Chapter 13

78 5 1
                                    

SANDRA POINT OF VIEW

Gabi ngayon at as usual na sa 7Eleven ako. At nandito ako ngayon sa upuan habang ka-text ko yung mokong na yun.

Habang nag babasa ako ng text, halos gusto kong sumugod sa kanya at hampasin siya ng bakal.

Ang harsh ko ba masyado?

[Mokong na Keith]

-Hoy! babae! Tandaan mo! Ayoko ng panget na kasama, kawawa yung ka-gwapuhan ko kung lahat ng atensiyon ay na sayo hindi dahil insecure sila kundi....alam mo na yung karugdong niyan.

See? Nakaka-inis! Sinong taong matutuwa kung pag sabihan ka ng ganyan?

Kulang nalang maging toro ako sa sobrang inis ko sa text niya.

Nag-type ako sa phone ko.

-Meron ka palang kagwapuhan? Mag kano bili mo? Pagkaka-alam ko kasi puro kahanginan lang ang available sa katawan mo!

[Message Send]

Tumingin ako sa paligid kung may customer na. Mahirap na kapag nasisante ka. Wala pa kong ipon, maliban sa college saving ko.

[Message!]

Ringtone ko yan. Maganda ba?

Wag mo ng sagutin, alam ko na sagot mo!

[Mokong Keith]

-Meron ako nun at sila pa nga yung bumibili nun sa akin. Atsaka, Don't worry. Hindi ako nauubusan nun.
Gust mo bang mag pa-refill?
Libre ko na, panget!

Arrrghh! Diba nakaka-bwiset?!
Pinatay ko na yung phone ko. Alam kong panget ako, kailangan talaga i-mention pa at ulit-ulitin?!

Nag halubaba nalang ako, ng biglang may pumasok na tao. Tumayo ako ng diretso.

"Good evening,Sir." saad ko.

Kumuha lang ito ng gatorde at cup noodles bago lumapit ito sa akin at ibinigay yung cup noodles niya para lagyan ng tubig na mainit.

"Eto na po, Sir." saad ko sa kaya at ibinigay ang isang cup na noddles sa kanya.

Pumunta ko sa lalagyan ng mga pera at kinuwenta yung over all na pinamili niya.

"95 pesos, Sir." saad ko.

Kumuha ito sa bulsa ng pants niya ng pumikit ito ng mariin.

"Patay." mahina niyang bulong sa sarili niya.

"Anong patay, Sir?" tanong ko sa kanya.

Tumingin lang ito saglit sa akin.
Halos kumunot yung noo ko sa kanya.
Baliw ba to?

Tumingin  muli ito sa akin.

"By the way, bayaran ko nalang ito sa susunod."

Halos mabingi ako sa sinabi niya.

WHAT?!?

Tindahan ba to para sa susunod niya pa bayaran?!

Hello?! Store ito!

Kinuha niya yung cup noodles at akmang lalabas na. Hinarangan ko agad siya.

Wala kong pera na pang-abono sa pinamili niya. Ano siya chicks?

Hindi pwede!

"Nag bibiro ka ba?" tanong ko sa kanya.

"Mukha ba kong nag-bibiro."

Wow! Nakuha pa niyang mami-losopo.
Wow lang, talaga!

"Hindi pwede! Wala kong pang-bayad sa mga pinamili mo." saad ko sa kanya.

"Ako ang mag babayad at hindi ikaw. Paki-lista nalang." bored niyang saad.

Nakakaloka naman tong kausap!

"Papagalitan ako ng boss ko." saad ko sa kanya.

"Kakausapin ko siya." saad niya muli.

Bakit ba hindi siya maka-intindi?

"Bawal nga sabi! Intinde?" tanong ko sa kanya.

"Nakaka-intinde ka rin bang sa susunod ko nalang babayaran?" balik niya tanong.

Gandang sagot. Tanong din!

" Ba't hindi ngayon?"

"Wala kong pera. Pwede ka na bang umalis sa pintuan." saad niya.

Kung bigwasan ko kaya siya.

"Bawal nga, bayad muna." saad ko muli sa kanya.

Tumingala lang ito at bumuga ng hangin sa kawalan. Anong arte yan?
Pa-cool effect?

Kinuha niya yung cellphone niya at may tinawagan.

"San ka?" tanong nito sa kausap niya.

"Papunta na ko diyan." saad muli nito sa kabilang linya. Binaba na niya yung cellphone niya at binulsa muli ito.

"Padaanin mo na ko. May kailangan pa kong puntahan." bored niya saad muli.

Bwiset na nilalang na to.
Hayyyss!

"Bayaran mo yan sa susunod kung hindi ipapa-salvage kita." Inis kong saad sa kanya at pina-daan siya.

As if na kaya mo..

Sabi ng magaling kong utak.
Pati ba naman sarili kong utak?
Kontrabida din?

Wala kong nagawa kung hindi bayaran ang 95 pesos na yun.

Huhuhu! Goodbye 95, pesos.

-------------------

Ang Lame ng Ud ko masyado.
Sabaw!

Vote naman kayo! Paramdam din kayo, wag yung puro basa lang.

Comment na din kayo. Sabihin ninyo kung panget ba o maganda para mabago ko or ma-edit.

CiAo!!!!







The three knights and IWhere stories live. Discover now