Chapter 14

86 5 0
                                    

SANDRA POINT OF VIEW

[Wednesday]

"Ano ba yan! Ang taas niyan. Hindi ko kaya! Swear!" bulyaw ko sa kanya.

"Kayanin mo!"

"Ayaw ko sabi!"

"Tssk! Kaya mo yan, ang baba nga lang niyan."

"Ang taas kaya! Bulag ka ba?!" inis ko ng saad sa kanya.

"May mata ko."

"Yun naman pala,e! Bakit ba ito pa yung pinapasuot mo?!"

"Excuse me! Sir and Ma'am kung mag tatalo po kayo, gumilid naman po kayo." sabi nung isang sales lady doon.

Tumingin ako ng masama kay mokong. Oo, kasama ko ngayon si mokong. At we're here, nasa mall ulit.

"Isukat mo na kasi." saad niya.

"Ang taas sabi!" giit ko ulit.

Bumuntong hininga lang ito at bumuga ng hangin sa kawalan.

4:00 na ng hapon at 7:00 ang kasal ng lolo niya.Astig noh?! Gabi ang kasal.

"Ilang hours mo lang naman yan, susuotin. Suotin mo na, malapit na mag 4:30,oh." saad nito at tumingin sa relo niya.

Tumingin ako sa Red na sandals na naka-lapag ngayon sa sahig. Killer heels naman kasi tong pinili ni mokong,e.

At, haller?! First time kong mag heels ng ganito. Tapos kung maka-utos tong si mokong, over mag utos! Tsk!

"Okey! Fine! Fine!" saad ko na parang sumusuko na.

"Good.." ngiti na niyang saad.

"Good.." ginaya ko yung boses niya pero may halos pangangasar.

"Nangangasar ka ba?" tanong niya sa akin.

Hindi ko siya pinansin at sinukat yung pesteng heels na yun na napaka-taas.

Pagka-tapos kong isukat yon, tumayo ako pero dahan-dahan para ma-balance ko siya ng tama.

"Ano yang ginagawa mo?" tanong niya na mapansing akong dahan-dahang tumayo.

"Balance, pake mo?" inis kong saad.

Ng dahil sa kanya, mag susuot tuloy ako ng heels na to ng wala sa oras. Feeling ko tuloy parang sasabak ako sa gera ng hindi ready.

"Barado ka ba?" tanong nito na ikana-unot ng noo ko.

Tumingin ako sa salamin bago mag salita sa walang kwenta niyang tanong.

"Mukha ba kong lababo o C.R para tanungin mo ng ganyan."

Nag-lakad ako ng kaunti para malaman ko kung kaya ko ba o hindi.

I'm not comfortable.
With this shoes. The killer heels.

"Para ka kasing baldado. Hahahaha." saad nito na ikinatawa niya.

Siya lang yung natawa. Anong connect nun sa barado to baldado? Ang layo ah!

"Joke ba yun?" tanong ko sa kanya.

Hinubad ko na yung sapatos na yun.
Ilang minuto ko palang yun suot. Nangalay na ko.

Paano pa kaya kung hours?
Baka mag dugo na yung sakong ko niyan.

"Nag biro ba ko?" pilyo niyang saad.

"Tinatanong nga kita kung joke yun o hindi,e." saad ko sa kanya.

"Pick-up yo'n." saad niya.

"Hindi halata,ah."

Natatawang kong saad sa kanya.
Akalain mo, pick-up pala yu'n.
Hahaha.

"Tssk! Hindi ka kasi marunong mag pick-up lines."

Wow! Ako pa talaga ang hindi marunong? Nahiya naman ako sa banat niyang barado to baldado.

"Edi, ikaw na." saad ko.

ang hindi marunong mag pick-up lines.

Saad ko sa isip ko.

"Oh,eto na!" bigay ko nung sapatos na red na yun. For sure, mahal na naman to, baka mahigit 20,000 na yan.

Kinuha niya yun at pina-box sa sales lady bago kami pumunta ng counter..

As I expected, mahal nga ang bayad.

25,000 pesos.

---------------

"Nasaan na ba tayo?" tanong ko.

Ang layo na kasi ng dinadaanan namin. Saang lupalop ba yung lugar na pupuntahan namin at ang layo naman yata?

Saan ba kami pupunta sa Mercury kaya?Venus? Earth? Mars? Jupiter? Saturn? Uranus?

Yan ang classification ng mga planets.
Lakas tama ng author no'h?

"Nasa kotse tayo ngayon." pabalang na sagot niya.

Bigwasan ko kaya ito ng walong beses? Alam kong nasa kotse kami ngayon at hindi ako tanga.

"I mean, saang lugar na tayo ngayon! Wag kang noob." saad ko sa kanya at tumingin sa bintana.

Puro buildings ang nakikita ko ngayon. Maganda ang lugar na ito, malinis at attractive.

"Nasa makati tayo ngayon." saad niya habang naka-tuon ang tingin sa kalsada.

"Malayo pa ba tayo sa pupuntahan natin?" tanong ko sa kanya.

Medyo naiinip na kasi ako hindi dahil excited ako sa kasal ng lolo niya kundi excited akong matapos na tong araw na ito.

"Nandito na tayo."

Napa-ngiti ako sa sinabi niya. Bumaba agad ako at tumingin ako sa harap ko.

Isang building na napaka-garbo at may taas na 35th floor.

Paano ko nabilang? Wag na kayo mag tanong kung paano.

"Bibig mo nag lalaway na." napa-baling ako kay mokong.

"Ewan ko sayo." saad ko at naunang mag lakad sa kanya. Kinapa ko na rin kung meron bang tumulong laway pero wala. Tssk!

Bigla kong napa-hinto ng malapit na ko sa automatic door na ito na bigla nalang bumubukas kapag may dadaan na tao.

Hindi ko pala alam kung saan ako pupunta.

Lumingon ako kay mokong at naka-smirk lang ito at naka-sandal pa talaga siya sa kotse niyang chervolet.

Medyo malayo na rin ang pagitan namin kaya hindi ako maka-sigaw sa kanya, baka mapahiya lang ako dito.

Kaya no choice kundi ang lumapit ulit sa kanya ng mag kalapit na kami. Naka-ngisi pa rin siya habang naka-tingin na sa akin.

"Bakit hindi pa tayo pumasok?" tanong ko sa kanya.

Ng nodded lang ito.

"Let's start.." napa-kunot ako ng noo ng bigla niyang sabihin yan.

"Ano?" naguguluhan kong tanong.

Bigla niya kong hinigit na ikina-gulat ko at bigla niya kong inakbayan.

Shock! That's my reaction.

"Pretend that you are my girlfriend and pretend that I am your boyfriend."

Ano daw???

Pwede ba muna mag refresh?

Tagal mong loading ng utak ko,eh.

The three knights and IWhere stories live. Discover now