Chapter 2

223 5 3
                                    

"Anong oras na sa tingin mo?"

Nandito ako ngayon at pinapagalitan.
Kakarating ko pa lamang , ya'n na agad ang bumungad. Expected ko na to. Pero hindi ko akalain na ang aga ng sermon na natamo ko.

"9:00 po" saad ko na naka-yuko.
Hindi ko magawang tumingin sa kanya dahil pang 2 week ko palang dito. Nasermonan na agad ako.

"9:00 na pero isa palang ang nai-delivery mo? Do you think, you deserve ang highest allowamce?"

pulang-pula na si Ma'am Divine sa galit. I don't know, what to do.

"Sorry , Ma'am" ya'n nalang ang naisambit ko sa kanya.

I feel, I don't deserve this job.
and that hit me.

"Okay you may leave now. Don't do this again." parang dismiyadong saad nito. Umupo ito at hinilot ang sintido na parang stress na stress.

Lumabas na ko doon at bigla namang may lumapit sa akin.

"bakit ka pinatawag ni ,Ma'am?" saad nito agad sa akin.

"Wala. Pinagalitan lang ako. Tha't all"
malamyang saad ko.

Napaupo nalang ako sa sobrang dismiyado rin sa nagawa ko pero hindi ko naman kasalanan na credit card ang bayad ng customer na yun e.

Dahil sa kanya, baka mapaalis ako dito ng wala sa oras.

"huy!Sandra,okay ka lang?" napa-snip ako ng may humawak sa balikat ko.

"Yeah, okay lang ako medyo space out lang" saad ko nalang kay kelly.

Si kelly nga pala kaibigan ko at siya rin ang nag pasok sa akin dito. Mabait siya at hindi plastik. I'm thankful dahil may ganyan akong kaibigan.

"Sure ka ah? baka may lagnat ka?" nag-aalalang saad nito at inabutan pa ko ng tubig. Concerned much!

Ngumiti lang ako at tinanggap ang tubig na bigay niya. Tumayo na ko para mag back to work.

Think positive! Aja! fighting!

Nag hatid na ulit ako ng box at buti kamo naging maganda ang work ko hindi tulad kanina nakaka-streess!

Nang pagabi na, nag ayos na ko at nag handa na ng umuwi sa bahay. Pag ka bukas ko palang ng pinto.

Nandun sina Thea at ang step mother ko. Thea is my step sister.

Nanonood sila ng T.V habang kumakain ng ice cream. Napa-ngiti lang ako ng mapait. Wala silang pakielam sa akin. At tanggap ko yun.

Ang father ko ay nasa ibang bansa para mag trabaho para sa amin. I miss him so much! Siya lang ang kakampi ko rito pero hindi naman ako galit sa stepsister ko at stepmother ko. Sanay na ko na kahit turing nila sa akin ay parang isang hangin na parang hindi nila nakikita pero nararamdaman nila

Dumiretso ako sa kuwarto ko na napaka-kipot. Binaba ko na yung bag ko at kinuha yung cellphone ko

Tinignan ko kung may text na si papa sa cellphone ko pero wala pang reply.
This past few days hindi na siya ng re-reply sa text ko and tha't bother me.

"Pa naman, reply ka naman,oh" napa-saad ko nalang sa sarili ko habang hawak ko yung cellphone na puno ng text ko na wala niyang reply.

Ang hirap...ang hirap mabuhay na alam mong wala kang mapag sasabihan kung,ano ang nararamdaman mo .

"Pa,please" iyan ulit ang tinext ko kay papa.

Simula ng mamatay si mama, siya na ang naging sandalan ko ng hindi pa siya nag tra-trabaho sa ibang bansa.

And that moment....

I miss that....

The three knights and IWhere stories live. Discover now