CHAPTER 22

1.3M 31.7K 6.8K
                                    

CHAPTER 22

MAGKAHAWAK ANG DALAWANG KAMAY ni Mace habang naglalakad siya palapit kay Nate. Nakatayo ito sa tabi ng swimming pool at halatang malalim ang iniisip nito. Nang tumabi siya ng tayo rito, sinulyapan siya nito at ibinalik din ang tingin sa swimming pool.

"Puwede ba kitang makausap?" Mahina ang boses niyang tanong. "Sandali lang."

"Anong kailangan mo," Tanong ni Nate sa kaniya saka puno ng sarkasmo ang mukhang bumaling sa kaniya, "Princess Macezequeen?"

Natigilan siya sa tinawag nito sa kaniya at hindi makapaniwalang napatitig kay Nate. "A-anong... A-an--"

"The reports came this morning." Mahina itong natawa saka napailing, "pina-imbestigahan ka ni Morgan sakin, at lumabas na ang report tungkol sa'yo. Mace Ramos is a very smart cover."

Umawang ang labi niya, "p-pina-imbestigahan niyo a-ako?"

"Yes. And when i told Morgan, do you know what he said?"

"What?"

"He told me to forget about it." Tumiim ang bagang nito. "Forget about it. Forget! I'm helping him out and im risking my life and my mother for this! At 'yon lang ang sinabi niya sakin! Because of you," tumalim ang tingin nito sa kaniya, "Morgan forgot everything. Hindi na siya nag-iisip, hindi na niya iniisip ang mga taong nakapalibot sa kaniya, ang mga taong binubuwis ang buhay matulungan lang siyang manalo. At ngayon nga umalis siya ng hindi ako kasama kasi gusto niyang magpa-iwan ako para sa kaligtasan niyo. Fuck it, Princess, why do you have to be a damsel in distress?"

Tumaas ang kilay niya at bumakas ang iritasyon sa mukha niya. "Sinisisi mo ba ako?"

"Bakit? Sino pa ba ang may kasalanan kundi ikaw? You turn his mind upside down! Mula ng makita ka niya ulit, nabaliw na siya sa'yo! Nawala ang focus niya sa dapat na ginagawa namin. Nang dahil sayo na siyang Prinsesa naman pala na hinahanap namin, mapapahamak siya sa Flamma Challenge! Why can't you be selfless for once, stop running and help him out?!"

Tumalim ang mga mata niya. "You don't know me, Nate. Siguro nga nabasa mo ang buhay ko sa report na nakarating sayo, pero yong naramdaman ko sa mga pinagdaanan ko, yong takot ko, yong galit sa puso ko, 'yong bangungot ko sa tuwing natutulog ako, hindi mo 'yon alam. Wala kang alam. Kaya huwag mo akong sisihin sa pag-iiba ng isip ni Titus. Dahil katulad ng mga taong gustong tumulong sa kaniya, kaya kung ibuwis ang buhay ko para sa kaniya kasi mahal ko siya. Kaya nga kita kinakausap, para magpatulong sana sayong mas mapadali ang pagkapanalo ni Titus, pero mukhang nagkamali ako ng taong nilapitan."

Akmang aalis siya ng pigilan siya nito sa braso. "Anong ibig mong sabihin?"

Inalis niya ang kamay ni Nate na nasa braso niya saka taas nuong tumingin dito. "Bakit ko naman sasabihin sayo? E diba nga, sinisisi mo ako? Go on, blame me for everything--"

"I can help you help him." Nate offered her.

Natigilan siya. "A-ano?"

"Matutulungan kitang tulungan siya."

Napatitig siya kay Nate. "Hindi ka nagsisinungaling sakin?"

"Princess, i don't lie." Tumingin ito sa mga mata niya. "And why would i? He's my cousin and I'm loyal to Morgan."

Kahit papaano ay napanatag siya. "Tutulungan mo talaga ako? Susundin mo ang plano ko ng walang tanong-tanong? Kasi ayaw ni Titus na pumunta ako ng Sicily."

Natigilan si Nate at napakurap-kurap sa kaniya. "Walang tanong-tanong akong susunod sayo? I do have my own mind, Princess."

"May plano ako." Nakataas ang nuong sabi niya saka malamig na ngumiti sa binata. "At susundin mo ang plano ko ng walang tanong-tanong."

POSSESSIVE 16: Titus MorganWhere stories live. Discover now