CHAPTER 11

1.5M 31.2K 6.7K
                                    

Happy Birthday to Venice Claire Perez 🎁🎇🎉🎊

CHAPTER 11

MALAKAS NA BUMUNTONG-HINGA si Mace habang pinagmamasdan ang anak niyang nagbabasa ng libro. Panay ang tingin niya sa orasang pambisig sa bawat minutong lumilipas.

Kahapong umaga pa niya huling nakita si Titus at hindi siya mapakali. Gusto niya itong makita ulit lalo na't nakapagdesisyon na siya sa gagawin niya. Pero paano? Hindi siya maghihintay na ito pa ang lumapit sa kaniya. Baka kapag pinagpabukas pa niya ang gustong gawin ay maduwag na naman siya at hindi sabihin dito ang totoo.

Gusto niya ngayon kung kailan buo pa ang tapang niya.

Kaya naman kagat ang labing nilapitan ni Mace si Rios. Nagliligpit ito ng pinagkainan nila ng tanghalian. "Ahm, Rios?"

Sinulyapan siya ni Rios at binalik ulit nito ang atensiyon sa pagliligpit ng pinagkainan nila. "Hmm?"

"Ahm..." Pinagsiklop niya ang kamay. Kinakabahan talaga siya. "P-puwede ko bang hiramin ang sasakyan mo?"

Natigilan ito sa pagliligpit saka tumuon ang tingin sa kaniya, nanunuri iyon. "Bakit? Saan ka pupunta?"

"Ahm." Kinagat niya ang pang-itaas na labi, kapagkuwan ay kinagat naman niya ang pang-ibaba. "K-kasi ano, may pupuntahan lang ako. Importante lang."

"Gaano ka importante?"

Ngumiti siya. "My son's happiness depends on it."

"Pupuntahan mo ang ama niya?" Malakas na napabuntong-hinga si Rios saka napailing ng hindi siya umimik. "Ayokong pangaralan ka na naman kasi alam kong nahihirapan ka rin, pero sa tingin mo, tama ang gagawin mong pagpunta sa kaniya?"

"Yong totoo? Hindi ko alam. Hindi ko alam ang mangyayari kapag sinabi ko sa kaniya." Tipid siyang ngumiti. "Pero kailangan kong subukan e. Saka napag-isipan ko na 'to kagabi. I have to try atleast. Malaki na rin kasi si Ace. He needs him. Hindi nagsasalita ang anak ko tungkol sa ama niya, pero alam ko gustong-gusto na niya itong makita. I'm torn between keeping it a secret or telling him the truth. Pero kasi—May mga nalaman ako ngayon at hindi ko 'yon makalimutan."

Rios sighed. "Ace's father is a good guy but a dangerous one, too. Kaya mag-ingat ka. Hindi natin alam kung anong laman ng isip niya. Kung ano ba ang mas matimbang, anak niya o pera at kapangyarihan na matagal na niyang hinahangad?"

"I have to try," aniya saka huminga ng malalim. "Atleast 'yon man lang ay magawa ko para sa anak ko." Tipid siyang ngumiti. "Babalik din naman ako kaagad, pangako. Mamayang hapunan, nandito na ako."

Napailing si Rios saka may kinuha sa bulsa nito. Ang susi iyon ng kotse nito saka ini-abot sa kaniya. "Heto...mag-ingat ka."

Tinanggap niya ang susi saka nginitian ang binata. "Salamat."

"Take care of my baby." Ang baby na tinutukoy nito ay ang kotse nito. "Kapag may nakita akong kahit kaunting gasgas, babayaran mo 'yon."

Lumapad ang ngiti niya. "Yes, sir."

Napailing nalang si Rios saka bumalik sa pagliligpit ng kinainan nila. "Oo na, sige na, umalis ka na. Basta bumalik ka kaagad."

Masayang tumango siya saka nilapitan ang anak niya. Sinapo niya ang mukha nito para kunin ang atensiyon nito. "Baby, si mama, may pupuntahan lang ha? Babalik ako kaagad."

Kaagad na bumukas ang lungkot sa mukha ni Ace. "Babalik ka kaagad talaga?"

"Opo." Itinaas niya ang kamay na parang nanunumpa. "Promise 'yon ni mama."

"Sige po." Ngumiti na rin ito sa wakas at nawala ang lungkot. "Pasalubong ko, mama, ha?"

"Oo naman." Ginulo niya ang buhok nito. "Bibilhan kita ng maraming chocolates at hindi lang 'yon ang pasalubong ko sa'yo, anak." If it went well, she'd be coming home with Ace's father.

POSSESSIVE 16: Titus MorganWhere stories live. Discover now