Chapter Two

95.9K 3.8K 493
                                    

CHAPTER TWO

"IT'S OKAY. I love you anyway."

"Bari." Bakit sumisikdo ang puso niya? Alam naman niyang mahal pa rin siya ni Bari. Kaya nga lalo siyang pinapatay ng guilt niya. She doesn't deserve any of his love. "Gusto mong ihanap kita ng ka-date?"

She met a lot of women who she thought would be deserving for Bari. Iyong kaya itong alagaan at hindi saktan.

Mahal niya rin si Bari pero natatakot na siyang magkamali ulit. Ayaw niya nang masaktan ang asawa. He deserved every good things in this world. Even if that doesn't include her.

"A date?"

Tumango siya. "O-Oo... Date. Para naman makita mong may ibang babaeng mas dapat sa'yo. Huwag na 'ko ang mahalin mo. Alam mo namang--"

"May iba ka nang gusto."

Hindi na lang niya tinama ito. Actually, she's been courted by Kuya Johann since November last year. Two months na ang nakakaraan. Una, ayaw niya pero naisip niya, gusto niya rin ang lalaki.   Hindi lang kasintindi nang katulad kay Bari.

Ibarra delos Santos would always be special. She would always love him. Kahit magkagusto siya sa iba, mahal niya pa rin si Bari. At sa totoo lang, hindi niya na gustong magmahal ulit ng iba.

But Johann opened her heart again. Marami pa siyang nililihim sa lalaki pero hindi ito mapilit na sabihin niya. Kapag kasama niya si Johann, nakakalimutan niya ang tungkol sa nakaraan. Ang tungkol sa baby niya...

Napalunok siya. "I-I know that our situation is not ordinary. If you love me despite what have I done to you, paano pa 'ko? I look up to you so much, Bari. Kaya dilat ako sa katotohanan na hindi ako para sa'yo. Mahal kita dahil lagi ka nang nasa puso ko."

"You and your twisted reasons." Humigpit ang pagkakahawak nito sa manibela.

"I just know that you deserve someone better than me."

"If someone is better than you, Maria Clara, why no woman ever came close to what you can do to me?"

Napaamang siya. Niliko nito ang sasakyan at mas bumilis ang pagtakbo nila.

"But alright, I understand you."

Bari always does. Being with him is like a travel down to memory lane and guilt tripping.

"You recommend the woman I can date."

Napakurap-kurap siya. "T-Totoo?" Pumapayag na itong makipag-date sa iba?

Tumango ito pero hindi tumitingin sa kanya. "I'll date them. Para malaman ko kung anong klase ba ng babae ang tingin mong puwedeng pumalit sa'yo sa puso ko."

"Ano ba, Bari! Wala ka bang pride? Tigilan mo naman sa kasasabing mahal mo 'ko. Alam mo sa mga nobela, hindi inaamin ng lalaki iyan. Men are not very vocal."

"Am I any other men to you, dear?"

Oh. Right. Iba nga pala ito. Napabuga siya ng hangin.

"Sa mga nobela ba, hindi rin inaamin ng babae kapag mahal niya pa rin ang asawa niya? Na sa totoo lang kahit nakipaghiwalay na siya ay gusto niya ring bumalik pa din?"

Humalukipkip siya at inirapan ito. It happened in her stories. "Mahal naman kita, eh. Ibang klase na nga lang."

"Bawat sabi mo na mahal mo pa rin ako, umaasa ako."

"Eh di, hindi ko na lang sasabihin!"

Napalabi siya nang tumawa ito. Jeez, she missed even his laugh! "Gusto kong maging magkaibigan pa rin tayo, sa totoo lang," pag-amin niya. "Gusto kong maging malapit pa rin tayo dahil gusto kong makasiguro na mapunta ka na talaga sa tamang babae."

Hold Me More (More Trilogy #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon