CHAPTER 13

1.4M 35.8K 10.6K
                                    

Happy Birthday, ErickaDawnMar.

CHAPTER 13

TITUS WAS INSTANTLY ON GUARD when the door to Mace's hospital room opened. Pero kaagad din siyang kumalma ng makitang si Nate ang pumasok. Habang nasa E.R. kanina si Mace, tumawag ito para alamin kung nasaan siya na mabilis niyang sinagot at pinatayan ito ng tawag.

He was still in shock at everything that happened for the past couple of hours.

"Hey, bud," bati ni Nate sa kaniya ng makapasok. "Iniwan ko ang mga tauhan mo sa labas ng hospital para magbantay," anito habang naglalakad palapit sa kaniya. "I already cleaned up your mess. Buti nalang madaling patahimikin ng pera ang mga taong nakakita sa ginawa mo. Mabuti namang hindi maraming tao ang nakakita sayo. I already tampered their CCTV's and everything that could point their deaths to you."

"And the bodies?"

"They have been properly disposed."

Tumango siya. "How about Escarial?"

"He escaped." Nate clicked his tongue. "What is he doing there anyway?"

Napatitig siya kay Mace bago sumagot. "Hindi ko alam, basta nakita ko nalang silang pinapalibotan si Mace. They hurt her. The doctor said someone punched her three times in the stomach causing it to swell." He ran his finger through his hair. "Ang gusto kong malaman ngayon ay kung bakit siya sinaktan nila Escarial? May atraso ba siya sa kay Emmanuel? Hindi naman gumagalaw yang tuta ni Emmanuel kapag walang utos ng boss niya e. I want to know why." He looked up at Nate. "Ba-imbestigahan mo 'yon."

"Sige, pero baka mga next week na 'yon. Mga abala din ngayon ang mga imbestigador natin sa paghahanap sa prinsesa na 'yon."

"No." Nagtagis ang bagang niya. "This is top priority--"

"Morgan, you're not thinking right again."

"Just do what I say, Nate," aniya saka bumuga ng marahas ng hininga. "I need to know why."

Malakas na napabuntong-hinga ang kausap. "Fine. Papa-imbestigahan ko na kaagad," sagot ni Nate saka napatitig sa batang nakaupo sa gilid ng kama na kinahihigaan ni Mace, hawak nito ang kamay ng dalaga.

Mula sa kinauupuan nila, naririnig nila ang pabulong na panalangin ng bata.

"Por favor, de despertador, mamá." Please, wake up, Mama, ani ng bata sa lengguwaheng espanyol. Kapagkuwan ay ibang lengguwahe na naman ang lumabas sa bibig nito. "Per favore, sveglia, Mama." Please, wake up, mama. He was speaking in Italian! And then he spoke a langguage again that Titus didn't even understand. "S'il vous plait, réveillez-vous, mama."

"Damn, it's my first time meeting a kid in his age who can speak Italian, Spanish and French. A multilingual." Nate both looked stunned and in awe. "Who's that kid?"

Bumukas ang labi niya pero wala namang lumabas sa bibig niya. Hindi niya rin kasi alam ang isasagot niya. He was waiting for Mace to wake up and explain everything to him. Hanggang ngayon, hindi pa rin niya alam kung ano ang dapat na paniwalaan.

"He's—ahm—he's Mace's son." Yon nalang ang tanging sinabi niya.

Tumaas ang dalawang kilay ni Nate. "Your cara mia?"

Kumuyom ang kamao niya at tumiim ang bagang niya. "Yes...my cara mia."

"Damn," mahinang sambit ni Nate. "So, may anak na pala siya? Nakakagulat. Sa'yo ba?"

Huminga siya ng malalim at tinitigan ang bata. "Sana," aniya. "Dahil hindi ko alam ang gagawin ko kapag ibang lalaki ang ama ng batang 'yan. Imagine my surprised when he called me papa, Nate," aniya habang nagtatagis pa rin ang bagang saka natigilan ng makitang umalis ang bata—na hanggang ngayon ay hindi pa niya alam ang pangalan—sa kama saka naglakad palapit sa kaniya at hinawakan ang bisig niya para tingnan ang orasang pambisig niya.

POSSESSIVE 16: Titus MorganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon