Chapter Seventeen

76.9K 3.1K 264
                                    

CHAPTER SEVENTEEN

NAGTAGO SI Czarina sa likod ng halaman at saka sumilip sa loob ng kainan ng inn. She saw Bari and Vivien having dinner together. Habang siya kanina sa bahay ay mag-isa lang siyang kumakain, kausap ang teddy bear niya, at padabog-dabog!

            She can't believe this! Paanong nandoon ang babaeng iyon bigla sa eksena? Hindi makatarungan! Kung kailan naman handa na siyang maging all-out kay Bari? At ang Bari na iyan, hindi siya pinapansin! Ano namang drama nito? O sadyang abala lang talaga ito sa trabaho?

            Pero dati naman, kahit anong dami ng trabaho nito, kapag nakita siya nito ay hihinto ito...

            Dati. Noon. Hindi ngayon. Nauntog na iyan si Bari sa pader kaya natauhan na sa'yo.

            Ugh! Hindi nga? Huwag pa naman, o! Nagpapagaling lang siya, eh. Ayaw niya kasing sabihin ngayon dahil alam niyang magsasawa na naman siya pagkatapos ng ilang buwan pagkatapos si Bari na naman ang lubos na masasaktan. Oo, madaling sabihin na may sakit siya pero masasaktan lang din lalo si Bari. Plus, the burden will be shared.

            Bari had enough. Kung deserve siya nito, he deserved a better her!

            Napatuwid ng tayo si Czarina nang matapos kumain ang dalawa. May sinasabi ni Vivien. Nakangiti si Bari! Nakangiti habang nakatingin sa babae! Niyugyog ni Czarina ang halaman. "Ang landi mo, Bari! Secretary, huh? Huwag ako! Nasulat ko na iyan!"

            "Ate Czarina."

            Napapitlag si Czarina at agad na napalingon sa tumawag sa kanya. Si Monchie. May dala itong supot ng pagkain. "Anong ginagawa mo diyan, ate?"

            "Ha? Ahm... Ano...Chine-check ko lang 'tong halaman kung hindi pa tuyot. Ganoon."

            "Ah. Hindi naman iyan natutuyot, ate. Maganda po mga halaman dito sa Blair's."

            "Oo nga, eh. Pero bakit nasa labas ka pa?" Lumayo na si Czarina sa halaman dahil napagtanto niyang mukha lang siyang tanga doon. "Gabi na, o."

            "Nautusan lang po ni Nanay," anito at saka tinaas ang supot na dala. "Sige, ate. Uwi na 'ko. Uwi ka na rin po, ate."

            "Mamaya. May ginagawa pa kasi ako. Mag-iingat ka, ha?"

            Pagkaalis ng bata ay tumingin ulit sa glass window ng restaurant si Czarina. Oh, no! Wala na ang dalawa doon! Bigla siyang napapasok sa loob ng inn. Agad sana siyang lalapit sa reception kung hindi niya lang nakabangga ang pakay niya.

            "B-Bari!"

            Kumunot ang noo nito. "And what are you doing here?"

            Sumilip si Vivien mula sa likod nito. Argh! Inis talaga siya sa pagmumukha ng babae. Naaalala niya pang ang sarap nitong sabunutan noon dahil ang kapal ng mukhang pagbintangan si Bari na hinipuan ito. Well, Czarina must admit, Vivien is kind of pretty. Galit lang siya noon kaya nasabihan niya nang pangit.

            "K-Kakain sana ako diyan," sabay turo sa resto sa gilid. "Gutom pa kasi ako pero ubos na ang pagkain sa bahay."

            Tumango naman si Bari at humarap sa reception. "Give everything she wants. Charge it on me."

            Parang gustong magtatalon ng puso ni Czarina. Bari still cares for her! Nilibre siya, eh. "S-Salamat, Bari."

            Tumikhim si Vivien. "Sir Bari, may mga dapat tayong tapusin ngayong gabi. Naiwan po sa kuwarto ang mga naiwang trabaho."

Hold Me More (More Trilogy #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon