Chapter Fifteen

79.7K 2.9K 414
                                    

CHAPTER FIFTEEN

THE WHOLE place was so romantic. But the tension between Czarina and Johann is nothing but the opposite of it.

Unang beses nakita ni Czarina ang pagkatunaw ng mga ngiti ni Johann. Nangilid ang luha sa mga mata niya. Mas mahirap pala ito kaysa sa inaasahan niya.

"A-Ayaw mo na? Pero akala ko..." Johann's voice faded. He tried to smile but the smile was too broken.

Why do good men get attracted with a girl like her? "I'm sorry...H-Hindi ko pala kayang makipagrelasyon sa'yo. I mean, I... I realized that I liked you only as a brother." Nagyuko si Czarina nang ulo at kinuyom ang mga kamay. Hindi niya na kayang salubungin ang mga mata nang lalaking sobrang malaking parte ng buhay niya. "Pero h-hindi kita mahal katulad ng...ng pagmamahal mo sa'kin... I'm sorry, Kuya Johann."

Mahabang katahimikan ang bumalot sa kanila. Nang sinubukan niyang sulyapan ito ay kalmado lang naman ito ngunit hindi maipapagkakaila ang sobrang kalungkutan sa mga mata nito.

"I'm sorry. I'm sorry if I lead you on," dagdag niya pa. "Na pinatagal ko pa nang ganito. Sorry that I have wasted your time, Kuya..." nagsising wika niya.

Tumikhim ito at kahit papaano ay nagawa nang ngumiti. Ngunit maliit lang iyon. Wala na rin ang ningning sa mga mata nito. "Naiintindihan ko naman. Kung iyan ang desisyon mo, nirerespeto ko. Huwag kang mag-sorry. Wala namang nasayang."

"S-Sana maging magkaibigan pa rin tayo."

"Siyempre naman," sagot nito. "Salamat dahil naging tapat ka sa'kin. Naging tapat ka sa sarili mo. Hindi naman napipilit ang pagmamahal. Kung w-wala..." Napayuko ito. "Wala talaga."

Napalunok siya. Isusunod niya na sanang sabihin ang tungkol sa kondisyon niya at tungkol sa kanila ni Bari ngunit bigla itong tumayo.

"K-Kuya Johann, wait—"

"Sa susunod na lang tayo mag-usap ulit," his voice cracked yet he tried to smile. "May gagawin pa pala ako, bigla k-kong naalala."

"Kuya, may gusto pa 'ko sanang aminin—"

Ngunit tuluyan na itong naglakad palayo, kuyom ang mga kamay. Napabuntong-hininga si Czarina at napaupo na lang ulit. Hindi niya naman mapipilit makinig sa kanya si Johann. Nasaktan niya na nga ang tao, should she expect that he'll stay and listen to her more?

Napakamot siya nang pisngi. Gusto niyang habulin ang lalaki ngunit baka mas lalo naman itong masaktan kapag sinabi niyang hindi rin talaga sila puwede dahil kasal pa siya... sa pinsan nitong si Bari. Baka hindi pa oras. Sa ibang araw na lang niya sasabihin.

"Have you rejected him?" tanong ni Bari nang nakauwi na siya at tumawag ito sa cellphone.

"Yes..." Ngunit kulang, eh. Kailangan pa niyang makausap nang mas masinsinan ulit si Johann. He deserves to know the truth. "Pero hindi pa 'ko agad makakapunta sa Tierra Fe, okay? Kailangan ko pa siyang kausapin dahil may hindi ako nasabi."

"No, I think that's enough. He needs to catch you remember?"

"Hindi! Basta. Kailangan ko pa siyang makausap kasi nga—"

"Stick to our plan, Czarina," Bari lazily said.

"Atat ka naman masyado na dalhin ako sa Tierra Fe!"

"Oh, I know you're excited to go back there. Besides I already bought us the plane tickets for tomorrow. We can't miss the plane, can we?"

Hold Me More (More Trilogy #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon