CHAPTER 6

1.4M 29.9K 3.2K
                                    

Hi to Grace Daracan, Chang Cortez, Amy Montana and Glemabe Gubale. Sana napapasaya kayo diyan ni Titus sa Qatar.

And i want to say Thank you to Trisha Damasco, Cassandra Maalihan, Abegail Delos Santos, Drinnie Rejano, Kessia Magbanua, Charlie Jagonos, Tedd Teodosio, Jovein Piornato, Levy Gorgonio jr, Aejan James Pardilla. Salamat sa effort. I appreciate the pictures. A for Effort 👍👍👍 Nakakatuwa siya at nakaka-touch. Super. 😍😍😍😘😘😘

CHAPTER 6

SINAPO NI Mace ang mukha habang naglalakad patungo sa maliit na kusina ng Yacht at naupo siya sa mataas na upuan, katabi ng island counter. Nang lampasan siya ni Titus sa top deck kanina, hindi na siya nagulat. Inaasahan na niya iyon.

At nang naiwan siya sa top deck, paulit-ulit na nagri-replay sa utak niya ang narinig niyang usapan ni Titus at Emmanuel sa top deck kanina.

Lingid sa kaalaman ng dalawa, nagtatago siya sa may hagdan kanina. Paakyat sana siya sa top deck para kausapin si Titus ng marinig niya ang usapan ng dalawa.

Nilabanan niya ang takot na lumukob sa kaniya at pinakinggan niya ang usapan ng mga ito. At ngayon nasisiguro na niya ang hinala niya, wala ngang alam si Titus sa tunay niyang pagkatao. Mula noon, hanggang ngayon. Wala itong kaideya-ideya kung sino siya at kung anong halaga niya rito.

After all these years, she thought Titus knew pero mali siya. Wala itong kaalam-alam. But if he knew who she was, would he take her to his father? Would he bring her back to hell?

And what was all this? They met because of some twisted fate?

Sinabunutan niya ang sarili saka tinampal ang nuo niya dahil gulong-gulong na ang isip niya. Ang daming laman niyon, ang dami niyang iniisip at hindi niya alam kung anong uunahin niyang bigyang atensiyon.

Isang mahaba at malakas na buntong-hininga ang pinakawalan niya kapagkuwan ay napatigil siya sa paghinga ng malalim ng may naglapag ng isang tasang mainit na kape sa island counter, sa harapan niya mismo.

Mabilis siyang nag-angat ng tingin at sumikdo ang puso niya ng magtama ang mga mata nila ni Titus.

"Titus..."

"Inumin mo 'yan." Walang emosyon ang mukha nito habang hinahawi ang hibla ng buhok niya na nakatabing sa mukha niya. "Para mainitan ang katawan mo. Siguradong nilalamig ka dahil sa kabaliwang ginawa mo kanina."

Nagbaba siya ng tingin sa kape saka nag-angat ulit ng tingin kay Titus. "Bakit mo 'to ginagawa?" Tanong niya kapagkuwan. "I mean, why are you being nice to me?" Naalala niya ang paglampas nito sa kaniya sa mga hagdanan kanina. "Diba galit ka?"

"I'm still mad." Tumiim ang titig nito sa kaniya. "Ayoko lang na lamigin ka kaya inumin mo na 'yan."

Walang buhay siyang natawa saka hindi maiwasang manubig ang mga mata niya. This was her Titus before, the Titus who always cared for her.

Bakit ba kailangan maging ganito sila? Bakit ba naging anak pa ito ni Rinaldi Ivanov?

Napailing siya saka sinuklay ang sariling buhok gamit ang sariling kamay saka sumimsim ng kape at nagsalita. "Sinusubukan ko lang naman kung kaya ko," aniya na tinutukoy ay ang ginawa niyang paglangoy kanina. "Alam ko namang baliw ang ideya na 'yon pero kailangan ko pa ring subukan. I didnt mean to anger you or anything, I just want to see Ace and--" Natigilan siya sa pagsasalita ng maramdamang niyang masuyong hinaplos ng binata ang pisngi niya. "Titus..."

"Don't you ever do that again, cara mia." Titig na titig ito sa kaniya. "I was worried sick you know. I hate you and all but I don't want you to disappear like that again."

POSSESSIVE 16: Titus MorganWhere stories live. Discover now