Chapter Twenty-Five

91.7K 3.9K 704
                                    

CHAPTER TWENTY-FIVE

IMAGINATION lang ba ni Czarina o talagang na-miss siya ni Bari sa tatlong linggong lumipas? Nang makababa si Czarina ng eroplano ay nasa baba na agad si Bari! Hindi man lang sa arrival area naghintay? Sa baba ng eroplano talaga?

Hindi na siya magtatanong bakit ito puwede doon. Nakapamulsa ito habang nakasuot ng Rayban. Inaabangan ang pagbaba niya. Prente pa itong nakasandal sa Hummer nito na hindi na rin niya tatanungin kung bakit nakapasok doon.

Pinagtinginan sila ng mga pasahero na bumababa rin ng eroplano. Bari opened the car door for her.

"Kukunin ko pa ang bagahe ko sa luggage claim area..." Her voice faded because one airport clerk just put her baggage in the car's trunk. Sabi niya nga, eh. Shut up na siya.

Nakangiting pumasok siya sa front seat at agad na umikot si Bari sa driver's seat. May binigay agad sa kanyang folders si Bari.

"Our next mission is still far away. The month of May next year."

"Ang layo pa nga. Ang dami pang puwede mangyari. Hindi ko pa sure kung nasa Manila ako or I'll stay in Bukidnon for business. I ran the flower farm now, you know," pagmamalaki niya pa.

Tumango si Bari. "Kung ganoon ay hindi ka ba magtatagal dito?"

"Hanggang birthday ko lang. Pagkatapos ay sa flower farm na kami magse-celebrate ng New Year."

"I see."

Hindi na umikot tungkol sa kanilang dalawa ang pag-uusap. Napunta na iyon sa kung anong pinaplano nito tungkol sa dalawa pang natitira nitong pinsan. Kung tutuusin, halos isang taon na nilang ginagawa iyon ni Bari.

Ang bilis talaga ng panahon! Kung sabagay, magbi-birthday na naman siya. Tatanda na naman siya.

Hinatid siya pauwi ni Bari para ibaba ang mga gamit niya. Sinabi lang nito kung saan siya puwedeng manood ng mga mangyayari mamaya. Nauna na itong pumunta doon. Magkita na lang daw sila ulit mamaya.

Binaba niya ang mga gamit at sinalubong siya ng madrasta. Nakisabay lang siya sa pagkain ng agahan at pagkatapos ay lumabas na siya gamit ang kotse niya.

Pagkadating sa CCF Center kung nasaan ang kasal na e-eksena daw si Reynald ay dumiretso na siya sa loob. Natanaw niya si Reynald na karga ang anak nito at tila ayaw papasukin ng mga bantay.

Napatago si Czarina sa likod ng poste nang makita si Charlie na tumakbo palapit sa pinsan nito at sinabitan ito ng DSLR sa leeg. Nakipag-usap ang mga ito sa bantay. Kinuha ni Charlie ang bata bago mabilis na tumakbo sa loob si Reynald.

"Itigil ang kasal!" sigaw nito.

Pinigilan ni Czarina ang matawa dahil akala ni Reynald ay si Lavender ang ikakasal. Pero hindi talaga. Now, the Anderson cousins plotted a comedy scene. It was confirmed. They are all nuts.

Kawawa naman si Reynald. Kailangan pang mapahiya sa ibang kasal--kung saan nandoon din naman si Lavender at nakahalo sa mga bisita. Akala kasi talaga ng lalaki ay si Lavender ang ikakasal.

"Hay nako, Bari. Palala na kayo ng mga pinsan mo," nailing na bulong niya.

Oh, well! Nagtagumpay pa rin naman ang mga ito dahil nakita niyang magkahawak kamay na lumabas sina Reynald at Lavender. Maparaan na rin siyang lumabas at nagtago sa gilid gilid. Pinakawalan niya na ang tawa nang malayo na siya.

Hold Me More (More Trilogy #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon