EPILOGUE

2.4M 63.3K 20.6K
                                    

A/N: I want to thank Mace for letting me use her name in this story. Matagal ko na itong pangako sayo pero ngayon lang natupad. Magdadalawang taon na rin pala. Lol. I hope you ar doing well and really hoping to see you soon. Thank you so much and i hope you enjoy reading this story 😘

EPILOGUE

One year later...

HINDI MAKAPANIWALANG napatitig si Titus kay Mauricio na nasa harapan nito. Halata na hindi sang-ayon ang asawa niya sa pinagpaalam ni Mauricio.

"Ang tatanda niyo na, may kasal pa kayong nalalaman?" Tanong ng asawa niya na halata ang disguto sa mukha.

Mauricio smiled not caring if Titus looks mad. "Titus, age is just a number. At isa pa, ano naman ang masama kung gusto naming makasal ng Mama mo? Isang taon na rin ang nakakaraan, gusto ko'ng legal na maging asa si Ria. Kaya nga hinihingi ko ang blessing mo kasi ikaw ang pinakamahalagang tao sa kaniya at gusto kong maayos ang lahat."

Umingos si Titus, "why do you have to marry my mom?"

"Because i love her."

Tiningnan ni Titus si Mauricio sa masama. "No, i will not give you my blessing."

Humihingi ng tulong na bumaling sa kaniya si Mauricio.

"And no, my wife will not help you to soften me." Pagalit na sabi ni Titus na ikinailing nalang ni Mace.

Itong asawa niya talaga, isang taon na mula ng malaman nila ang tunay na relasyon ni Mauricio at ng ina nito pero hindi pa rin nito makausap si Mauricio ng matino at hindi pagalit.

Nasa sala sila ng condo ni Titus dahil mamaya pa ang alis nila para lumipat sa bago nilang bahay, at nagpapasalamat siya na nandoon si Mama Ria at si Ace sa ibaba, tumutulong sa pagtsi-check ng gamit na dadalhin nila mamaya, kung lahat ba ay nasa truck na.

Kaya nandito si Mama Ria at Mauricio dahil tinutulungan silang mag-ayos ng gamit para sa paglipat nila. Tiyak na hindi gugustuhin ni Mama Ria na inaaway na naman ni Titus si Mauricio.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa sofa saka lumapit kay Titus na nakatayo at nakapameywang.

"Cara mia," may babala sa boses nito, "huwag mo siyang papanigan. Ako ang asawa mo kaya dapat sakin ka nakapanig."

Matamis niya itong nginitian, "Caro..." Niyakap niya ito sa balikat saka hinalikan sa pisngi at hinaplos ang braso nito, "hayaan mo ng maging masaya si Mama. She deserve this. And Mauricio is a good man for her. Hayaan mo na sila. Please?"

Hindi maipinta ang mukhang bumaling sa kaniya si Titus. "But cara mia..."

She kissed his lips, "just give them your blessing. Baka nakakalimutan mo, tinulungan tayo ni Mauricio para matahimik ang buhay natin."

Malakas na bumuntong hininga si Titus saka bumaling kay Mauricio, "speaking of which, kumusta na pala yong pinasuyo ko sayo at kay Nate? Escarial is really starting to piss me off."

Kaagad na naging pormal ang boses ni Mauricio, "Escarial and some of Emmanuel's men had been taken off and was properly disposed by Nate. At tulad ng gusto mo, naayos na namin ni Atty. Esposito ang lahat ng pinapaayos mo. Hinati-hati namin ang lahat ng kayamanan ni Rinaldi Ivanov at pinamigay namin sa mga orphanage at charity na mas nangangailangan ng pera. 'Yong bahay sa Sicily, pinagiba na at under construction na siya para gawing Hospital."

"And Rinaldi's relatives?"

"Wala naman na silang magagawa at alam mo namang nasa panig natin si Atty. Esposito. Some of Rinaldi's relatives questioned his cause of death, buti nalang maayos ang nabayaran nating mga tao at pinatibay pa 'yon ni Atty. Esposito. Aksidente lang naman kasi talaga ang lahat." Mahiwagang ngumiti si Mauricio, "at saka, mananahimik na sila ngayon, lalo na't binisita yata sila ni Nate ng hating-gabi nuong nandoon kami sa Sicily three months ago."

POSSESSIVE 16: Titus MorganWhere stories live. Discover now