CHAPTER 8

1.9M 34.3K 8.2K
                                    

CHAPTER 8

"SO, SHE Called that mother fucker." Nakatiim-bagang sa galit si Titus habang nakatitig sa history ng calls ng cellphone niya. "And here I thought she'll be true to me this time." Mahigpit na kumuyom ang kamao niya. "And that mother fucker actually has the guts to take her away from me? Bad move, my friend, bad move."

Nagtatagis pa rin ang bagang ni Titus dahil sa pagkuha ni Pierce kay Mace ng magsalita si Nate.

"Morgan, I need back up. Emmanuel's house is heavily guarded. I can't get in if I'm alone and-- Teka, naiintindihan mo ba ako? Naririnig mo ba ang pinagsasasabi ko rito? Kanina pa ako salita ng salita pero parang pasok sa isang tainga at labas sa isa ang ginagawa mo--"

Napatigil ito sa pagsasalita ng bigla siyang tumayo mula sa pagkakaupo sa recliner sa top deck. "I have to go."

Namilog ang mata ni Nate at napuno iyon ng pagtataka. "Morgan, ano ba, wala na tayong oras. Baka mahanap na nila Emmanuel ang prinsesa—"

"I have to see Mace." Ibinulsa niya ang cellphone at parang wala sa sariling nagsalita. "I have to have her again--"

"Morgan!" Sigaw sa kaniya ni Nate na ikinabaling niya rito.

"What?" He asked, confused

Hindi makapaniwalang napatitig sa kaniya si Nate. "Nakikinig ka ba sakin?"

"What?" Ulit niya habang ang utak niya ay abala sa pagpa-plano kung paano makukuha ulit si Mace.

Hindi makapaniwalang napailing si Nate bago nagsalita ulit. "Ang sabi ko, kailangan ko ng tulong mo para pasukin ang tinitirhan ngayon ni Emmanuel."

Kumunot ang nuo niya. "Maghanap ka ng ibang tutulong sayo. May gagawin pa ako--"

"What the fuck, man?" Nate looked at him like he had lost his mind. Maybe he did. "Ano ba ang nangyayari sayo, ha? Before we left Sicily, we have a goal and a plan. Naka-set na lahat. Naka-plano na. Tapos ngayon, ano 'to? Is this because of that woman? Is this because of her?"

Natigilan siya at hindi nakapagsalita.

Malakas na napalatak si Nate saka hindi makapaniwalang napailing at napatitig sa kaniya. "Really, bud? That woman?" He clicked his tongue in irritation. "Titus, ipapaalala ko lang sayo kung bakit kita tinutulungan, dahil gusto kong makaganti. At ipapaalala ko rin sayo kung bakit hindi mo puwedeng bigyang halaga ang babaeng 'yon. She's nothing, okay? She's a hoe and what happen to bros before hoe--"

Biglang nagdilim ang paningin niya sa sinabi ni Nate. Mabilis at malakas na tumama ang kamao niya sa mukha ni Nate. "Bawiin mo ang sinabi mo! She's not a hoe, you fucker! She's not a hoe!" Hindi patakbuhing babae si Mace. Hindi! "Take it back, Nate! Take it back!"

Ilang suntok pa ang tumama sa mukha ni Nate bago nito nasalag ang iba pa niyang suntok at tinulak siya palayo rito.

Nate spat the blood in his mouth, then he looked at Titus. Then he started laughing. "Bud, you have to reign that monster inside of you. Reserve that for your fucking father." Dumura ulit ng dugo saka tumingin sa mga mata niya. "And fine, she's not a hoe, but still. You have to remember your plan, man. Marry the princess remember? Free your mom, the wealth, take revenge. That woman is not gonna help you. May plano tayo, alalahanin mo 'yon."

Malalim siyang napabuntong hininga. "Sorry for... punching you." Alam naman niya ang mga sinasabi nito pero gusto pa rin niyang makita ang dalaga.

Titus knew that he was being irrational.

"Yeah, yeah, whatever." Minasahe nito ang panga saka tumingin sa kaniya. "Now, let's go. We need to infiltrate Emmanuel's house--"

"Puwede bang ikaw nalang?"

POSSESSIVE 16: Titus MorganWhere stories live. Discover now