Chapter 11

98 6 1
                                    

SANDRA POINT OF VIEW

"Hoy! Hintayin mo naman ako!" sigaw ko sa kanya.

Ang bilis kasi mag lakad! Nakakapagod kaya.

"Bilisan mo kasi! Para kang pagong!" saad nito.

Bwiset! Sinama niya ko para pagurin lang? Sarap niyang suntukin ng maraming beses! Arrgh!

"Hindi ako pagong kung mag lakad talagang malaki lang ang hakbang mo!"

Tama naman ako,ah! Sadyang malaki lang talaga humakbang tong mokong na toh!

Isang hakbang palang niya, dalawang hakbang ko palang. Tss! Laking nilalang kasi eh!

"Tssk! Nanlalait ka ba?" tanong niya sa akin at tumingin ng masama.

Nilait ko ba siya? kapal ng face!

"Hindi kita nilait, nag sabi lang ako ng totoo no'h!" saad ko.

"Whatever!" at nag lakad na muli ito.

Hindi man lang marunong mag hintay.
Bwiset na lalaki na toh!

Nag half run na ko para sa kanya. Nakakahiya naman sa laki ng hakbang niya.

Pumasok kami sa shop ng mga damit.

"Bakit tayo nandito?" tanong ko sa kanya. Tumingin lang ito ng bored look sa akin.

"Tingin mo? bakit tayo nandito?" sarcams na baling niya.

Nanliit lang yung mata ko sa kanya. Gandang sagot! Tinanong ko nga siya tapos binalik naman niya?!

"Commonsense.." bulong niya sa tenga ko. Lumapit ito sa mga pang babaeng damit.

Napa-irap lang ako sa kanya. Commonsense pa siyang nalalaman!
Hindi ko nga alam kung meron pala siya nun.

Pumunta na siya sa mga dress at ako naman si taga-sunod niya kung saan man siya pupunta.

Bigla niyang itinapat sa mukha ko yung dress na black.

"Isukat mo.." saad nito na ma-awtoridad. Like a boss lang ang peg.

Kinuha ko yun at pumunta na sa fitting room. Act date lang naman ang kanilang gagawin ah. Bakit may dress pang chu-chu tong mokong na to. Pwede namang simple T-shirt lang at pants?

Nag masuot ko na yung dress na yun. Lumabas ako at pinakita kay mokong yung suot ko. Tinignan ko siya na prenteng naka-upo habang pina-paikot ako para makita niya kung bagay ba sa akin. Umiling ito na bilang sign na hindi bagay sa akin.

May lumapit sa kin na isang saleslady at may binigay na limang dress.

Seriously, lahat ng ito isusukat ko?

"Ano to?" tanong ko sa kanya.

"Damit."

Alam kong damit toh? Mukha ba ko noob para hindi malaman.

"I mean, lahat ng ito isusukat ko?" tanong ko sa kanya.

"Alangan baka gusto mong titigan?"

Ini-rapan ko nalang siya. Gandang kausap nitong nilalang na ito.

Pumasok nalang ako sa fitting room.
At sinukat ang mga dress na yun.

Halos mag-sampung dress na yun, nasusukat ko at wala pa rin siyang napipili.

Nanadya ba toh?

Kumuha nalang ako ng puting damit malapit sa likod ko. Pagod na ko mag sukat.

"Pwede na to! Hindi ka naman marunong tumingin kung maganda o pangit." inis kong saad.

Pumasok na ko sa Fitting Room at sinukat na yun. Tumingin ako sa salamin.

Puti ang dress na ito na may floral na may pagka-semi gown. Sa likod mahaba sa harap naman hanggang tuhod ko lang. Ito ang dress na napili ko. Pwede na to!

Hinubad ko na at lumabas ng fitting room at pumunta na ko kay mokong.

"Oh, ano?" tanong nito.

Kumunot yung noo ko.
anong pinag-sasabi nito?

"Oh, ano rin?" ulit ko ng sabi niya.

Nag-tssk lang ito sa akin.

"Eto na yun kukunin ko."

Binayaran na niya yung dress na yun at guess what? 13,500 ang dress na to!
Bakit ba hindi ko muna tinignan yung presyo? Napasapo ko nalang yung noo ko.

"Wag na kaya natin kunin." bulong ko sa katabi ko. Nahiya naman ako sa kanya, siya ang gagastos eh.

"Bakit?" naguguluhang tanong nito sa akin.

"Ang mahal,eh." saad ko.

Batukan daw ba ko? Diba bait?

Hinatak niya ko at umalis na kami sa store na yun. Binigay niya yung paper bag sa akin.

"Sa wednesday na yung kasal ni lolo."
biglang saad nito.

"Tapos?" tanong ko sa kanya.

"Galingan mong mag act." saad nito.

"Oo! Don't worry." saad ko nalang.

Wala ba tong tiwala na magaling akong mag act? atsaka parang sisiw lang yan, wala pa yan sa trabaho ko.

Pumasok naman kami sa Salon.
Balak nga niya ng make-over ganun?

"Ayaw ko mag pagupit." saad ko agad.

"Kailangan."at tinulak ns niya ko sa loob. Tumawag pa siya ng babae at pina-upo niya agad ako.

"Ayaw ko sabi,e!"
 
Tumayo ulit ako ng hilahin niya muli ako para mapa-upo. Napatingin na tuloy yung mga tao dito.

Tatayo na sana ko ng mag salita.

"Subukan mong umalis, hahalikan kita."

The three knights and IWhere stories live. Discover now