malapit na limang taong nakalipas, walang naging normal na kabataan ang anak niya. Ace's childhood was filled with country hopping, running, escaping and staying in different houses in different countries.

They had no home and she was sorry for that, but it was better this way. Ayaw niyang masira ang buhay ng anak niya sa pamilyang 'yon. Ayaw niyang pati anak niya madamay sa kasamaan ng pamilyang 'yon.

She would die first before it happens.

"Saan tayo pupunta, mama?" Tanong sa kaniya ni Ace ng matapos itong mag-impake.

POSSESSIVE 16: Titus MorganWhere stories live. Discover now